"Babe.. Gising na po.." ang nadidinig ko habang napupuno na naman ng mga halik ang muhka ko."Hmm" Lang din ang tanging nasagot ko.
"Gising na birthday girl" Bulong niya sa akin. "parang sasabog na ang telepono mo kaka tunog, kanina pa yan." Sabi niya.
"Hmm." Pag ulit ko. Nakayakap ako kay Ion kaya binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil ayaw ko munang gumising. Magaa naman ako'ng natulog kagabi pero bakit parang pagod na pagod ako at gusto ko pang matulog pa ng mas mahaba.
Biglang bumukas ang pinto at may mga kumakanta sa labas. "HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!"
"Happy birthday Meme!" Biglang sigaw ni Erna. Napayakap ako ng mas mahigpit kay Ion at binaon ko pa ang mukha ko sa dibdib niya.
"Gising na, Me!" Sabi ni Kitty.
Kinapa ko ang unan sa likod ko at tinapon ko sa kung saan banda ang mga boses nila at narinig ko namang nagtatawanan sila sa ginawa ko.
"MGA BAKLA KAYO!!!" sabi ko habang umayos ng upo. "ANG IINGAY NINYO!" dagdag ko pa.
Nakita ko silang may dala'ng cake na may nakasindi'ng kandila sa ibabaw nito.
Unti-unti sila'ng lumapit sa akin.
"Mag wish ka muna." Sabi ni Ion sa tabi ko.
Pinikit ko ang mga mata ko sandali.
Panginoon, ang hiling ko po ngayong kaarawan ko ay sana po matapos na ito'ng problema sa buong mundo, sana po ay matapos na ito ng ligtas kami'ng lahat, lalong lalo na ang buong pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. Sana po ay bigyan Niyo pa po ako mg mahabang panahon pa upang makakapagpasaya at magpapangiti pa ako ng tao, dahil doon po ako masaya. Hihilingin ko din po sana sa Inyo na sana'y makakasama ko pa ang Nanay ko ng mahabang panahon pa po, kasi po mahal na mahal ko po siya. At si Ion po, sana po ay bigyan Nyo pa po kami ng mas mahabang panahon para magmahalan pa po, bigyan Nyo pa po kami ng lakas upang maging sandalan sa isa't-isa. Maraming maraming Salamat po Panginoon.
Hinipan ko ang kandila at tumingin kay Ion.
Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. "happy birthday Babe." Sabi niya.
Hindi na ako nakasagot at hinalikan ko siya sa labi, bigla ko'ng nakalimutan na nasa harap pala namin ang mga bakla kaya nabigla ako nung nagtilian na sila. Pagtingin ko sa kanila ay lumabas din naman sila agad at sinara ang pinto.
"panira ng moment ang mga bakla." Sabi ko at sumimangot sa kanya.
"Sorry. Ako nag plano dun eh." Mahinang saad niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naku, baka mag tampo na naman ito'ng lalaki'ng 'to!
Niyakap ko siya "Sorry." Bulong ko.
"Kanina pa ako gising kaya kinausap ko si Erna sa baba." Malungkot na saad niya.
Kahit may sinasabi siya, hindi parin ako bumitiw sa pagkayakap ko sa kanya, sa halip ay inangat ko ang katawan ko at pumatong ako sa kanya habang magkayakap parin kami.
"Sabi ko sa kanila gigisingin na kita para makabati na din sila sayo at mahipan mo na ang kandila sa cake mo." Sabi niya. "Yun pala, hindi ka masaya doon." Hindi ko siya nakikita ngunit nahahalata ko sa boses niya na parang nalungkot siya.
"Awee." Sabi ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi. "Sorry, nag jo-joke lang naman ako eh." Sabi ko at hinalikan ko ulit siya sa labi. "Wag ka ngang ganyan. Birthday ko tapos nagtatampo ka sa akin." Sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...