36

475 25 1
                                    

Jay pov

Masaya ako ngayong araw na ito dahil hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan Yung mga ginawang supresa sakin Ni Kumag ang sweet pala Ni Captain hihihi.

Papunta na ako sa University namin at pumasok, pagkatapos ng aming lesson ay agad akong nagtungo sa gym.

Nakita ko silang nagprapractice na kaya pumunta na ako sa aming locker upang magpalit na rin ng may mahulog na isang papel, nagtaka ako kaya pinulot ko ito at binuksan.

Binasa ko ang nakasulat at nagtaka.

" Malapit na kitang makuha kaya humanda ka nakatakas ka noon pero sisiguraduhin kung mapapasakin ka"

Napakunot noo ako at napaitlag ng may kamay ang humawak saking balikat.

"Huy feng Anu pang ginagawa mo dyan Tara na practice na tayo" napairap ako sa tinuran nitong si Anthony.

Kaya sumunod na lang ako at nagpunta roon, nakita ko silang lahat at napatingin ako Kay Captain at ngumiti ito sakin kaya ngumiti rin ako, nang Makita ako kami Ni Coach kaya agad kaming bumalik sa dati.

Binigay sakin Ni Leo ang bola sabay shoot ko rito buti na lang at napag aralan ko na Ito saka salamat Kay Captain dahil tinuruan ako nito.

"Good job Feng talagang mahusay kana sa pagshoot at pag igihan mo pa sana"

"Opo Coach salamat po" saka ko shinoot ulit ang bola pagkatapos ng aming pagpapractice ay nagpalit na kami ng mga damit nagpaiwan ako dahil may pupuntahan ako.

Nagmadali akong lumabas Pero nasundan pala ako Ni Captain at niyakap agad ako.

"Oh bakit? Saan ka naman pupunta?" Tanong ko rito.

"Sinusundan kita saka namiss kita eh" napangiti ako at piningot ang kanyang ilong.

"Sus, bolero nagkita lang tayo kahapon eh tsss etchosera ka talaga Anu? " Napatawa naman Ito saking sinabi at hinawakan ang aking kamay.

"O-oy s-saan ba tayo pupunta? Saka may pupuntahan pa ako eh?"

Tumigil ito at nilapit niya ang mukha nito sakin.

"Edi sasamahan na lang kita ayaw mo nun? Saka saan ka ba pupunta?"

"Dadalawin ko Sana si Tanda, namiss ko na rin Siya eh saka ang tagal na nung nagkita kami nun Kaya gusto ko Sana siyang Makita at madalaw man lang"

Napatango ito at hinila niya ako sa parking lot.

Sumakay kami sa kanyang kotse at inandar ito saka kami umalis.

Napansin kung iba yung pinuntahan namin.

"Teka hindi Naman rito ang direksiyon kung saan tayo pupunta eh?"

Napatingin ito sakin at ngumiti.
" Saglit lang may bibilhin lang ako" saka Ito lumabas sa kanyang kotse at mga 30 minutes ay lumabas na Ito na may bitbit.

Saka kami umalis patungo sa bahay ng aking tatay tatayan.

Nakarating kami roon at sinalubong ako ng yakap Ni Tanda.

"Tanda! Namiss kita!" Sabi Ko SA kanya Kaya napatawa na lang Ito.

"Buti napadalaw ka rito jay namiss rin kita, saka kasama Mo pala si Captain Ian?" Ginayak ko si Captain papunta kay Tatay fredd.

"Opo saka sinamahan niya ako"

"Mabuti naman kung ganun halikayo Tara sa kusina at saktong naghahanda ako ng pagkain"

Kaya pumunta na kami at umupo nagdasal muna kami at kumain ng tahimik pagkatapos nun ay pumunta kami sa sala at nagkwentuhan ng mga nangyari noong isang araw, may kinuha ako saking bag at binagay Kay tatay fredd.

Nang maibigay ko sa kanya yun ay nakita kung nagtaka Ito.

"Tay para sayo yang trophy na napalanunan ko sa competition namin noon kase isa ka sa naging inspirasyon ko upang manalo roon at inaalay ko itong bagay na to sayo dahil mahalaga ka sakin kaya ito po oh" saka ko binigay SA kanya ang napalunan ko, napatingin Ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam mong kahit walang ganito masaya parin ako Jay dahil una palang noong nakita kita at inakong aalagaan kita ay hindi ako nagsisisi dahil mabuti Kang Bata at proud na proud ako sayo" napangiti ako sa kanya at tumango.

"Wow, ang sarap naman pakinggan" Kaya nagsitawanan kaming tatlo rito.

Iniwan kami muna Ni Tanda at pumunta kami ni Captain sa labas ng garden dahil may sasabihin daw sakin Ito at may ibibigay daw ito sakin Kaya nagpunta na kami Doon.

"Hah! Ang fresh Naman ng hangin rito" at pinaghiwalay ko ang aking dalawang kamay saka pumikit at nilanghap ang sariwang hangin.

Napamulat ako ng bigla akong yakapin mula sa likod nitong si Captain at pinatong ang kanyang baba saking balikat at pinagsaklop namin ang dalawang kamay namin.

"I love you" Sabi nito sakin Kaya napatango ako at hinarap siya.
"I know captain" saka kami umupo.

"Syanga pala Anu pala yung sasabihin mo sakin?" Humarap ito sakin at tinitigan niya ako ng matagal.

"Your so beautiful" Sabi nito sakin kaya lumawak ang aking ngiti. "Pero noong una kitang nakilala inis na inis ako sayo dahil napakastupid mo talaga"

Napasimangot Naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ok na Sana Yung beautiful eh tanggap ko pa Pero yung stupid? Stupid talaga? Grabe Naman Captain harsh mong magsabi hah?"

"Bakit? Totoo Naman ah Kaya nga kita minahal dahil Doon eh sa pagiging stupid mo" inirapan ko Ito at palihim na napangiti.

"Mas lalo mo naman ako pinapakilig eh Captain natuluyan na talaga akong naging bakla dahil sayo" at niyakap Naman ako nito at hinalikan sa noo.

May kinuha ito sa kanyang bulsa at binigay ito sakin.

"Anu Naman ito Captain? Hindi pa naman birthday ko eh agad ka ng nangregalo sakin?"

Pinitik nito ang aking noo,Kaya napanguso ako at hinalikan niya ako sa labi.

"Engot Alam kung di Mo pa birthday at malayo pa Kaya lang naman kita binigyan nito ay dahil para malaman mong totoo talaga ako sayo at seryoso" napatango naman ako at binuksan ang kanyang binigay at napatulala ako dahil sa kanyang binigay.

"W-whoah seryoso Captain para sakin Ito?" Napatango siya sakin at hinalikan ko Siya sa kanyang labi.

Isang kwintas na napabilog at may design na parang may bituin sa gilid gilid nito.

Kinuha nito sakin ang binigay nito at sinuot niya sakin, binuksan ko ang laman nito at mas lalo akong natuwa ng picture naming dalawa iyon na may initial sa likod nitong I & J.

"Kaya ako natagalan kanina sa shop na naghintuan natin dahil gusto kong ibigay sa especial na Tao Ito sa buhay Ko at ikaw Yun Jay"

"Hmmm kinikilig talaga ako Captain so official na ba talaga tayong magboyfriend? Boyfriend na ba kita?"

"Anu ba sa tingin mo?"

"Edi Tayo na nga? So boyfriend na kita? So tapos na yung ligaw ganap ganern?"
Napailing sakin ito at napatawa dahil sa aking sinabi.

"Oo nga ang kulit mo talaga Anu?"

Kaya natawa na lang ako at naghabulan kami.










Third pov.

"Mapapasa akin ka rin at mapupunta lahat ng yaman mo sakin tanga lang ng mga magulang mo dahil hindi sila magaling magtago "

Yan ang linyang sinabi ng lalaki na nakatingin sa dalawang taong naghahabulan at masayang masaya.

Tinignan pa niya ng maigi ang lalaki bago Ito magpasyang umalis.












TBC.....

Please vote comment and share and pafollow na rin kamsa....



FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon