13

668 37 0
                                    

This is Jay Feng👆👆

Jay pov

Nagsisigawan ang mga tao Dito at napatulala naman ako dahil papalapit na sakin ang kotse.
Pero tumalon agad ako at naiwasan ko ang sasakyan na babangga sakin.

Natigilan pa ang mga humahabol sakin bago ako
Tumakbo palayo.
Pero nasundan pala nila ako.

"Nako Naman!" Kako sa aking isip bago tumakbo ng naharangan ako ng isang nakamotor pumakaliwa ako pero naharangan din ako ng isa pang nakamotor at ganun din sa Kanan ko.
Wala na akong madadaanan, nakorner Nila ako.

"Bansot, nagkita Tayo ulit di ko akalain na dito pa Tayo magkikita at saan na ang iyong kasama, well wala na akong paki doon basta makaganti sa ginawa mo sakin noon! Pinahiya niyo Ko!" Umirap ako sa kanya, at dahil sa mga pinagsasabi niya di pa ba Siya nakakamove on?, Haysst.

"Di ko Naman kasalanan kung napahiya ka doon dahil una Naman kayo kase saka pinagtanggol lang naman namin ang aming sarili nuh, unggoy ka nga talaga palaging natatalo saka naiisahan tsk tsk"
At bago pa sila sumugod sakin ay sinapa ko sa tiyan ang isa at ganun din sa kasama niya.
Tumalon ako dahil may biglang pupokpok ng aking ulo ng maiwasan ko saka ko siya binatukan.
Naagaw ko sa isa ang baseball bat na hawak pamalo sakin tapos pinagpapalo ko ang mga sumusugod sakin.

"Aray!" Daing ko ng bigla ako matamaan sa balikat ng hawak niyang pamalo saka muntik na akong matumba buti may naagapan kong makahawak sa isang kahoy bago ako tumalon.

Walo na lang silang di pa natutumba, at masakit na ang aking balikat dahil sa pagpalo kanina.

Kaya no choice kundi gamitin ang natutunan ko sa kung fu.
Ayaw ko man dahil Alam kong Ito lang ang nakikita kong paraan para makauwi at makatakas.

Sumugod silang lahat sakin at pinagtutulungan Nila ako, ng tumalon ako saka ko sila sinipa pa split bago ko sinuntok sila ng salitan.

Umakyat ako sa pader bago ako pababang tumalon saka hinawakan ang mga ulo nila bago pinag uuntog.

Tumba silang lahat at kita Ko ang pagdaing Nila.

Aalis na ko ng humabol pa Yung isa bago ako paluin sa aking tagiliran saka ko siya sinapak sa mukha na nakatulog dahil sa lakas ng pag impact nun.

Nakauwi akong hawak hawak ang aking balikat saka tagiliran dahil sa sakit ng pagkakapalo.

Nang makarating saking dorm agad akong pumunta sa banyo para maligo dahil nanlalagkit ako at nadumihan dahil sa mga Yun.

Hinubad ko ang aking mga damit walang tinira kahit isa saka pumunta doon, nakita ko sa salamin ang aking repleksyon at kita Ko ang galos at Pasang nakuha ko sa mga Yun.
Lalo na saking tagiliran at balikat.

Napailing ako saking sarili, kaya ako sumali sa kung fu at martial arts at kung Anu pang sports tungkol sa self defense at inaral ko at natutunan ko lahat nito.

Ayaw ko na kaseng mabully lalo na kapag physical na Labanan dahil kahit isang suntok man yan o kung Anu man pwedeng makasakit sakin ng physical ay agad akong nagkakapasa at mahirap maghilom.
Kaya Sabi noon ng doktor about sa kondisiyon Ko ay delikado lalo na kapag Malala ang nangyari sakin.Kaya nga hanggat Maari ayaw kong masaktan di lang sa physical mahina rin ako pagdating sa emosyon.
Kaya ayaw ko ng mangyari lahat ng ito.
Ayaw na ayaw ko para makaiwas dito.
Ang sakit Kaya, nang mataos na akong naligo at nagbihis na ako.

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kumag saking harapan.
"Ah kapre!" Nasabi ko dahil sa gulat.
Nanatili lang siyang nakatayo doon at di umaalis.
Naiilang ako sa kanyang titig sakin.
Kaya ako na ang nag adjust, umalis ako doon Pero hinawakan niya ang aking balikat sa parte ng napalo.

"Aray ko po!" Sigaw ko at naiiyak, eh kase naman kahit di Naman gaano niya ako nahawakan masakit parin.
Madali lang ako masaktan kako eh.

Nagulat Siya nakita ko ang pag iba ng kanyang emosyon may pag aalala Pero saglit lang yun.

"Why?" Tanong niya sakin Pero umiling lang ako bago niya ako tinalikuran umakyat na ako saking kama bago natulog.









**********************




Ian Brix Pov

Nagulat kami sa kanyang sinabi sa media at nagsitahimik ang lahat.
So hinahanap niya ang kanyang mga magulang?
At di niya pasyon ang pag lalaro ng basketball eh talaga namang napaka stupid niyang Tao tsk!.

At naawa rin sa kanya,siguro dapat humingi ako ng tawad dahil sa aking nasabi SA kanya.

Kailangan ko rin Siya turuan dahil kahit papano kateammate ko siya at ako ang Captain dito, obligasyon kong panatilihin ang pagiging captain ko saking mga Miyembro Kaya kapag nakausap Ko siya mamaya o bukas.
Ay tuturuan ko na siyang magbasketball sa ngayon uuwi muna ako para makapaghanda sa practice game bukas nang makarating saming dorm ay binuksan ko agad ang pinto.

Narinig kong may naliligo at tiyak kong si bansot yan.

Nang matapos na Siya inabangan ko Siya, pagkatapos nagulat Siya at andyan na Naman ang kanyang sinasabi kapag nagugulat.
Ang tawaging akong "Kapre" nito.

Nagkatinginan muna kami bago Siya tumalikod sakin.

Hinawakan ko ang kanyang balikat para humarap sakin ng bigla siyang sumigaw ng "aray ko po" at kita Ko SA kanyang mukha na nasaktan siya at parang naiiyak.

Nag alala ako SA kanya, Pero agad din ako bumalik saking dating emosyon at tinanong Siya.

"Why" ang Sabi ko Pero umiling lang Siya bago ko Siya tinalikuran at naligo rin.

Matapos akong naligo ay dumiretso na ako saking kama.

Nadatnan kong natutulog na siya.
Bukas Ko na lang siya kakausapin.

Nakahiga na ako sa kama Dito sa baba Siya ay nasa taas.

Ipipikit Ko na ang aking mata ng marinig Ko siyang dumadaing kaya tumayo ako para tignan Siya.

Natutulog Naman Siya Pero ng akmang babalik ako saking higahan, humarap siya sakin at nakita Ko ang kanyang damit na nakahawi.

Kita Ko tuloy ang kapayatan niya, aayusin ko Sana ang kanyang damit ng Makita ko ang pasa na nandoon sa kanyang balikat.

Nagulat ako, saan ka niya nakuha ito.?" Tanong Ko saking sarili.

Tatanungin Ko nga Pero ang sarap ng tulog niya Kaya bukas na lang bago ako bumalik saking higahan at nakatulog Narin.








TBC....

Please vote comment share

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon