31

568 29 2
                                    

Jay pov

"Paano mo nagawa iyon?" Yan yung bungad sakin Ni Ian nang mailigtas Ko si Xander kanina sa kotseng paparating.

"Ah yun ba? Ewan ko rin?" Sabi Ko na lang

Napakunot nuo naman Ito.

"Don't fool me Jay, paano mo nagawa iyon?"

"Ah eh wala di ko rin alam basta agad na lang kumilos itong katawan ko naililigtas ko Siya" nasabi Ko nalang.

Akmang magsasalita pa Siya ng magsalita si Xander.

"Jay thank you ulit sa pagligtas sakin utang Ko Yung buhay Ko sayo" napangiti ako tumango.

"Walang anuman iyon,basta ba mag ingat ka na next time and tingin tingin sa kaliwat kanan para iwas disgrasya ok?"

Napatango Siya bago magpasiyang umuei na kami

Hindi ko pinansin si Captain kahit alam kung gustong gusto na niyang sabihin sakin Yung nangyari kanina Pero hanggat maaari iiwasan kung pag usapan Yun dahil wala akong masabi sa aking ginawa at baka mag taka lang sila.

Nakarating ako kami sa dorm namin na wala paring kibuan at naiilang naman akong magsalita at baka dahil sa kadaldalan ko eh baka Anu pang masabi ko.

Nagpasya na lang akong maligo pagkatapos nagbihis at nahiga na lang.

Ipipikit ko na sana Yung mata ko ng bigla akong hinila ng lalaking kumag nato.

"Aray! Bakit ka ba naghihila Jan? Ang sakit Kaya?" Sabi ko sa kanya at tumingin ng masama sa kanya.

Pero di man lang natinag bagkus ginantihan niya rin ako ng masamang tingin at napaatras ako.

"A-anu bang p-problema Mo? Masama ba nakain Mo? Kaya k-ka ganyan?"

"Sagutin mo yung tanong ko kanina sayo"

"Anu Naman?"

"Pwede ba Jay!? Hindi ako nakikipagbiruan sayo ah Kaya sagutin mo yung tanong ko sayo kanina"

"Bakit ba?bat ba big deal iyon sayo?"

"Malamang big deal iyon Gago! Kahit normal na Tao di kayang gawin yung nanyari kanina because mostly kapag nailigtas yung taong nasagip Yung nagsagip rito ay pwedeng nabangga or worst namatay, Kaya nagtaka ako at nagulat bat hindi ka man lang nasagasaan at-"

"So sinasabi mo bang dapat nabangga ako roon?" Ang hindi ko mapigilang Sabi rito at di Ko Alam Pero nasaktan ako.

"Hindi ganun ang gusto kong sabihin"

"So anu bang punto mo hah? Ang gulo Mo rin kausap eh?"

"Dahil ayoko!"

Nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"Anung bang pinagsasabi mong ayaw Mo ng Anu?"

"Dahil ayoko!"

"Anung ayaw Mo nga!?"

"Dahil!dahil ayokong mapahamak ka!"

Natahimik ako sa kanyang sinabi.

"Anu?"bumilis Yung tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi apat na salita Pero katumbas nito ay tagos sa aking puso Ewan Ko simpleng word kung baga Pero ang lakas ng impact sakin.

Anu ba Ito?

"Ayoko kong mapahamak ka Alam Mo Yun? Sobra Yung pag alala ko kanina na masaktan ka at ayaw kung mangyari iyon sayo Kaya sana huwag mong questionin kung bakit ganun ka big deal yung nangyari kanina d-dahil mahalaga ka sakin at napakaimportante mo SA akin"

"P-pero? Bat ka ganyan?"

Siya naman Yung nagtaka sa sinabi ko .

"Anung ganyan ako?"

"Bakit ka ganyan? Mas lalo Mo lang ginugulo tung puso't isip ko? Ewan ko kung bakit sa mga ganun lang na sinabi mo bumilis ng husto Yung puso Ko? Bakit mo ko ginaganito? Kinikilig tuloy ako sayo, di ko naman intensyon kiligin dahil di naman dapat di ba?dahil lalaki ako at lalaki ka rin Pero di ko maiwasan eh? Bakit nga ba?"

Natahimik ito at di rin alam ang Tamang isasagot.

"Alam mo ba kung bakit?" Tanong niya sakin.

"Hindi eh? Anu ba iyon?"

Napahilamos Siya sa kanyang mukha at di makapaniwalang tinignan ako.

"Ang kulit mo rin Anu? Hindi pa ba halata!?"

"Anu nga?"

Napailing Ito bago ako nito lapitan Kaya napaatras ulit ako.

Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa balikat at napatitig naman ako sa kanya, at ganun rin Siya sakin.

"Mahirap ibigkas dahil parang natotorpe ako pero ewan ko kung bakit sayo pa ako nag kakaganito? Di ko alam kung saan hahantong ang kahibangan ko pero di ko man masabi kahit man lang maipakita ko,maramdaman mo sa pamamagitan ng aking gagawin"

Nakatingin lang ako sa kanya at di ko inaasahan ang kanyang sunod na ginawa.

Hinalikan niya ako! Hinalikan niya ako! What!? For real at the second time!?wae? Hajima?

Di ako nakakilos at ramdam kong mas lumalim pa ang kanyang paghalik sakin.
At aminin Ko man o hindi nagustuhan Ko at parang nadadala ako sa tamis ng kanyang halik Kaya tumugon na ako.

Wala na akong pakialam kung anung magiging kahihinatnan nito kinabukasan basta masaya ako! Masayang masaya Sana di na ito tumigil pa.

Kumalas na kami sa isat isa at parang ngayon Ko lang napagtantong nagawa ko iyon? Pero nagustuhan Ko at masarap? Masarap talaga!.

Napangiti Ito Kaya namula ako saka tumalikod sa kanya ngunit hinawakan niya ang aking kamay at pinaharap ako.

Naramdaman kung niyakap niya ako.

"Hey? What's wrong? Look I'm sorry Pero di Ko kase mapigilan eh? Oo, nahuhulog na ako sayo at gusto na kita ay hindi Mahal na kita Kaya Ko nagawa iyon, I know imposible kase parehas tayong lalaki, at Ewan Ko Rin kung bakit ako sayo nahulog Pero wala na akong pakialam dahil damdamin ko ito saka wala namang masama hindi ba? Mahal kita Sana ganun ka rin sakin at masaya pa dahil sa sinabi Ko kanina, totoo ba? Totoo bang kinikilig ka at bumilis din yang tibok ng puso mo
sa sinabi ko sayo?"

Napatitig ulit ako sa kanya at hinihintay niya ang aking sagot.

Napatango ako na wala sa oras at niyakap din Siya.

Basta ang pakiramdam ko masaya din ako Gaya ng SA kanya dahil ramdam kong mahalaga na siya sakin at ang sarap sa feeling haystt!! Ganito ba kapag nainlove ka? Sana di na magwakas lalo pat umamin na Siya.

Di man ako makasagot ngunit sa isang tango lang Alam kung alam na kung anung ibig kung sabihin.

"I love you Jay" Sabi nito sakin.

Kumalas ako bago ako ngumiti.

"I know Captain" saka kami naghalikan ulit.

Haysst na aadik na yata ako sa halik nito.

Bakit ba? Ang serep keye hihihi!! Landi mo Jay.









TBC...

Hahaha sorry lame ...

Btw please vote comment share and pafollow na rin.

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon