29

576 33 1
                                    

Jay pov

"1! 2! 3! 4!"

Bilang ko habang ako'y nagpupush up grabe naman kase si Coach putek! Na late lang ng isang minuto parusa na agad may Galit yata sakin itong coach na Ito pasalamat Siya gwapo Siya haysst.

"Huy Feng! Anu kamusta ok ba? papalate pa kase eh yan tuloy napala mo"
Sabi Ni Paolo ng makalapit sakin inirapan ko ito bago maupo dahil pagod na ako at nangangalay na rin.

"Eh kasalanan ko ba kung napasarap ako ng tulog di ko Naman akalain na magigising ako ng late eh saka paki mo ba Doon ka na nga mas lalo Mo akong pinapagod haysst"

Tumatawa siyang lumapit pa sakin bago ako kinutusan sa ulo.

"aray ko ang sakit nun!"

"Alam Ko hahaha!"

"Gago ka ba!? Oh wala ka lang magawa?"

"Pwede both ang hirap magdecide eh hahaha!"

"Ewan ko sayo tsk" saka ako kumuha ng maiiinom Ko.

Nang matapos akong makainom ay tinignan ko Ito na hanggang ngayon tawa pa rin ng tawa problema nito? Naluwagan ba Yung turnilyo ng utak nito?.

"Huy makatawa ka Naman wagas at masaya ka pang nalate talaga ako huh?"

"Oo Naman masayang masaya dahil unang kwan mo palang eh na parusahan ka na agad eh buti ka pa yan lang Yung natanggap Mo Kay Coach tas kami noon mas Malala Kaya ayaw na namin malate lalo na ako".

Nabaling ako sa kanya.

"Talaga? As in kayong lahat? Naparusahan na Ni Coach?"

Tumango Ito "yup!,at walang excuse sa kanya".

"Whaoh grabe hah kung sa bagay mukha niya palang istrikto na Alam mo kapag ganun nagmumukha siyang si Hulk kapag Galit tas Alam mo pa naiinis ako dahil lagi niya akong pinapagalitan na Siya Yung nakakatanda kung kapatid nakakabadtrip dre!"

"A-ah Jay huminahon ka pwede saka Tama na ok tigil na awat na hahaha!"

"Heh! Wag ka nga pinapatigil mo ko eh sarap na sarap ako ditong magkwento sa walang magawang Coach na Yun kundi ang pahirapan ako siguro palaging dinadalaw iyon Kaya ganun saka Alam mo ba na-"

"Na Anu?" Putol ni Coach na nasa likuran namin.

Agad akong napalingon at bumaling Kay Paolo na pinipigilan ang tawa Kaya pinandilatan ko Siya na waring sinabi kung bakit di niya ako pinigilan.

Nagkibit balikat lang Ito bago ako patabog na humarap Kay Coach at ngumiti rito ng pilit at nagkunwaring walang nangyari.

"Uy Coach Kayo pala! Kanina pa kayo Jan?" Sabi ko rito.

"Hindi kakarating ko lang di ko nga narinig na kapag Galit na ako ay nagmumukha na akong Hulk at parang nakakatanda mong kapatid kapag pinapagalitan at parang may dalaw Anu Jay? Kakarating Ko lang talaga" 

Agad akong napangiwi so kanina pa pala Siya Jan Anu ba yan kase Jay ang tanga mo Naman.

"Naku Coach kung Alam Mo lang kanina ka pa nito kinikwento" ang singit Naman Ni Paolo.

Bumaling rito si Coach.

"Isa ka pa doon ka nga wag kang sumingit dahil di kita kinakausap pwede?"

Napahiya naman itong Si Paolo Kaya napatawa ako saka ko Siya binelatan kaya napakamot Ito ng batok at umalis.

Ngayon na dadalawa na lang kami ay nakaramdam ako ng intense ay wow intense may ganun pala Feng galing mo.

"A-anu Coach joke Ko lang Yun Oo joke ko lang Yun ikaw Naman oh nakikipagbiruan lang ako doon" saka ko itinaas ang kamayna waring nangangako.

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon