28

596 31 1
                                    

Jay pov

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nangyari kahapon paano ba Naman kase tumugon ako sa paghalik sakin Ni Captain.

At mas matindi pa doon hindi ako tumutol man lang? Anu bang nangyari sakin? Bakit ako tumugon sa kanyang halik?.

"Huy Feng? Feng!!!!" Napabalik ako sa aking wisyo ng bigla akong tawagin Ni Anthony.

"Huh Anu Yun? May sinasabi ka ba?"

"Anu ba yan Feng dada ako ng dada rito Pero di ka pala nakikinig sakin? Anu bang kinain Mo o ginagawa Mo sa buhay Mo? Bakit di ka nakikinig sakin may patulala tulala ka pang nalalaman Jan?"

"Ah eh sorry may iniisip lang kase ako".

"At Anu namang iniisip Mo? Chicks ?"

"Anu ka ba hindi"

"Eh Anu?" Di Ko na lang pinansin ang kanyang tanong at parang nawalan na rin Siya ng itatanong sakin.

"Bahala ka nga" saka Ito umupo saking tabi at kumain na lang ng siopao.

At ganun rin ako bumalik na lang ako sa pagbabasa ng aming lessons at nag advanced na rin baka mamaya may pa suprise pa lang ipapagawa ang aming guro.

"Good morning class!" Sabi ng kadarating lang na guro namin and speaking of kagabi andito na rin si Captain kasama Sina Jacob at ang iba pa naming kateammate.

Hindi Ko na lang sila pinansin at iniwasan na lang ang iba lalo na si Captain kase hanggang ngayon naiilang parin ako sa aming ginawa.

Ipinokus ko na lang sa pakikinig kay Ma'am Mary para mabalin Doon ang aking atensyon Pero ramdam ko mula rito saking kinauupuan ay titig na titig Yung si Captain Kaya di Ko maiwasang nabalisa saking upuan at di ako mapakali Kaya napatingin ako roon kahit ayaw Ko.

Nakita Ko ngang titig na titig sakin si Captain at hindi lang Yun nakita Ko pang sumilay ang konting ngiti niya at nakita Ko rin na napatingin SA aking gawi sina Jacob, leo at Sina Benedict at si Xander saka Ito pa Yung nagpapagulo saking isip.

Ngumiti rin sila sakin at Ewan Ko rin kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso? May sakit ba ako? Nako kailangan kung magpatingin sa doktor nito?.

Napatingin na lang ako sa harap at hindi na sila pinansin pa.

At ng dumating ang breaktime ay agad na akong nagligpit ng aking mga gamit bago pumunta saking favorite spot o tambayan sa isang matandang puno.

Sariwa at payapa Kaya rito ako Kaya ang Ganda at ang tahimik kase.

Nang biglang nakarinig ako ng may mga papalapit na yapak ng paa.

Nagulat ako kase Yung Lima pala at dahilan kung bakit ako ngayon naiilang.

"Andito ka lang pala?" Sabi Ni Jacob sakin at tumabi sakin at kinuha Naman Ni Leo ang aking isang earphone saka niya Ito inilagay sa kanyang tenga at nakinig.

Napatingin Naman ako sa tatlo na nakatitig lang sakin.

Napayuko ako at ramdam ko Yung pamumula ng aking pisngi.

Di ko naman pinahalata sa kanila ang aking pagkapula ng aking pisngi at mas lalo Nila akong asarin pag nagkataon.

"A-ah bakit pala k-kayo rito pumunta?" Ang pautal utal kong Sabi.

Anu ba yan bat ako nauutal Anu ka ba jay umayos ka di ka ganito Anu ka ba parang di ka lalaki niyan eh?.

"Bakit masama na bang pumunta kami rito?" Tanong naman Ni Benedict.

Napatingin ako sa kanya saka yumuko ulit.

"Ah h-hindi naman sa ganun ang gusto kong sabihin ay bakit kayo andito eh nandoon Yung iba nating mga kasama bakit kayo hindi Doon bakit niyo pinili Dito?"

"Wala lang gusto namin saka maganda rito and you why are you here then?" Doon Naman ako natameme sa sinagot Ni Captain sakin.

"Ah eh Gaya ninyo maganda rin rito Kaya gusto ko Dito"

"Same lang Naman pala tabi ako sayo" masayang Sabi ni Xander at umupo sa tabi ko at sumunod din ang tatlo bale si Xander ako Ian leo Jacob at Benedict.

Kahit naiilang ay pinagsawalang bahala Ko na lang Yun at humanap na lang ng pagkakabalahan.

Walang umiimik samin ng biglang basagin Ni Jacob ang katahimikan.

"Anung plano ninyo sa Foundation ? I've heard that may gaganapin daw na Ball so may mga kadate na ba kayo? O nahanap na idate?"

Napailing Naman kaming lahat bago sila tumingin sakin.

"Oh bakit kayo nakatingin sakin?" Pero wala man lang isa SA kanila ang nagsalita haysst problema ng mga Ito.

Kaya tumahimik na ulit ng biglang nag ring ang Bell hudyat na tapos na ang aming breaktime Kaya tumayo na ako at pinagpagan ang aking pantalon na nadumihan.

Aalis na Sana ako ng biglang hawakan Ni Captain ang aking kamay at inakbayan Naman ako nitong si Leo.

At nasa likod Ko lang Naman ang tatlo.

Napatingin ako sa kanila at nagtataka.

Ihahatid ka na namin sa iyong next subject.

"Hindi na kailangan Kaya ko Naman "

"Tsk! Wag ka ng magreklamo pwede? baka mamaya maulit na naman Yung nangyari noon kaya whether you like it or not ihahatid ka na namin" sabi Ni Leo na nagpatulala sakin,ngayon lang kase narinig itong magsalita ng Mahaba eh tipid lang Naman itong magsalita kapag may maitatanong o kaya may isasagot eh himala yata?.

Kaya napanguso na lang ako sabay simangot.

"Hey stop doing that!?" Sabi nilang lima, Kaya napapitlag ako sa gulat.

"Huh? Ang alin?" Nalilito Ko namang sabi.

"That pouty thingy?" Na ginaya pa Ni Jacob ang aking ginawa.

"bakit masama ba?" Tanong kong balik sa kanilang lima.

"Yeah is bad very bad" Sabi pa Ni Benedict.

Nakita nila siguro ang pagkalito ko saka sila tumingin sa isat isa at ngumisi bago napailing.

"You know that's illegal" Sabi Ni Leo na mas lalong kinataka Ko.

"Illegal?"

"Yeah illegal so you better stop doing that at baka Anu pang magawa namin sayo kaya itigil muna, sa ginagawa mong yan eh inaakala namin na siniseduce Mo kami" Sabi Naman Ni Captain at sabay umirap.

"Kaya ikaw tigilan Mo na yan baka di ako makapagtimpi may magawa pa kami sayo" sabat Naman Ni Xander.

Tumahimik na lang ako bago pinagpatuloy ang paglalakad narinig Ko pang tumawa sila ng mahina.

"Your too cute, innocent  naive and little sexy" sabat naman nung si Jacob Kaya di Ko mapigilang magblush.

"Haysst tumigil na nga kayo" pigil Ko SA kanilang tawa.

"Oh your blushing?? Hahaha di Ko akalain na mas cute ka pa pala kapag nagblublush ka?"

Kaya hiyang hiya na ako at nauna sa kanila.

"Bahala kayo Jan!" Sabi Ko bago ako naunang pumunta sa aming room.

"Oh anyari sayo bat ka hinihingal? Saka bat ka namumula?" Tanong naman Ni Anthony.

"Ah Ito wala lang wag Mo na lang pansinin" ang nasabi Ko Dito.

"Ok!" Sabi Naman nito bago kami umupo at nakinig na lang sa guro.










TBC....

Please vote comment share

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon