8

780 42 1
                                    

Jay pov

Kaya mo to Jay Kaya mo silang talunin.
Drinible ko ang bolang hawak ko at pumunta sa gilid pero na harangan ako ng lalaking jersey #4 grabe ang tangkad naman nito pero wala yan nag isip ako ayun may konting lusutan kaya tumakbo ako at drinible ang bola tas inihagis ang bola.

Napatingin naman sila sa direksiyon ng bolang inihagis Ko.

*Toink*

Ay hindi pasok sablay Anu ba yan.

"Hahaha" tawa nilang lahat lalo na si kumag sinamaan ko Naman Siya ng tingin.
Napailing naman Yung Coach at dismayado.

Nagpatuloy lang ang game namin Pero ganun at ganun parin puro sablay lahat ng shoot ko at kanina pa Panay tawa Nila.

Nakuha ng Isa yung bola at drinible Ni Jersey #18 saka nagdunk napanganga ako ang galing!.

Napangisi at waring nanghahamon.

Aba ang yabang nakashoot lang eh.
Hawak na naman Ni Jersey #18 Yung bola at pumunta sa gilid tas nagshoot ayun pasok na Naman 3 point shot Yung ginawa niya at paano niya nagawa Yun ang galing 5 vs 12
Na ang score lamang sila ng pito sakin.
Saka pagod na Ko.

"Coach yan ba ang magpapanalo sa team natin eh puro sablay lahat ng kanyang laro? At tignan mo he look so pissed dahil sa sinabi ko sa kanya hahaha hindi Siya katanggap tanggap sa team natin Coach mapapahiya lang Tayo mukhang bayolente itong taong to."
Ang yabang talaga nito.

"Eh paano ako makafocus at makashoot eh sa mukha mo palang distracted na ko saka ikaw ang yabang mo rin nuh wala kanang ginawa kundi ang bwesitin o mang inis abnormal kaba bat mo ko ginaganito siguro type mo ko nuh iw yak bakla ka!? Hahaha uy Si Captain Ian bakla!" At nagtawanan Yung kateammate niya dahil sa sinabi ko nakita kong nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng di maipaliwanag na expression.

"Enough guys!, Jay I was disappointed of this kind of game na pinakita mo samin I know magaling ka kase napanuod kita nun but what happen to you?"

Nagkibit balikat ako at napa sigh na lang si Coach.

"Baka nabigla ka sa nangyari and we will practice tomorrow to improve your game para mapractice mo pa ng husto ang laban and Captain don't do that to our new teammate I don't like your attitude na pinakita mo Kay Jay magsorry ka sa kanya.

Lumaki Naman ang kanyang mata.
"What!?Coach Naman!?" Napangiti at binelatan ko Siya.
"Yes,Captain? Humingi ka ng tawad sa kanya" nakita kong lumukot ang kanyang nuo sabay humingi ng sorry sakin.
"Sorry" ang sabi niya.
"Ok lang walang anuman kahit di sinscere.
Tumawa Naman silang lahat.

At umuwi na ko sabay ligo.

'blag'

Rinig kong kalabog sa pinto Kaya napalingon ako.

"Ah kapre!" Nasambit ko sinamaan na naman ako nito ng tingin.
"Bat ba ang hilig mong manggulat aatakihin ako ng puso nito eh" buti na lang Naka bihis na ko ng pumasok Siya.
"Tss" rinig kong Sabi nito.

Nakita kong nakabihis Siya mukang may lakad si kumag ah
Kaya tinanong ko siya.

"San punta Mo?" Ang tanong ko sa kanya tinignan niya Ko.
"None of your business"
Ay sungit talaga nito.

"Ang sungit mo naman Meron ka ba ngayon? Saka nagtatanong lang eh?"
Tinalikuran niya lang ako.
"Huy teka!" Sabay hablot ng kamay niya.
"What?"naiirita niyang tanong.
"Pwede sumama? Total wala naman akong gagawin saka gusto Ko lang makipagkaibig__.
Di Ko natuloy Yung sasabihin ko ng bigla siyang umalis.
Kaya hinabol ko siya saan na ba Siya ayun Siya.

Nakita kong papunta Siya sa may nakasulat na The Paraiso Bar House.
Anung gagawin niya doon masundan na nga.

Nang makarating sa lugar na yun agad akong inarangan ng mga lalaking ang lalaki ng mga katawan lalo na sa Yung mga muscle puro pa sila nakaitim may patay ba Dito? Saka may nakasulat sa damit nilang Bouncer, huh?,nagbobounce sila? Laki laki na ng katawan paano Nila mabubuhat ang sarili?hmm?"
Nawala ang pag iisip ko nung nagsalita ang pinakalbo sa kanila.

"Bawal ang minor dito Bata" nagtaka Naman ako sa sinabi niya.

"Po?, Eh bat Yung kasama ko kanina pumunta Dito eh parehas lang Naman kami" nagkatinginan sila bago nagsalita ulit.
Umiling ang semi kalbong mamang nito.
"Di na uubra yang pag papalusot mo Bata marami na kaming na encounter na katulad Mo saka kaedaran mo so alis ka na baka hinahanap ka ng mga magulang mo dis oras ng Gabi andito kapa."
Saka niya ko tinulak ng mahina.
"Ay grabe ka manong kalbo andito Yung kasama ko gusto ko lang pumasok Jan Anu ba"
Pero umiling lang sila.

Narinig Ko na lang may sigawan sa loob.
Kaya ang mga nagbabantay ay lumingon rin saka dahil dakilang tsismoso tinignan ko kung sino iyon.
Napatingkad pa ko dahil sa mga laki ng katawan nito grabe batak na batak.

Nakita kong may nag aaway at nakita ko si Ian pinagtutulungan Nila, ang daya ng mga kalaban niya mag isa lang siya di pwede yun hindi patas.Kaya ng makakita ako ng malulusutan ay agad akong yumuko sa dalawang hita nitong kalbong ito at gumapang papunta kung saang pwesto yun Kay Ian at nakarating ako doon.

Hindi napansin nitong Ian na Ito na may lalaki sa kanyang likod at may hawak na bote na ihahampas sa kanyang ulo Kaya Dali dali akong tumakbo sa direksiyon Nila at pinigilan ang paghampas niya.
Nahawakan ko ang kanyang kamay at tinignan ako nagulat Naman si Ian di niya inaasahan na pupunta ako ngayon dito.

"Sino ka!" Sabi nitong lalaking hawak ko.
"paki mo, ako lang Naman ang kasama nitong hahampasin mo ng bote" sabay baling kay Ian.
"Hello Captain musta nagulat ba kita ayaw Mo kase akong isama eh Kaya sinundan kita hahaha suprise!"ang Sabi ko sa kanya.
Nagulat Siya at kalaunan bumalik sa dati niyang reaksiyon Yung cold ba hahaha.

"What are you doing idiot, bat Mo ko sinundan!?"

Nagkibit balikat ako sa kanya

"Ayaw mo nun may kasama ka dito saka nakipag away kapa buti andito ako kundi basag yang ulo mo dahil dito sa unggoy na to!" Sabay turo ko sa lalaking may hawak ng bote.

"Ah ganun unggoy pala ha" naitulak niya ko tapos napasandal ako sa pader at ihahagis Yung hawak niyang bote sa direksiyon ko Pero naiwasan ko Siya saka Ko kinuha ang kamay Ni kumag at tumakbo palabas Pero naharangan kami ng mga kauri Ni Unggoy.

Napaatras kaming dalawa.

"Akala niyo makakatakas kayo pwes hindi" sabay tawa nilang magkakauri.

Mukhang mapapalaban kami ah.







TBC ...

Please vote like and share

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon