22

625 33 2
                                    

Jay pov

Nagising ako pasado alas kwatro y media kaya bumangon na ako at nagdahan dahan na bumaba sinilip ko muna ang sa ibaba kong gising na rin si Kumag Pero tulog pa rin kaya naligo at nakapagbihis na ako.

Dumiretso agad akong lumabas at pumunta sa Court nakahood at nakapants lang ako at nakaconverse saka ko kinuha ang bola sa may gilid.

Pumunta ako sa may ring at nagfocus at tumakbong drinible ang bola at shinoot napangiti ako at inulit ko
ulit shinoot may ginawa pa akong ibang istilo at nakuha ko naman lahat ng itinuro Ni Tanda sakin at ang pinanuood kong technique sakto Ito para sa aming game kapag nadehado ang aking team magagamit ko ang mga Ito.

Nagpalipas pa ako ng dalawang oras bago magpasyang umuwi sa aming dorm.

Habang naglalakad ako papunta sa dorm namin may napansin akong sumusunod sakin kaya huminto ako at pinaramdaman ang kanyang presensya bago ako ulit naglakad Alam kong nakasunod ulit Siya sakin Kaya binilisan ko ang aking paglalakad.

Hindi na muna ako dumiretso sa dorm at lumiko ako pakanan sa likod ng office ng mga guard at nagtago roon.

"Lintik Naman asan nagpunta iyon ang bilis Naman niyang naglakad!" Narinig kong sinabi niya.

"Eh Gago ka Naman kase ang bagal Mo Naman kaseng humabol doon" ang Sabi Naman ng isa pa niyang kasama.

"Anung ako huy! Para sabihin ko sayo isa ka din eh Tayo ang humahabol sa kanya! Kung Gago ako ikaw tanga bobo!"

"Aba't-"

"Pwede ba magsitigil kayong dalawa diyan! Ang ingay ninyo! Baka may makarinig sa atin hanapin na lang natin iyong batang iyon baka nandyan lang kung saan saan hindi pa nakakalayo iyon kapag hindi natin nahanap iyon baka malintikan tayo sa amo natin". singit naman ng isa.

Teka? Bat Nila ako hinahanap? Sino ba sila Nako baka mga kidnapper ang mga Ito o baka mga holdaper o baka mga sindikato! Baka ibenta Nila ako o ang aking mga laman  Ayoko pang mamatay nuh baka umiyak ang lahat!?.

Anu ba yan Ito pa ang aking iniisip sa kasagsagan ng crisis ay hindi pala crisis dahil ako lang pala problema ko Ito paano yan.

Hindi sila titigil hanggat di Nila ako nakukuha? Anu bang gagawin Nila sakin?.

'bogshhh'

"Anu Yun!" Ang Sabi ng isa sa mga goons.

Goons kase hindi Ko Alam sasabihin sa kanila.

"Nako patay panira itong flashlight na to!" And diin kong Sabi bago pinulot iyon baka naiwan ng isang guard habang nagmamasid.

"Mukhang nanggaling roon!" Turo niya sakin diretsyon Kaya gumapang ako patungo sa isang natatakpang upuan at pumunta roon.

Narinig Ko ang mga yabag nila kaya nagdasal akong hindi Nila ako Makita Pero malas yata nakita Nila ako.

"Ayun Siya! Huliin niyo!" Ang Sabi ng isa kaya kumaripas na ako ng takbo Pero naharangan ako ng mataba sa kanila at ngumisi.

"San ka pupunta Bata?"

Tinutok ko ang aking hawak na flashlight at nasilaw Siya saka Ko sinipa sa mukha at tumalon.

At tumakbo ulit ng mabilis.

"Huy! Anu pang hinihintay niyo bilis habulin ninyo natakasan na Tayo ulit bilis!"

Nahablot ng matangkad ang aking manggas sa likod at hinila ako paharap.

"Pinahirapan mo kong habulin ka Gago! Ngayon humanda ka!" At akmang susuntukin niya ko ng sinipa ko ang kanyang pagkalalaki na agad niyang kinaluhod.

"Aray ko hayop Kang bata ka!"

"Oww masakit yan manong hahaha sorry ikaw kase eh babye!" At aalis na ng hawakan ng isa pa ang kamay Ko pinilipit niya Ito na naging sanhi para mapadaing ako sa sakit tiyak kong magkakakapasa ito, siguro Ito Yung leader nilang tatlo.

"Sa tingin mo makakatakas ka? Pinahirapan mo kami!"

Natakot ako kase Naman mukha siyang si Pennywise sa IT kong makangiti na parang kakainin ka niya ng buhay at walang ititirang buto.

Narinig kong nagpunta rin ang dalawa at sinabunutan ako ng isa.

"Ang sakit ng ginawa mo sinipa Mo ang kaligayahan Ko" at sasampalin niya Sana ako ng pigilan Siya ng nakahawak sakin.

"Tama na yan! Baka matagalan pa Tayo Kaya magmadali na Tayo ayokong maabutan Tayo Dito ng mga guard..

Nagpumiglas ako at nakahanap ng tyempo bago Ko kinagat ang kamay ng nakahawak sakin agad niya akong binitawan at ako Naman ay kumaripas na ng takbo ulit.

Hinabol Nila ako ulit, nakarating na ako sa pinakagitnang bahagi nitong aming skwelahan,ngayon Ko lang napagtantong ang lawak lawak nito.

"Aray!" Ang daing ko ng matisod ako at nagkasugat.

Napaupo ako dahil sa sakit nito tumingin ako saking likod kong may humahabol pa sakin at nakahinga ako ng maluwag baka hindi na Nila ako nasundan buti Naman.

Pero napadaing ako ulit sa sakit ng kumirot at patuloy na umaagos ang dugo saking binti.

Malaki at malalim ang sugat kaya baka matagalang gumaling Ito.

Paano yan mamaya na ang aming game ayokong hindi makapunta at makapaglaro tiyak kong mapapagalitan ako kina Coach.









Samantala sa mga humahabol Kay Jay.

"Lintik natakasan tayo!"

"Paano yan anung sasabihin natin sa Amo natin?"
Tumingin Ito ng masama bago nagsalita ang leader ng grupo.

"Ako ng bahala Tara na tiyak kong mahahanap rin natin Siya" bago sila umalis.










Still Jay pov.

Hanggang ngayon nakaupo parin ako Dito sa may puno at nag iisip kung paano ko maitatago ito.

Nag hanap ako ng matulis na kahoy at sinira Ko ang aking laylayan ng damit pinunit Ito at itinali saking binti para kahit papano magtigil sa pagdurugo.

Sinibukan kong tumayo Pero natumba lang ako Pero hindi ako sumuko inulit ko ulit ang tumayo at buti nakakapit ako saka ako nagdahan dahan nag lakad paalis Dito.

Nahirapan ako dahil sa lawak nito at dahil Narin sa hirap akong maglakad at buti na lang nakarating din sa wakas.

Dumiretso na akong nagbihis pang jersey para sa aming game at itinali lang ang aking sugat.

"Sana hindi Nila mahalata at sana hindi ako ngayong maging mahiyain."

Nang makarating sa gym marami ng taong nanunuod at kanya kanyang mga banner.

"Feng! Saan ka nagpunta akala ko namin nagback out kana?" Ang bungad na Sabi sakin Ni Mark.

"Ah may pinuntahan lang" saka dumiretso sa bench at umupo.

"Your late? Saan ka ba nagpunta ang Sabi Ni Ian wala ka ng magising Siya sa inyong dorm"

"Ah may pinuntahan lang kase Coach sorry"

"Puro ka na lang ganyan dapat huwag ka ng malate dahil muntik na tayong madisqualified dahil Jan sa kalokohan Mo umaayos ayos ka Feng, huwag Kang pilosopo this time seryosohin Mo ang laban ngayon ninyo,para makapasok tayo sa qualifiers."

"Opo coach sorry" napayuko ako bago sila nagsibalikan sa kanilang mga upuan.

"Sa susunod magpaalam ka kase" ang sabi Ni Leo.

"Tsk! Tara na nga!" Ang Sabi Naman Ni Ian.

Nakita Ko pang napailing silang lahat bago puwesto at nagsimula na ang laban.










TBC...
Please vote comment share.


FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon