25

652 31 2
                                    

Fredd pov

Masaya akong nanunuod ng kanilang game sa wakas na nanalo ulit sina Jay, proud na proud ako sa kanya.

Hindi ko na pinatapos ang aking panunuod dahil may tumatawag sakin.

Matapos kong makausap ang aking kliyente ay babalik na Sana ako Pero nakaramdam ako ng pagkauhaw, Kaya pumunta ako sa ref at uminom ng biglang nabasag ang basong aking iniinom.

Nakaramdam agad ako ng kaba, bakit Kaya?.

Nasa ganun akong pag iisip ng may tumawag ulit sakin, tinignan ko ang tumatawag si Jay.

Napangiti ako at sinagot ang kanyang tawag.

"Hello Jay kamusta-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng iba ang sumagot.

"Hello Mr.Fredd ako po si Ramillo ang Coach Ni Jay"

"Ah kayo pala Coach bakit po kayo napatawag asan po si Jay? Bakit nasayo ang kanyang phone pwede ko ba siyang makausap?"

Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Mr.Fredd I have to tell you something?"

"Anu po Yun Coach?" Curious kong tanong.

"It's about jay" hindi ako nakaimik at parang nakaramdam ako ng takot at kaba.

"Bakit? Anung problema Ni Jay? May nagawa ba siyang hindi maganda Coach?"

"Wala po siyang ginawa, didiretsuhin ko po kayo Si Jay ay nasa hospital ngayon Malala po ang kalagayan"

"W-what? h-how?" Ang nanginginig kong tanong.

"May nangyari pong hindi maganda sa kanya kaninang pagkatapos po ng laro, may malalim siyang sugat na hindi namin Alam kung saan niya nakuha, bigla na lang po siyang nawalan ng Malay at inaapoy ng lagnat"

"Saan hospital yan pupunta ako" ang pagmamadali kong Sabi

"Sa San leaf hospital po"

Agad akong nagpunta roon ng makarating ako hinanap Ko agad sila naroon sila naghihintay.

Mabilis na tumayo ang Coach at sinalubong ako.

"Mr.Fredd" ang Sabi niya.

"Where's jay?" Natahimik sila bago ko inulit ang aking tanong Pero ganun at ganun parin, agad kong nasuntok ang pader saking gilid at inawat Naman Nila ako bago ako napaupo dahil sa pag alala.

"Asan Siya!?" Agad na may pumuntang doktor sa amin.

"Ikaw po ba ang tatay ng Bata?"

Napatayo ako at sinagot ang kanyang tanong.

"Ako po ang nag ampon sa Bata at tumatayong ama niya, asan po Siya ok na ba ang anak Ko?"

"Hindi po namin alam dahil po nasa komplikadong kondisyon ang Bata"

Lumuhod ako at nagmakaawa sa doktor.

"Please dok gawin niyo po ang lahat maawa kayo sa aking anak, Bata pa Siya Pero mabait siyang Bata ayaw kong nasasaktan ang aking anak maawa po kayo gawin niyo ang lahat gumaling lang Siya."

"Ginagawa po namin lahat ang aming makakaya ser, Alam niyo ba ang kanyang kondisyon? Nagkakapasa siya na mahirap maghilom Alam niyo po ba Yun?"

"Wala akong Alam sa kondisyon niyang ganun dok?"

"Baka marahil tinatago niya para ayaw niyang mag alala kayo"

"Dok please asan po ang kanyang kwarto gusto Ko po siyang Makita pwede po ba?"

"Maari po nailipat Naman na namin Siya"

"Salamat po dok".

Nagpunta kami roon at binuksan ang kanyang kwarto.

Pero nanghina ako ng Makita Ko ang kanyang kalagayan.

Maraming nakakabit sa kanyang mga aparatos sa hospital at nakabenda rin ang kanyang binti at putlang putla Siya at maraming mga pasa SA buong katawan.

Napayakap agad ako sa kanya at di mapigilang mapaiyak.

Hinawakan Ko ang kanyang mukha.

"I'm sorry Jay nabigo akong maalagaan kita ng husto patawarin Mo Ko"

Naramdaman kung tinapik ni Coach ang aking balikat at napatingin SA kanya.

Kita Ko rin na naiiyak Siya at pati ang mga kasamahan niya.

"Bakit ? Anung nangyari ang saya saya niya lang kanina! Bakit nangyari Ito sa kanya?"

Pero nanahimik lang sila.

Kaya binaling Ko na lang Kay Jay ang aking atensyon.









Ian Brix Pov

"Yung sanang masayang selebrasiyon na magaganap pagkatapos ng laban ay wala kumpara ngayon sa kalagayan Ni Jay, Masaya Sana Tayo ngayon Kaya lang nangyari Ito hindi Sana nangyari ito kung nakita lang natin o kaya pinakinggan man lang siya.
Nakokonsesya na ako ngayon parang ang bigat sa pakiramdam" ang Sabi Ni Anthony Kaya bumaling kami sa kanya.

"Walang may gusto SA nangyari ok, saka wag ninyong sisihin ang inyong sarili dahil walang may kasalanan ipagdasal na lang natin Siya" ang Sabi Ni Coach samin kaya napatango kaming lahat.

Tumingin ako kay Mr.Fredd na hanggang ngayon nasa tabi pa rin nito at hawak niya ang kamay niya Ito.
Naawa ako sa kalagayan niya dahil sa nangyari, Sana gumaling na siya at ayaw kung nakikitang nasasaktan Ito.

May kumatok sa pinto Kaya pinagbuksan namin.

Bumungad samin ang nag aalalang si Ser Malinsawa.

"What happened?" Natahimik lang kami.

Pumunta si Coach sa kanya at may sinabi.

Nagpunta Naman ako sa kinaroonan Ni Jay at tinitigan Ito.

"Anu bang nangyari talaga ? Bakit ka may sugat at malalim pa Ito?"

"Ian?" Ang Sabi Ni Mr.Fredd sakin bago ako tumingin SA kanya.

"Bakit po?"

"Sabihin Mo sakin ang totoo, may kinalaman ba Ito sa pag alis niya kaninang umaga at hindi mo Alam kung saan Siya nanggaling?"

Napaisip ako sa kanyang sinabi.

"Opo, nung magising ako wala na Siya kanina sa kanyang kwarto at hinahanap ko Siya kaninang umaga para sabihin na maghanda Pero hindi Ko Siya nahanap"

"Pinaimbestigahan namin kanina ang nangyari at may nakita silang flashlight ng isang guard sa kanyang hood kanina"

"Flashlight sa kanyang Hood?"

Napatango si ser Malinsawa.

"Oo, pumunta ako sa inyong kwarto baka andoon ang sagot kung bakit Siya nagkasugat, nakita Ko Yung flashlight at ang mga damit niyang puro dugo"

"Pero bakit may flashlight doon ng isang guard bakit? Saan niya nakuha iyon?"

"Yan din ang hindi Ko Alam marahil may kinalaman Ito kaninang umaga at sa sugat niyang yan".

"Mag papadala ako ng mga Pulis at iimbestigahan Nila ang nangyari, walang makakaalam nito kahit ang mga students pwera sa inyo, ichecheck lahat ng cctv para malaman kung Anu talagang nangyari.

Napatango kaming lahat bago napatingin Kay Jay.

Sana nga may makuhang ebidensya na para malaman na ang totoo.










TBC...

Please vote comment share

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon