1

1.8K 58 0
                                    

Tuwang tuwa si Fredd Kaya hinanap agad niya si jay feng.

Nang mahanap niya to agad niya itong inakbayan at tuwang tuwa siya.

"Jay thank you dahil nanalo Tayo akalain Mo yun matatalo Mo silang lahat"- fredd

Abala na kumakain ng Ice cream si jay at natutuwa din Siya dahil nakatulong Siya sa matanda.

Habang sila'y nagkakatuwaan biglang sumulpot ang lalaking natalo sa laro at Yung boss niya kasama ang mga tauhan Nila.

"Magaling ang pinakitang laro niyo kanina pero ki kinalulungkot kong kailangan bawiin namin sa inyo ang mga bayad na napalanunan ninyo".-sabi ng boss ng lalaki.

" Ah eh " yan lang ang tanging naisagot ni Fredd.

Saka Siya lumapit Kay jay feng at sinabing umalis na sila.

Pero nanatiling nakaupo at kumakain lang ng ice cream ang binata at wala siyang pakialam.

Kahit anung hila ni fredd Dito ayaw niya paring umalis.

" Jay come on let's go we need to go!" Yan ang Sabi Ni Fredd.

Nang akmang susugod na ang mga lalaki.

Bigla na lang sinuntok Ni Jay sa mukha ang isa.

At Doon nagsimula ang labanan.

Suntok Dito suntok doon ang ginawa nila.

Pagod na pagod na lahat pero si Jay ay parang walang nakikitang kapaguran sa kanya tuloy tuloy lang ang laban.

Tumba lahat ng kalaban.

Nang may iba na namang sumulpot para sugudin si jay.

Nanatiling nakaupo at nagtatago si Fredd sa likod at ng may makitang natitira pang pagkain at wine ay agad niya itong kinain at ininom.

Para lang siyang nanunuod ng action movie.

" Sige Jay talunin Mo lahat ng yan! Sige yan ganyan nga! Yeah! Hahah! Sapul SA mukha Yung isa!"- fredd.

Biglang sumugod ang lahat na may dalang dalang pamalo.

Huminto muna si jay at ng ok na.

Tuloy ang laban ulit.

Nang may susugod sa kanya para paluin Siya sa likod Pero agad niya itong naiwasan at kinuha SA kanya ang pamalo.

Naging magulo sa loob ng Casino dahil sa labanan.

Maraming namamangha dahil sa husay ng binata dahil Ni isa di Nila madaplisan o masugatan man lang Siya.

At kita SA mukha ng mga lalaki ang pagod at sakit dahil sa natamong suntok at pamalo galing Kay Jay.

Nagpose pa Ito na waring nagseselfie at inakbayan ang lalaking kalaban niya.

Nang maubos na silang lahat ay tumba na sila.
Yung iba ay nakatulog na.

Nang wala na siyang makitang kalaban bigla siyang natuwa at pumalakpak na parang batang nanalo sa laro.

Hindi makapaniwala si Fredd sa galing na pinakita Ni Jay kaya Dali Dali itong pumunta sa kinaruruunan ng binata.

Kahit di pa niya nalulunok ng maayos ang kanyang kinakain.

Ganun din sa ibang nakapanuod.

Walang ibang nakikita sa kanilang mga mukha kundi paghanga sa pinakitang gilas at galing Ni Jay.

Mayroon pang kumuha ng video kanina sa ginawa niya.

Lalong lalo ang boss ng lalaking natalo sa laro hindi rin Siya makapaniwala dahil sa bilis nitong pangyayari.

Di rin niya namamalayan na paubos na ang yupos ng sigarilyo sa kanyang bibig.

Napansin Ito ng isang tauhan niya.

" Boss paubos na po ang inyong sigarilyo" ang Sabi ng tauhan niya.

Kaya Dali Dali niya itong itinapon inapakan ang sigarilyo niya at binalingan ng tingin ang kanyang tauhan.

Dahil sa inis nito ay binatukan niya ang tauhan niya at umalis na pikon.

Tuwang tuwa ang si Fredd at umalis na sila.

---------

"So pano Bata hanggang sa huli nating pagkikita"-fredd

Saka sila nagpaalam sa isa't isa.

Nang nakauwi na si Fredd SA bahay Nila agad siyang sinalubong ng anak niyang si Jenny.

" So kamusta Papa ang lakad niyo kanina Ni Jay?"

" Ayos na ayos anak saka tignan Mo Ito." Saka niya pinakita ang lamang ng sobre.

" Wow Papa saan galing yan!? Saka napakarami nito sinong nagbigay? Wag ninyong sabihing...

"Mali ka ng iniisip anak itong perang Ito ay napalanunan namin kanina sa laban Ni Jay".

"Talaga po!"

"Oo saka Alam mo bilib ako SA batang yun special Yung taong Yun"

"Paano Mo nasabi Papa?" Ang tanong ng kanyang anak.

" Dahil nasisigurado kung may kakaibang talento si jay dahil iba ang mga kakayahan niya, isa siyang napakaespecial di ordinaryo ang lakas niya kahit may pagka isip Bata siya at kailangan ko pa siyang makilala ng husto dahil nakikita ko sa kanya ang kanyang mga kinabukasan" ang mahabang lintaya Ni Fredd.

Yan muna sa ngayon

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon