40

588 19 7
                                    

Third Person Pov

Gaya nga ng sabi Ni Captain Ian kay Jay ay tinotoo niya 'to at wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba sa kanila, ang mahalaga ay masaya siya dahil kasama niya ang tunay na nagpapasaya sa kanya, naging puspusan rin ang pag-eensayo nila laban sa Qualifying games laban sa Cartel University.

Naging maayos at naging masaya ang lahat dahil sa nangyaring acquitance noon, lalo na at nakasayaw ng iba ang mga gusto nila at nakilala ng husto ito, hindi rin sila makapaniwala na ang anim sa sikat na basketball player rito sa First Academy ay iisa lang ang gusto lalo na ang Captain ng grupo.

"guys, hindi sa against ako hah pero as in? kayo nang dalawa?" yan ang bumungad na sabi Ni Anthony nagkatinginan naman ang dal'wa na sina Captain Ian at Jay.

Magkaholding hands at sabay ngumiti sa isa't isa at ipinakita ito sa kanilang mga kasama.

"Yes kami na nga" matapang na sabi ni Ian.

Napatahimik naman ang lahat bago tumayo si Paolo bitbit ang kanyang softdrinks.

"Congratulations to the new couple of the year yahoo!! Hindi na single si Captain Ian! At sa wakas may mag-aalaga na kay Jay!"

Nagtawanan naman ang lahat at namula naman si Jay.

"Hoy tumigil ka nga nakakahiya oh kumakain tayo dito tas mag-iingay ka lang ? Konting respeto naman oh?"

Nagtawanan naman ulit bago umupo si Paolo.

"Sus kunwari ka pa Jay alam ko naman na kinikilig ka lang jan ikaw pa naman maging boyfie ang hot at nag iisang Captain nitong University natin sinong hindi matutuwa?" sabi pa nila naghiyawan na lang ang lahat.

Napailing na lang si Leo dahil sa kaingayan ng mga kasama nila.

Habang sina Jay At Captain Ian ay ganun pa rin sweet at makikita mong mahal nila ang isa't isa.











Jay Pov

Grabe sobrang lakas nang tibok nang puso ko as in tug...tug...tug... Ganun ang kabog nito daig ko pa yung inatake sa puso pero syempre kinikilig ako mga dre, yahoo sa wakas may boyfie na ako hihihi....

Ay, Oo nga pala dahil sa pag-amin namin sa isa't isa ni Captain ayun ang daming natuwa meron ding hindi natuwa siguro mga bitter o kaya na-iingit kase naman ako lang mahal ni Ian nuh..

Pero sa ngayon ang alam ko masaya ako, ito nga naglalakad ako papunta sa sunod kong klase.

Tinignan ko ang oras at bigla akong napasinghap

"Oh no! Late na naman ako! As always!" Kaya ayun kumaripas ako nang takbo, takbo dito takbo jan hanggang sa makarating ako sa aking klase.

Lagot nagtuturo na nga siya at legit ang kaba ko as in...

Pumasok na ako nang dahan dahan sakto naman na nakatalikod si ser habang may isinusulat sa pisara, makakarating na sana ako sa aking upuan nang binato ako nang libro ni ser sa likod.

"Huy feng!! Your late again!?"

Napakamot ako sa ulo at pasimpleng tumingin sa mga kakalase ko na nagpipigil nang tawa.

"Sorry po ser napasarap nang kwentuhan sa mga kateammates ko you know ser nagcelebrate?"

"Huwag mo kong ma you know you know Mr.Feng! Hala get out in may class now your 45 minutes late at patapos na kami"

"Pero ser!"

"Out!" wala na akong nagawa kundi kumamot na lang sa akin pisngi at umalis.

Nang makalabas napatalon pa ako sa gulat nang ibalibag ni ser yung pintuan.

"Haysst kuda naman si ser oh ang kj naman nun siguro pangit childhood day nun tsk"

Kaya umalis na ako at nagpunta na lang sa fountain at naupo doon, dalawang linggo pa bago magsisimula ang laro, at mamaya rin ay magprapractice kami ulit at syempre makakasama ko na naman ang love of my life kung si Captain hayy kinikilig ako mga dre pramis...literal

"Nagdadaydream ka naman eh?" napatingin naman ako sa nagsalita at ngumiti sa kanya.

"Hi Jacob! pinaalis ka rin ba nung teacher ninyo gaya nang sa akin?" Napakunot noo naman siya dahil sa aking sinabi bago niya ginulo ang aking buhok.

"Inulit mo naman ang malate nuh?" Napatango ako sa kanya bago siya tumawa sa akin.

"As always Jay" at napailing iling ito bigla naman tumahimik bago ito nagsalita ulit.

"I'm happy for you to know na secure ka at maaalagan ka nang husto Ni Ian and at same time nalulungkot" ako naman ang napakunot noo dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit ka naman malulungkot? ang gulo mo rin akala ko ba happy ka tas malulungkot?" napatingin siya sa akin at ngumiti.

"yeah happy nga ako pero nalulungkot din kase alam mo ko kung bakit?"

"Bakit?"

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan 'to nahiya naman ako ni hindi pa nga ako nakakapaghugas nang kamay kanina nang nangulakot ako eh?

Ngek joke lang malinis kaya ako saka naghugas ako kanina.

"Because the one person i love has deeply inlove with Captain which is you" agad ko naman itinuro ang aking sarili.

"Ako?" Napatango naman siya.

"Eh? bakit ka naman malulungkot gayung masaya naman ako sa taong mahal ko? Saka hindi ka dapat nalulungkot eh? Kase alam mo sayang kung nakasimangot ka lang mababawasan yang pagkapogi mo saka maraming deserves jan sa pagmamahal mo saka alam ko naman na masakit yun eh? pero anung silbi nang nag-imbeto ng MOVE ON kung ikaw mismo di ka makaka-move on?. Alam kung masakit at matagal maghilom pero kung strong kang tao alam kung makakaya mo gwapo ka Jacob at makarisma malay mo andyan lang yung taong mahal mo ngunit hindi mo lang napapansin kase nakafocus ka sa akin, naman Jacob dre ayoko rin na saktan kita pero anung magagawa ko kung ang puso ko mismo ang pumili nang kanyang itinitibok kung siguro isa o dalawa o higit pa ang puso ng isang tao siguro malayang magmahal ito ng marami na hindi na kayang pumili nang isa na walang masasaktan at maiiwan kung ganun lang sana at kung hindi lang natuturuan ang puso alam ko sinagot na rin kita, saka sorry dre kung nalulungkot ka ngayon at sana pilitin mong mag move on andito naman ako lagi eh kateam mate at bestfriend hindi yun magbabago basta 'wag ka lang lalayo saka hanapin mo rin sa sarili mo yung totoong deserves mo andito lang naman ako nakasuporta lagi kase nga kaibigan mo ko"

Ginulo niya naman ang aking buhok.

"Oo tama ka nga, dapat hindi ako malungkot pero hindi ko rin kayang ipilit na maging masaya siguro kahit masakit kailangan tanggapin kase nga strong tayo 'di ba? Syempre magkaibigan pa rin naman tayo at huwag kang mag aalala kapag naghilom na ito ako mismo ang magpapakilala sa taong deserves ko ikaw mismo ang unang makakaalam"

Natuwa naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Talaga! Sabi mo yan ah!"

"Oo naman, so paano may susunod pa tayong klase tara na?"

"Sige!" At sabay na nga kaming umalis at nagpunta sa sunod naming klase.













TBC....

Please vote comment and share saka papafollow na rin guys thanks 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIRST ACADEMY (Stupid Innocent Bl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon