𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1

106 3 0
                                    

Her's Point of View

"Ate!"

"Oo bababa na!"

Inayos ko muna ang buhok ko bago kumindat sa salamin,ang nanay ko hinahanap na 'ko.Namiss niya siguro yung pinakamagandang anak niya,aba'y syempre mag-isa akong babae eh

Sabi niya magsuot daw ako ng maayos na damit,hindi naman ako madungis magdamit ah.Ngayon nagsuot lang ako ng maroon t-shirt na may printed name sa likod na Chloe,nagsuot lang din ako ng black jeans at white sneakers

Sisimplehan ko lang kasi sabi ni Oppa mas maganda ang simple,well naniniwala talaga ako sa kanya.Katiwa-tiwala naman ang mukha ng kambal ko kaysa sa kapatid kong bunso na napakabait sa'kin

Bumaba na ako sa living room and surprise,walang tao.Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya pumunta ako,ang kapatid kong napakabait at napakagwapo ang bumungad sa'kin

"Si Mom?"

"Nasa pool area,punta ka daw dun"

As usual nagd-drawing naman sa sketch-book niya,namana niya yung pagd-drawing niya kay Mom..sana all.Ako kasi wala man lang namana sa kanila ni Dad,kahit kaunting utak manlang.Pero wala pa din talaga eh

Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa pool area,nakita ko si Mom na seryosong nakikipag-usap sa lalaking...hindi ko kilala.Pero mukhang kaedad ko lang o mas matanda sa'kin ng isa o dalawang taon

"Ay ang napakaganda kong anak,halika at may ipapakilala ako"

Alam ko na 'yang ganyang ngiti ni Mom,hay na 'ko.Bakasyon ngayon pero mukhang pinagkaitan nanaman ako ng karapatan,o baka naman ipapakilala lang talaga siya sa'kin?

"Mr.Walter Janeiro this is my daughter Chloe,and Chloe this is Mr.Walter"

Pake ko?,pilit na ngumiti lang ako sa Walter 'daw'.Ngumiti din siya at naglahad ng kamay,napakunot ang noo ko at tinignan yun.Wala akong balak makipag kamay

Pero ang nanay kong maganda ay kinuha ang kamay ko at inilagay sa kamay ni Walter,napaiwas ako ng tingin ng hinalikan niya ang likod ng palad ko.Binawi ko din agad

Kasi naman 'tong nanay ko eh,ayaw ko ngang magpahalik sa kamay.Pero okay na din dahil gwapo naman si kyah,tsaka sa kamay lang naman yun Chloe

"Mom nagsapatos at nagbihis pa 'ko para lang dito?"

"Anong para lang ditong pinagsasabi mo?,aalis kayo ni Walter--"

"Eomma!"

"'Wag ka ngang ano,aalis kayo dahil siya ang bago mong tutor"sabi na nga ba eh"Dun kayo sa bahay niya,don't worry my beautiful daughter hindi siya masamang tao"

Napairap nalang ako dahil wala naman talaga akong magagawa kapag si Mommy na ang nagdesisyon,sana lang nandito si Appa at Oppa.Wala tuloy akong kakampi tss

"Susumbong kita kay Daddy"

"Sumbong mo,samahan pa kita"

Napanguso nalang ako dahil kay Mommy,'pagdating kay Mom taob 'yang si Dad.Medyo may pagkamarupok kasi ang Daddy ko,ngitian lang yun ni Mom kinikilig na yun eh

"Sige na Walter,turuan mong mabuti 'yang prinsesa ko.Mahina kasi siya pagdating sa usapang eskwela,habaan mo nalang ang pasensya mo"

"Sige po,Tita"

My Private TutorWhere stories live. Discover now