𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 19

14 1 0
                                    

Chloe's POV

Naka-upo lang ako dito sa sofa ni Walter.Nandito kami ngayon sa bahay niya.Gusto niya daw na matikman ko yung paborito niyang luto.Paborito niyang luto...pero hindi daw siya ang nagluto dahil 'di siya marunong.

Hay nako..kung ito lang ang mapapangasawa ko huh!,tuturuan ko nalang siya.Tutal mabilis naman siyang matuto.Tuturuan ko siya para pasado siya kay Mom,sabi kasi ng magaling kong ina kailangan daw marunong magluto ang mapangasawa ko tulad ni Dad

Mas marunong pa talaga yung nanay kong magdesisyon kaysa sa'kin...na ako naman talaga ang mag-aasawa at hindi siya.Tsaka...asawa agad?,sabagay sila Mom nga anak muna bago kasal

"Ma'am,ready na daw po yung lunch niyo ni Sir"

Tumango ako sa kasambahay na nagsabi nun.Tumayo na 'ko at pumunta sa kitchen ni Walter.Sa kanya naman kasi 'tong bahay kaya I'm sure na sa kanya din lahat ng gamit dito.Ang boring talaga ng life niya dahil wala siyang kasama dito...except sa mga katulong

Kung pwede lang na dito na din ako tumira hehe.Joke lang,baka himatayin yung nanay ko

"Hm...ang bango naman"manghang saad ko ng maamoy ko yung ulam na nandito sa mesa

"Yeah.C'mon,let's eat.I'm sure you'll like it"

Tumango ako at tumabi kay Walter.Ang daming nakahandang pagkain,kaya naman pala natagalan.May mga hindi pamilyar na pagkain,siguro french foods 'to.Pero may pamilyar din like adobo,menudo,afritada..

"What's this soup?"tanong ko ng may mapansin akong kulay dilaw na sabaw

"Ah,that's a french garlic soup.You can try it"

Sabi na nga ba french foods 'tong ibang nandito.May mga beef steak din kasi dito,feeling ko mahilig sa Baka yung mga french?.Hindi naman kasi ako mahilig sa mga Baka,minsan kasi masebo

"Hm...masarap pala 'to?"nakangiting kumento ko ng matikman ko yung french..basta!nakalimutan ko na

Ang sarap.Parang may cheese?,tsaka may sibuyas din.Nakangiti lang si Walter habang pinapanood akong tikman lahat ng nandito.Masarap talaga lahat.Pero mas masarap kung kumakain din sana 'tong katabi ko

"Kumain ka kaya,'di yung nakatunganga ka lang diyan"

He chuckled"Mas gusto kong panoorin kang kumain"

Pinabayaan ko nalang siya dahil gutom din naman ako.Bahala siya diyan kung ayaw niyang kumain,basta ako kakain.Hindi ko na din tinanong kung ano sa mga pagkaing nakahain dito yung paborito niya dahil busy ko sa pagnguya

Napatingin ako kay Walter ng bigla nalang siyang tumayo.Ngumiti siya at sinabing kukuha lang daw siya ng inumin,tumango naman ako.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik siyang dala ang juice.

"Fresh fruit juice for you,my love"

Nasamid naman ako kaya kinuha ko agad yung juice na dala niya at tinungga.Bwiset naman oh,may pa 'my love' 'my love' pa kasi amp.May buto pa naman 'tong kinakain ko.'Pano kung malunok ko 'tong buto dahil sa ka-sweetan niya?

"Tigilan mo nga 'yang pagsabi mo ng 'my love'"

He raised his left eyebrow"Why?,'di ba sweet?"

"Psh...too much sweet"sagot ko sabay irap

Tumawa lang siya.Nagpatuloy nalang ako sa pagkain kahit na dada siya ng dada diyan.Puro ka-sweetan lang naman yung sinasabi niya.Ayokong makinig baka matuluyan na 'kong makalunok ng buto dito

"You know,Dad said to my Mom before...'Be brave honey,we still have a kids to be with forever'"pagk-kwento niya"What do you think my Dad's mean?"

My Private TutorWhere stories live. Discover now