𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3

16 3 0
                                    


Chloe's POV

"Padating na daw si Walter"

Tumango lang ako kay Mom at nagpatuloy na sa pagkain,napapalingon sa'kin si Zanjo kaya kinukunutan ko siya ng noo.Parang may gusto siyang sabihin eh,bumuntong hininga nalang ako at tinapos na ang pagkain

"Ah Ate?"

"Why?"

Tumikhhim muna siya bago uminom ng tubig,umalis si Mom dahil hihintayin niya daw sa labas si Walter.Tumingin ulit ako kay Zanjo na marahan lang na nakatitig sa'kin

"Alam kong maganda ako,ano bang sasabihin mo?"

"Si...kuya Andrei,kilala mo naman talaga siya 'di ba?"

Napasinghap ako dahil sa tanong niya,ano ba naman ang nasa isip ng batang 'to?mabuti nalang at umalis si Mom.Huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinignan

"And?"

"He's your ex,right?"

Napapikit ako bago yumuko at tinitigan ang plato ko,sabi na nga ba at nagpakilala 'yang si Andrei kay Zanjo eh.Bwiset na lalaki yun!,lagot talaga siya sa'kin

"Don't tell that to anyone"

"Okay,but in one condition"

Tinaasan ko siya ng isang kilay habang siya naman ay nakangisi,napairap ako dahil baka may kalokohan nanaman 'tong mabait kong kapatid.Lagi nalang may kondisyon

"Spill it"

"Buy me a PSP"

Ako ba ang niloloko ng batang 'to?,seriously?.Gusto niyang bilhan ko siya ng PSP?,eh wala nga 'kong pera!.Hindi pa binibigay ni Mom yung credit card ko,kainis naman 'tong si Zanjo eh!

Tumango nalang ako at lumabas na ng kusina dahil baka masapok ko siya ng wala sa oras,mukhang magkakautang nanaman ako nito.Hindi ko pa nga nababayaran yung utang ko

May utang kasi ako kay gurang,nangutang ako ng 100 pesos nung nakaraan para lang bumili ng milktea.Hindi din naman ako ang nakinabang dahil si Mom ang uminom,bawal daw ang masyadong matamis

"Hi Tita Cloud!,nasaan po si Chloe?"

Nangunot ang noo ko at nagmamadaling pumunta sa living room,at ayun nga nakita ko si gurang na nakapangbahay lang.Hindi talaga yan nagsusuot ng pang-lakad ng damit kapag dito siya pumupunta

"Oh hi Esmeralda Juanito"

Natawa naman ako dahil sa pagtawag talaga ni Mom sa buong pangalan ni gurang,napabaling sila ng tingin sa'kin.Sinamaan agad ako ng tingin ni gurang hahaha,gurang ang tawag ko sa kanya kasi yung pangalan niya pangmatanda

"Tita oh,tinatawanan ako"

Nagsumbong pa hahaha,nakakatawa naman kasi yung pangalan niya.Hindi naman siguro sinaunang tao yung mga magulang niya?,hindi ko pa nakikita yung Mom and Dad niya dahil nasa ibang bansa daw

Kaya nga malaya niyang nagagawa lahat ng gusto niya,gala dito gala duon.Kain kahit saan,mahilig pang manlibre.Kagaya nalang yung pag-aaya niya sa beach,for sure libre niya nanaman 'yan

"Why are you here Esme?"

"Ahm..ipapagpaalam ko lang po sana si Chloe,tutal summer naman po ay balak ko po sanang magbakasyon kasama siya.Magb-beach po kami"

Baliw talaga 'to,parang lalaki magpaalam eh.Akala mo yung lalaking hinihingi yung kamay ng babaeng gusto niya dun sa magulang ng babae hahaha,gusto ko ng ganun

My Private TutorWhere stories live. Discover now