𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4

15 3 0
                                    


Chloe's POV

Nandito ako sa pool para maglinis,dahil mamaya mags-swimming ako hehe.Day off day ni Walter dahil may inaasikaso siya,buti nga pinayagan ako ni Mom na magswimming

"Goodmorning Ate"

"Goodmor--teka!baliw ka talaga!"

Hinampas ko siya ng panglinis ng pool dahil tumalon agad siya,bwiset 'to hindi pa nga ako tapos maglinis.Tumawa naman siya at nagpatuloy na sa paglangoy,inirapan ko lang siya at nagpatuloy pa din sa paglilinis

"Manang..kuha mo 'ko ng juice mamaya ah"

"Gusto mo ng sapak?,manang mo mukha mo!"

Tinawanan niya lang ulit ako,may problema talaga sa utak 'tong si Zanjo eh.Nagmana ata kay Dad na palabiro,well lahat naman kami kahit si Mom.Hindi lang talaga ngayon dahil madami siya ginagawa

"Ate,hindi ka pa din nakakab--"

"Hindi pa,wala akong mautangan"

"Kay kuya Walter ka nalang mangutang,mabait naman yun si kuya"

Umiling lang ako,baliw ba siya?.Porket mabait yung tao eh,tsaka ang dami ko ng utang dun...utang na loob.Dahil kay Walter nakakain ulit ako ng pizza at chips,nakainom din ako ng Milktea

Hays oo nga pala,hindi ako makakain ng mga ganun ngayon.Day off ni Mr.Tutor,pero okay lang hindi naman ako umaasa kahit hindi niya day off.Okay na yung paminsan-minsan lang

"Saan pumunta si Mom?"

Umalis kasi siya pagtapos niyang sabihin na day off ni Walter ngayon,hindi ko na natanong dahil nagmamadali siya.Saan naman kaya pupunta ako nanay kong yun?,baka sa school

"Nasa University,may inaayos daw siya"

Tumango ako,sabi na nga ba eh.Bakasyon ngayon pero inaasikaso niya pa din yung school?,wala namang istudyante dun ah?.Tsaka maayos naman yun,nung pumunta ako dun gandang-ganda ako eh

Nag-swimming na din ako pagtapos kong maglinis,hindi naman nakakamiss lumangoy dahil simula nung magbakasyon ay lagi kaming nags-swimming nila Mom pati ni Zanjo

"Ate yung kaibigan mo,si Esme?"

"Wala kang galang,Ate Esme dapat"

Napairap naman siya,luh bakla?.Susumbong ko 'to kay Zy,sasabihin ko bakla yung kapatid niyang gwapo hahaha

"Mas gusto ko yung Esme lang,crush ko yun Ate"

Natawa ako dahil sa sinabi niya,crush amp.Ang bata bata niya pa?,ano siya si Aki?pinagkaiba lang ay mas matanda yung gusto niya si Aki naman mas bata.Hay na 'ko,okay lang 'yan 'age doesn't matter' naman daw

"Si Zy ang crush nun hindi ikaw"

"Hindi naman siya crush ni kuya,kaya sa'kin nalang siya.Look I'm handsome and genius too"

Yabang!,edi kayo na matalino.Maganda lang naman ako psh.Akala niya naman papatulan siya ni gurang?,eh yung mga tipo nun yung pang k-pop pumorma

"Kapatid lang ang turing sa'yo nun"

Napanguso siya habang naka-krus yung mga braso niya,hangkyut naman nito.Tumawa nalang ako at sinabuyan siya ng tubig dito sa pool,sinabuyan niya din ako.Ayun ang sakit ng tainga ko dahil napasukan ata ng tubig

Nang matapos kami ay nagbihis na 'ko para maghanda ng pagkain,hindi pa kami nag-aalmusal.Mas masarap kasing maligo muna bago kumain,para fresh na fresh hehe

My Private TutorWhere stories live. Discover now