𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 12

9 0 0
                                    

Chloe's POV

Nagkwentuhan pa kami nila Joana at Ate Thea.Ang tagal naman kasi nila Zy sa labas?.Si Zanjo naman ayun nags-solo.May katext ata...kanina tawag ngayon text naman?.

"Zanjo?"

"Hm?"tugon niya lang ng hindi manlang ako binabalingan ng tingin

"Sino ba 'yang katext mo?"

Nag-angat siya ng tingin"Why?do you care?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi nanaman ako ginagalang ng batang 'to.Sarkastikong sumagot eh!.Nagtatanong lang naman ako may pa 'Do you care' pang nalalaman

"It's Sab"

Umirap nalang ako.Sasabihin din naman pala nang-asar pa.

Napalingon kami sa pinto nang sa wakas ay pumasok na din ang magpinsan na 'to.Tumatawa pa sila pareho.Ilang buwan ba sila Zy sa Korea?.Apat na buwan lang naman ata,kung makaasta naman 'tong si Aki akala mo sampung taong hindi nagkita

"Oppa!hinahanap ka na ni Ate Thea"pagtawag ko kay Zy

Ngumiti naman siya bago pumunta sa pwesto namin.Si Aki naman umupo sa tabi ni Joana at nakipagkwentuhan.Para nga lang silang magkapatid hahaha.

"How's Korea Chaze?may girlfriend ka na ba?"

Natawa nalang ako dahil pareho lang kami ng tanong ni Ate Thea kay Zy.Umiling nalang si Zy habang nakasimangot.Okay lang 'yan ako nga bawal samantalang pareho lang naman kami ng edad ng birthday.

"Puro business lang naman ang ginawa namin ni Dad sa Korea"

"That Hailey?"

Umismid si Zy"Don't mention her name.I hate that girl"

Nakikinig lang ako sa kanila.Who's Hailey?'pano naman nakilala ni Ate Thea yun?.Isa nanamang babaeng ayaw ni Zy?. Nung una yung ate ni Jeo ngayon naman yung Hailey daw?.Hays hindi naman kasi ako ini-inform ng lalaking 'to tungkol sa buhay niya.Malalaman ko nalang may jowa nalang 'yan

"Why?she's a beautiful and good girl"

"Tss basta naiinis ako sa babaeng yun"

So ako lang pala ang walang kausap?.Napairap nalang ako ng wala sa oras.Yung bakla may katext,itong couple sa tabi ko naghaharutan at sila Ate at Zy na nag-uusap tungkol sa kung-ano.

Dapat pala hindi ko muna pinaalis si Walter para may kausap ako.Baka kasi nagpapahinga na yun ngayon baka maistorbo ko lang kapag tinawagan ko siya.Si gurang mamaya pa ang punta nun sa bahay dahil paniguradong magpapaganda pa yun

Tumayo nalang ako para puntahan si Tita na nasa kusina ata.Si Tita nalang ako kakausapin ko tutal wala namang gustong kumausap sa'kin dito.Nang makapunta na 'ko sa kusina ay nakita kong naghuhugas ng plato si Tita--mali si Alyza pala

"I thought you're sleeping?"

Humarap siya saglit at agad ding bumalik sa paghuhugas"I'm tired sleeping"

Ay ang taray napagod ng matulog.Umupo ako sa bilog na upuan dito at pinanood siyang maghugas.Hindi ko manlang napansin na bumaba siya kanina.Siguro bumaba siya nung nag-uusap kaming tatlo nila Joana

"Ang lamig mong magsalita.Sa yelo ka siguro pinaglihi 'no?"

Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot.Tulad niyan hindi nanaman siya sumagot.Minsan tatanguan ka lang niyan.Kabaliktaran yung ugali niya kay Aki.Yung lalaking yun sobrang kulit siya naman sobrang tahimik

My Private TutorWhere stories live. Discover now