𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 16

9 0 0
                                    


Chloe's POV

One week had passed.Exam na namin ngayon.Puro nalang buntong-hininga ang ginagawa ko dito sa loob ng kwarto ng isang linggo.Wala talaga akong ginawa dahil wala din naman akong gagawin.Hindi din ako makapagfocus sa pagr-review dahil iniisip ko si Walter

Miss ko na yung baliw na yun.Isang linggo na din siyang wala.Next week na yung birthday namin ni Zy,sana makarating siya.Nagp-plano na nga din sila Mom para sa birthday namin ni Zy

Nilista ko na din yung mga pangalan ng 18 candles and 18 roses.Si gurang ang pang 18th candles ko,si Mom naman ang pang first.Tapos yung iba mga pinsan ko tsaka sila Tita.Syempre inimbita ko din si Ate Hailey para masaya

Yung mga sasayaw sa'kin,ganun lang din mga pinsan,kaklase tsaka sila Tito.Basta pang first ko si Dad tapos pang 18th naman si Zy.Si Zy naman nag-invite lang ng kaunting bisita dahil yung mga kaklase niya nasa Korea

"Rix!tara na baka malate ka sa Exam!"

Walang ganang kinuha ko ang bag ko at phone.Paglabas ko ay lahat sila nakatingin sa'kin.Alam ko namang kinakabahan sila para sa'kin dahil nga hindi ako masyadong nakapag-review.Huhulaan ko na nga lang kapag hindi ko alam yung sagot

"Dapat kasi nagreview ka muna Chloe"nag-aalalang saad ni Dad

"Oo nga anak.Para makapasa ka"

I sighed"Don't worry Mom,Dad.Pwede naman akong manghula"

Sinamaan naman nila ako ng tingin kaya tumawa ako.Gusto ko lang naman silang pakalmahin dahil mas mukha pa silang kinakabahan kaysa sa'kin.Narinig ko din ang pagtawa ni Zy at Zanjo kaya lalo akong nakampante

Bukas pa ang schedule nila Zy dahil marami ang magt-take ng exam ngayon.Maraming magt-take ng Business Ad kaya kailangan ng maraming room na gagamitin.Buti nga hindi kami sabay para suportahan niya 'ko

"Tara na nga.Galingan mo princess alam mo namang hindi Mom mo ang nagr-review ng mga pasado"Dad said

Kaya nga eh.Ang Principal kasi ang nagr-review ng mga pasado.Kung si Mom lang siguro yun baka hindi na 'ko nag-aral dahil alam ko namang ipapasa niya 'ko hehe.Dapat kasi siya nalang yung Principal,pero Dean naman siya dahil siya yung may-ari nun

"Tigilan mo nga 'yang kahibangan mo Dave.Kahit ako ang nagr-review,kung bagsak talaga 'yang prinsesa mo hindi ko pa din dadayain ang resulta"

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi ni Mom.Kainis naman 'tong si Mom.Anak niya naman ako ah?,baka naman ampon lang talaga ako?o anak ako ni Dad sa ibang babae?.Magkasing ugali talaga sila ni Zy

Sabay-sabay na kaming lumabas at pumasok sa kotse ni Dad.Nasa backseat kaming tatlo nila Zy at Zanjo,nasa front naman si Mom na nasa tabi ni Dad.Pinaggigitnaan pa 'ko ng dalawang baliw.Gusto ko nga sanang sa front nalang ako

"Goodluck Ate"

Ngumiti lang ako kay Zanjo.Break a leg self..sana makapasa ka kahit hindi ka nagreview.Hindi ko pa naman siguro nakakalimutan yung tinuro ni Walter?.Goodluck talaga Chloe

- - -

"Galingan mo Rix.Focus lang okay?"

Ngumiti ako at tumango kay Zy.Nagpaalam na 'ko sa kanya at pumasok na sa kwartong pag-eexaman ko.May mga nag-eexam na din pala. Hinanap ko ang upuan na para sa'kin.Hindi naman ako nahirapan dahil nandito lang sa unahan

Inhale...exhale.Kaya mo 'to Chloe...

- · -

"Pass all the papers"

My Private TutorWhere stories live. Discover now