𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 28

6 1 0
                                    


𝐶ℎ𝑙𝑜𝑒'𝑠 𝑃𝑂𝑉


Nagmamadali akong sumakay sa kotse ni Zy dahil ihahatid niya muna ako sa hospital bago siya pumasok.Nandu'n pa din kasi si Walter,mahigit tatlong araw na.Hindi pa siya pwedeng umuwi dahil under-observation pa siya.Kahit naman si Walter ay gusto na niyang umuwi kaso bawal pa nga kaya ayun nanatili pa din siya.Naaawa tuloy ako sa kanya.

"𝐖𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐨𝐤𝐚𝐲.𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐝𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 '𝐲𝐚𝐧"pagpapalakas ni Zy sa loob ko

Nakangusong tumango ako.Hindi ko naman maiiwasang hindi malungkot dahil sa sitwasyon ni Walter.Ayaw nga 'kong papuntahin ni Walter sa hospital dahil daw nag-aaral ako.Kailangan ko pa tuloy na mangakong mag-aaral ako ng mabuti para lang pumayag siyang bisitahin ko siya araw-araw.Syempre tinutupad ko naman ang pangako ko dahil nag-aaral na talaga ako ng mabuti.

Nagpaalam na 'ko kay Zy nang makarating na kami sa hospital.Umalis na din siya agad,baka daw kasi ma-late siya.Ayaw niya naman na magcommute ako kaya nag-alok siyang ihahatid ako,inshort kapag na-late siya...hindi ko na kasalanan hehe.Kung marunong lang talaga akong magmaneho edi sana hindi na 'ko nagc-commute tsaka nagpapahatid kay Zy.

Dire-diretso akong pumasok sa elevator na may mga nakasakay ding mga nurse.Napapatingin sila sa'kin dahil naka-uniform pa 'ko pero hindi ko nalang pinapansin dahil wala naman kong pake.Ang gusto ko lang ngayon ay makapunta ako kay Walter para makita at makasama siya.Lagi ko naman siyang nam-miss,ganun din siya.Sabi niya lang.

"𝐇𝐢!!"masayang bati ko kay Walter ng makapasok na 'ko

Hindi na siya  nagulat dahil lagi naman akong dumadalaw ng ganitong oras.Nagbabasa lang siya ng libro ng maabutan ko siya at pansin ko din ang prutas sa mini table na nandito.Hindi ko alam kung kanino galing 'yun pero masaya ako dahil may nag-aalala para sa kanya.Magpapasalamat ako sa nagbigay ng prutas para sa kanya.

"𝐊𝐚𝐧𝐢𝐧𝐨 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 '𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐮𝐭𝐚𝐬 𝐦𝐨?"

"𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐦𝐲 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝,𝐚 𝐃𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝"sagot niya at ngumiti sa'kin kaya ngumiti din ako pabalik.

"𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐤𝐚 𝐛𝐚?,𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐤𝐚"

He chuckled and shook his head"𝐌𝐚𝐬𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐛𝐚 '𝐤𝐨?"he pouted

"𝐍𝐨..𝐬𝐨𝐦𝐞𝐭𝐢𝐦𝐞𝐬"

Pareho kaming tumawa dahil sa sagot ko.Nilabas ko sa bag ang librong dala ko.Sabi niya kasi mag-aral daw ako sa harap niya kay sinusunod ko 'yun.Medyo naiintindihan ko na din 'yung mga lesson dahil nakikinig na talaga ako.Dati kasi lagi akong lutang kaya walang pumapasok sa utak ko.I've changed a lot,thanks to him.

Sinagutan ko na din 'yung assignments namin.Hindi na 'ko nahihirapan sumagot ngayon dahil nabasa ko naman na 'yung iba.'Yung mga mahihirap naman ay tinatanong ko kay Walter,handa naman siyang tumulong.

"𝐌𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐢𝐬 𝐛𝐞𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐥𝐨𝐰 90 𝐩𝐞𝐫𝐜𝐞𝐧𝐭..𝐨𝐧𝐞 𝐨𝐫 𝐭𝐰𝐨 𝐦𝐨𝐧𝐭𝐡𝐬 𝐈'𝐥𝐥 𝐥𝐞𝐟𝐭 𝐲𝐨𝐮 𝐡𝐞𝐫𝐞"saad niya sa mahimang boses

"𝐈𝐭'𝐬 𝐟𝐢𝐧𝐞.𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐬𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐜𝐚𝐧,'𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚..𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐤𝐨.𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐧"

My Private TutorWhere stories live. Discover now