𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 8

17 2 0
                                    

Chloe's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang alarm ko,ewan pero hindi ata ako nakatulog?.Excited kasi ako ngayong araw kaya hindi ako nakatulog hanggang sa narinig ko na ang alarm ko,hindi naman sumakit ang ulo ko kahit na hindi ako masyadong nakatulog.Hindi naman kasi ako gumamit ng phone

"Goodmorning self.."

Tumayo na 'ko at mabilis na naligo,4:30 a.m palang naman.Alas nuebe ng gabi ako humiga pero nakatulog ako ng alas dyes tapos nagising ulit ako ng alas onse.Puro idlip lang ang ginawa ko,baliw na kasi yung utak ko

Pagtapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng plain gray V-neck shirt tsaka pinaresan ng maong-shorts.Mags-swimming lang naman siguro kami 'no?.Tsaka wala naman akong dapat na pagpagandahan,si Walter?hayaan mo yun sanay na yun na panget ako hahaha

Kinuha ko muna ang phone ko habang bino-blower ang buhok ko.I open the data.Ich-chat ko si gurang baka tulog pa yung matandang yun.Hindi ko na naituloy ang pagt-type ko dahil nauna na siyang mag-chat.Yan ah?excited din?

From:Gurang

'Dun tayo sa beach ng Alegre,mauuna na kami tutal may kasama ka naman.See yah!' - just now

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko 'kami'?.Akala ko siya lang?ayts baka kasama niya sila Elvin at Ate Erine?.Lalo akong na-excite,knowing that Elvin is there too.I miss his cuteness.Ang sarap kurutin ng pisngi ng batang 'yun eh

Siguro yung iba naming kasama ay sinabihan niya na din na mauna na.Nakakamiss din naman yung mga highschool classmates and schoolmates ko.Kahit na may pinag-aawayan ang mga yun at minsan ay nag-aagawan pa ng mga crush nila ay magkakaibigan pa din kami

But like what I've said,tahimik lang ako.Minsan kasi hindi ako pinapayagan ni Mom na sumama sa kanila kaya minsan na o-OP ako kapag may pinag-uuspan sila tungkol sa naging lakad nila.Pero atleast masaya naman ang highschool life ko kahit na niloko ako ng gago

Naalala ko nga pala...si Tita Deb!.Hinanap ko ang name niya sa phonebook ko para tawagan nalang siya.Nang makita ko na ay agad ko siyang tinawagan.Siguro naka apat na ring iyon bago niya sagutin

[Buti naman at tumawag ka,nandito na 'ko sa kanto ng Village niyo.Sunduin mo naman ako]

"Eh?hindi ka hinatid ni Tito Vien?"

[Tulog pa siya eh,sige na sunduin mo na ako]

Napabuntong hininga ako bago pinatay ang tawag.Oh 'di ba?nakakainis talaga ang lalaking yun.Kahit saglit lang naman hindi niya pa sinamahan si Tita.Langya parang naawa tuloy ako kay Tita Deb.Ano kaya kung tawagan ko si Tito Kai?

Hindi na 'ko nagsuklay dahil nakapag-blower na din naman ako ng buhok.Paglabas ng kwarto ay madilim na paligid ang bumingad sa'kin.Syempre tulog pa si Mom and Zanjo,pero gigisingin ko din naman sila 'pag-aalis na kami para magpaalam

Pagbaba ko ay may naaninag akong ilaw mula sa...kusina,sino naman ang nagbukas nun?naiwan ba ni Mom na nakabukas kagabi?.Hindi naman siguro dahil lagi naman niya yan pinapatay.Dahil sa kyuryosidad ay pumunta ako duon.Baka mamaya ay magnanakaw...

"Ah!!Magnanakaw!"sigaw ko sabay batok sa kanya

"Ate!,I'm not a thief!"

Inirapan ko siya"Magnanakaw ka.Kaya pala ang bilis maubos ng chocoffee ko!iniinom mo!"

"Eh mas masarap kasi 'to kaysa sa gatas"

"Isusumbong kita kay Mom,'di ba sabi niya dapat gatas lang ang inomin mo?"

Umirap lang siya kaya binatukan ko ulit siya,ang panget niya kapag umiirap kaya binatukan ko siya.Ayaw kong masisi ni Zy kapag nalaman niyang umiirap si Zanjo,hindi ko naman tinuruan 'yang kapatid niyang bakla!

My Private TutorWhere stories live. Discover now