𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 17

8 0 0
                                    

Chloe's POV

"Rix wake-up!"

Aish!humarap ako sa kabila para talikuran si Zy.Inaantok pa 'ko eh.Anong oras na 'ko natulog kagabi kasi kachat ko si Walter.Kagabi lang kasi siyang nag-online dahil busy daw siya

"Rix!it's our birthday today!"

Nagmulat agad ako ng mata dahil sa narinig ko.Birthday na namin!!.Sheyt nakalimutan ko...ngayon na nga pala yun.Umupo ako at tinignan si Zy na nakangiti.Tumabi siya sa'kin at niyakap ako

"Happy birthday Rix"

I hugged him back"Happy birthday din Zy"

Humiwalay siya sa pagkakayakap at nagtakip ng ilong kaya napasimangot ako.Ang sama nito...alam ko namang mabaho pa ang hininga ko dahil kakagising ko lang 'no.Tumatawang umalis siya sa kama at tumakbo palabas

Natawa nalang din ako at napailing.Tumayo na 'ko at dumiretso sa banyo.Sobrang aga pa,baka panget ako mamaya sa debut ko dahil malaki ang eyebags ko.Hindi kasi ako pinatulog ni Walter tss

Speaking of that guy...darating kaya siya?.Baka hindi siya makarating dahil nasa New York pa din daw siya.Ano ba 'yan,nakakainis naman eh.Napakabusy niya kasi,sa loob ng dalawang linggo kagabi lang siya nagchat

Miss ko na nga siya...

Nang matapos na 'kong maghilamos ay bumaba na 'ko para makapag-almusal na.Naabutan ko sila sa living room na seryosong nag-uusap pero napatigil din ng makita ako.Ngumiti si Mom at Dad at sinalubong ako ng yakap

Nag-away nga sila nung nakaraan pero nagbati din agad dahil kay Zanjo na gumawa ng paraan para magbati sila.Ewan ko kung 'pano niya nagawa yun pero masaya ako dahil hindi nalumala ang tampuhan ng dalawang 'to parang mga bata pa naman mag-away

"Happy birthday sa prinsesa namin"Dad said then kissed my forehead

"Thankyou Dad"

Pumunta na kami sa kusina para mag-almusal.Hindi kami dito sa bahay magc-celebrate ng birthday namin ni Zy.Nagrent si Dad ng bakanteng lotte malapit lang dito sa bahay.Dun nalang daw kami

'Pag dito kasi sa bahay masikip.Ang dami ko pa namang bisita.Kahapon nga lang kami namigay ng invitation,pati si gurang tumulong na din.Magkasama kami ni Zy habang magkasama naman sila ni Zanjo.As usual pagdating nila pareho silang nakasimangot

"Ate inimbita ko si Sab"

Tumango ako kay Zanjo.Wala siguro 'tong kaibigang lalaki si Sab lang naman lagi ang iniimbita niya dito sa bahay tuwing may okasyon.Kung hindi lang lalaking kumilos 'to matagal ko ng inisip na bakla talaga 'to

"Si Sab lang?"Zy asked to Zanjo

"Yup.Why any problem with her?"

Zy shook his head"Wala naman.Lagi nalang kasing si Sab ang iniimbita mo...wala ka bang ibang kaibigan bukod sa kanya?"

"Kuya,I have.But Sab is my special friend,that's why"Zanjo answered to Zy

Ay special pala si Sab?.Parang hindi naman halata dahil ang ganda-gandang bata nun.Kung special siya...'pano siya naging matalino?tinalo niya pa nga ako.Baka naman matalino talaga ang mga special?.Hay nako bahala sila,sana all nalang matalino

"What a lucky girl to have a bestfriend like Zanjo"nakangiting sabi ni Mom

Yeah Sab is lucky because Zanjo didn't bullyed her.Marami kayang batang mahilig mambully ng may kapansanan.I hope wala talagang nangb-bully kay Sab sa school nila dahil special siya.Ako nga hindi special pero binubully

My Private TutorWhere stories live. Discover now