So ngayon andito ako ngayon sa happy dumplings dito sa thailand bumibili ng tatlong balot dahil gusto ito ni jennie eh.. gusto niya raw kumain ng dumplings
Fastforward
Andito nako sa harap ng bahay namin ni jennie,iginarahe ko na ang kotse ko at agad ng pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa kusina para ilagay sa pinggan ang binili kong dumplings ng biglang may narinig akong kumalabog mula sa itaas.
"Jennie?...jennie!"sambit ko at agad tumakbo paakyat at pumuntang kwarto namin
Agad kong binuksan ang pinto..
"Jennie!"
"Ay kapre"gulat na sabi ni jennie
"Anong nangyari? Ano yung kumalabog?"tanong ko
"Ahh.. nahulog yung box na pinaglalagyanan ng ultrasound ni baby"sabi ni jennie at kinuha niya ang nasa lapag na box na kahoy
Napahinga naman ako at nilapitan siya
"Tara na dito"sabi ko at hinila siya paupo sa kama namin. Kinuha ko ang box at nilapag sa kama.
Lumuhod ako at inilapit ko ang mukha ko sa tyan niya at hinalikan ito. Tsaka kinausap
"Mhua.. anak excited na si dadang lumabas ka.. palaki kana agad ha.. kamusta kana man dyan sa loob? Ayos kalang ba dyan anak? Gutom kana ba? Sakto may binili si dadang Dumplings. Mama mo kase mahilig sa dumplings kaya tignan mo yung pisngi parang dumplings na "sabi ko narinig ko naman ang pagtawa ni jennie
"Yung mama mo tinatawanan ko,may mali ba sa sinabi ko hon?"tanong ko
"Wala naman,nakakatuwa lang"sabi ni jennie at ngumiti
Tumayo ako at hinalikan siya sa noo
"Pangako jennie,aalagaan ko kayong dalawa ng magiging baby naten"sabi ko
"Ilang beses na sa isang araw mo yan sinasabi ha,halos araw-araw mo nang sinasabi yan"nakangiting sabi ni jennie
"Di kaba napapagod?,ikaw na ang gumagawa ng mga dapat ako ang gagawa"
"Bat naman ako mapapagod? eh andyan kayong dalawa ni baby na lakas ko,tsaka hon. Ang kailangan mo lang gawin ay alagaan si baby dyan sa loob ng tyan mo. Ako na ang bahala sa lahat basta ang priority mo is si baby"sabi ko
"Thank you hon"
"No,thank you. Kase pinasaya moko"sabi ko
Agad naman niya ako niyakap kaya niyakap ko narin siya..
Ay nakalimutan ko.. yung dumplings..
"Ahm baba lang ako ah kukunin ko lang yung dumplings na binili ko."
"Sige hon"sabi ni jennie. Binigyan ko muna siya ng isang halik bago bumaba
________________
Kim Highschool
~uwian
"CHAESOOOOOOOOO!!!"pagtawag ng seulrene kila jisoo at chaeng
"Ouy!kayo pala yan"sabi ni jisoo at agad lumapit sa dalawa
"Ano balak niyo sa bakasyon?"tanong ni chaeng kila seulrene
"Ahhh.. Wala pa nga eh"sabi ni seulgi
"Kame..magbabakasyon kila Jennie"sabi ni jisoo
"Talaga?,Sama!"sabi ni seulgi
"Para maka musta ko na si jennie pati na ang inaanak ko"sabi ni irene
BINABASA MO ANG
My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]
FanfictionLisa is a poor person who supports herself alone. Because of her kindness, an old woman grants her three wishes. What could her three wishes be? Started:july 20 2020
![My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/233567019-64-k464893.jpg)