CHAPTER 55

1.1K 38 8
                                    

AFTER 4 days...

Dalawang araw nalang bago ang nalalapit na kasal ni jennie at lisa. Walang kaalam alam si jennie na si lisa pala ang ikakasal sa kanya.

Bumangon si jennie ng mga 6 am ng umaga at nag pasyang mag lakad lakad sa dalampasigan.

Nakasuot siya ng jacket na black,agad siyang lumabas sa kwarto nila chaeng at lumabas ng tinutuluyan nila.

Pagkalabas ni jennie ay ramdam na ramdam niya ang lamig ng hangin kaya napayakap siya sa sarili niyang katawan at nag simula nang maglakad.

Lumapit siya tabing dagat at umupo sa may malaking bato habang pinag mamasdan ang araw na umangat ito.

"Bammie nilalamig ako"

Nakarinig si jennie na pamilyar na boses kaya hinanap niya kung san nang gagaling yon

"Nilalamig kana?. Lika nga dito yakapin kita"

Napalaki ng mata si jennie ng makita niya si bambam at nikki na magkasamang  nag lalakad sa tabing dagat.

Niyakap ni bambam si nikki at aalis na sila. Kaya...

Agad bumaba si jennie sa malaking bato at lumapit sa dalawa.

"NIKKI!" Pagtawag ni jennie kay nikki kaya napahinto si bambam at nikki

"Shook si jennie ba yon?"tanong ni nikki kay bambam

"Satingin ko si jennie nga"kinakabahang sabi ni bambam

"Bambam nikki!"pagtawag ni jennie

"Patay"sabay nilang sambit kaya humarap na sila

"Oh jennie ikaw pala yan"sabi ni nikki

Huminto si jennie sa harapan nila.

"Yes,anong ginagawa niyo rito? Tsaka kasama niyo ba si lisa? Mag iisang bwan na kaseng di siya nagpaparamdam sakin"tanong ni jennie

Nagkatinginan si bambam at nikki at tilang nag uusap sila gamit ang mata nila kung pano magpapaliwanag..

"Ahh.. hindi namin siya kasama,kaming dalawa lang ang mag kasama dito"sabi ni bambam

"Tsaka aattend kami sa wedding niyo ni Eunwoo"sabi ni nikki

"Ganon.. Hmm eh asan si lisa?"malungkot na tanong ni jennie

Hindi naman nakasagot ang dalawa

"Uy.. asan si lisa?"tanong muli ni jennie pero di parin nag sasalita ang dalawa

"Ahm si lisa ano kase---"

"JENDEUKIE!!"

Napalingon ang tatlo sa tumawag kay jennie

"Kanina pa kita hinahanap! Dito kalang pala"sambit ni jisoo at lumapit kila jennie,napatingin si jisoo kila bambam at tila nagulat pa ito.

"Oh bamnikki kakarating niyo lang?"tanong ni jisoo pero tinignan naman siya ni bambam at nikki ng nagtataka.

Pasimpleng kumindat si jisoo kaya nagets na ng dalawa

"Actually kahapon pa kami nandito"sabi ni nikki

"Oh,nga pala jen invited sila sa wedding mo"sabi ni jisoo

"Si lisa?"sambit ni jennie

Hindi nakaimik si jisoo,bigla nalang umalis si jennie sa harapan nilang tatlo

"Jen"pagtawag ni jisoo pero hindi sya pinansin ni jennie

"Sige na sundan mo na siya. Babalik na kami sa pinag istayan namin baka kanina pa nag hihintay si lisa dun"sabi ni bambam na ikinatango ni jisoo kaya sinundan na nya si jennie.

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon