Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 3

2.5K 74 0
                                        

First Wish

[Beep!]

Tumalsik ako ng di gaanong kalayo.

"Aray ko"sambit ko at pilit akong bumabangon. Masakit yung kaliwang kamay ko at ang likod ko. Kinuha ko yung salamin ko at sinuot

Bigla namang may lumapit sakin

"Nako! Sorry hindi ko sinasadya! Sandali tatawag ako ng ambulansya,nako sorry sandali"tarantang sambit niya at nag mamadaling mag pipindot sa cellphone niya .

Agad kong hinawakan yung kamay niya

"M-ms,wa-wag na kaya ko naman"sambit ko at tumayo ng pilit

"Sure kaba? Mukhang hindi ata ei" sambit niya at hinawakan ang kaliwa kong kamay

"Aray!"sigaw ko kaya agad siyang bumitaw

"Nako sorry" sambit niya at tilang naluluha

"Hindi kase kita nakita eh,nako sorry talaga tara dadalhin kita sa hospital"sambit niya at hinila ang kanang kamay ko pero pinigilan ko siya.

"Ms okay nga lang ako salamat nalang"sabi ko at napatingin sa bike ko.

"Oh my gosh"sabi ko ng makita ko ang bike kong yupi.

Fast forward

Andito ako ngayon sa kotse netong babae. Hahatid niya ako sa apartment ko

"Ahm..babayaran ko nalang yung bike mo,magkano ba bili mo dun? Gusto mo bilhan nalang kita ng motor para mas mabilis?" Sabi niya

"Wag na okay lang"matipid kong sambit

"Ahm. Anong pangalan mo?"tanong niya

"Lalisa,lisa nalang"sambit niya

"Ah ako si Jisoo"sambit niya at nilahad niya ang kanang kamay niya saakin kaya tinanggap ko iyon.

"Lis,lubos na humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. May problema lang kase ako"sabi niya

"Pwede mo bang ikwento saakin?"tanong ko

"Kapag ba kinuwento ko? Kaibigan na kita?" Sambit niya. Kaibigan? Narealize ko na siya ang unang nakipag kaibigan saakin.

Ngumiti ako at tumango

"Okay,ahm.. nakita ko kase yung jowa ko may kahalikang iba at dun mismo sa bahay niya"sambit niya. Nalungkot naman ako.

"Isusurprise ko sana siya kase kakadating ko lang galing Busan tapos ayun ang madadatnan ko?"sabi niya at umiyak na. agad ko naman hinimas yung likod niya.

"At bukas pa naman yung  anniversary namen" omoh sana all. Not related ako damayan konalang

"Alam mo,kung sino yung taong nanloko sayo. Sure akong kakarmahin siya"sabi ko.

"Kahit hindi pa ako nag kakajowa,dama ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon"

"Di kapa nag kakajowa?" Tanong niya

"Oo"sabi ko. Tumawa naman siya
"Anong nakakatawa?"tanong ko

"Oo nga naman sinong magkakagusto sa nerd"sambit niya kaya,nalungkot ako. Tumingin naman siya saakin

"Edi ako"sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Alam mo mas gusto ko pang makipag kaibigan sa mga katulad mo You know why?,para maka kopya ako"sambit niya kaya natawa ako

"Tsaka,mas totoo sila kaya gusto ko makipag kaibigan sa mga katulad mo, hindi ko na ata kailangan dahil nanjan kana. San kaba nag aaral?"sambit niya

"Ahh sa Kim highschool. Actually kakatransfer ko palang dun. At scholar ako dun,galing pa akong thailand"sabi ko

"Woah? Foreigner ka? Wow! Ang swerte ko talaga naka hanap ako ng kaibigan katulad mo"sabi niya at tumawa

"Yan nga,tumawa ka lang. Wag mong isipin ang nakita mo kanina. Dahil kapag inisip mo pa yun lalo kang masasaktan"sabi ko at tumango naman siya.

Inihinto naman niya yung kotse niya agad akong lumabas pero dahan dahan masakit pa yung kaliwang kamay ko.

"Ah lisa,ito nga pala number ko"sabi niya at inabot yung card na maliit

"Labas tayo bukas. Wag kang mag alala treat ko"sambit niya

"Ayt. Sayang may trabaho ako bukas"sabi ko

"Ganun ba?. Hmm kapag free kana okay." Sabi niya. Tumango lang ako at papasok na sana

"Teka!,hayaan mong ihatid kita sa trabaho mo bukas. Tapos bibili na tayo ng bike mo bukas okay ba?"sambit niya

"Oo na cge na,umuwi kana. anong oras na oh,baka hinahanap kana ng mama at papa mo"sambit ko at tumango naman siya at sumakay na sa kotse nya

"Bye lisa!"sigaw niya

"Mag iingat ka!"sigaw ko pabalik at umalis na siya.

---------------------

Andito na ako sa apartment ko at agad akong humiga sa kama ko. Hays! Kapagod! Ang sakit pa ng kaliwang kamay ko.

Bigla kong naalala yung sinabi ni nanay saakin

[FLASHBACK]

"Alam kong hindi kapa nag kakaron ng kaibigan"

"Ang hinihilingin mo ay matutupad"

[End of flashback]

Natupad nga,sana makita ko ulit si nanay para mapasalamatan ko siya

♥|♥
\____/

Ikli ba?

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon