Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 26

1.7K 33 2
                                        

Jisoo Pov

Isang bwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ang aksidente na pagsabog sa café at ang pagkawala ni lisa.

Andito ako ngayon sa bahay at pumunta sa kwarto ni jennie

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at sinilip siya.

Nakita ko syang naka upo sa kama. Nakatalikod siya

"Lisa, bat di ka nag sasalita?..hindi mo ba nagustuhan yung kwento ko?"kinakausap ni jennie yung teddy bear na bigay ni lisa.

Simula ng nawala si lisa ganyan na sya,di na siya lumalabas ng kwarto niya at tumigil na sya sa pagpasok sa kim high.

Maya maya pa narinig ko ang mga hikbi niya

"Hon,magsalita ka naman!*sob*parang baliw nako dito"sambit niya at umiyak

Pumasok ako at nilapitan siya

"Jen"tawag ko sa kanya at umupo sa tabi niya

"Kung nandito ka para sabihin sakin na wala na si lisa pwede ba lumabas kana"seryosong sabi niya habang nakatalikod parin sakin

Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap na wala na si lisa.

"Jen"

"Hon,labas tayo bukas?. Punta tayo sa happy dumpling kakain ulit tayo ng Siomai ha."sambit niya at niyakap yakap pa yung teddy bear

"Jen, ahm kumain kana?"tanong ko sa kanya pero di paren niya ako pinansin

Hays..kung hindi kase namin pinag pilitan na wala na si lisa hindi siya mag kakaganyan.

[Flashback]

(Lisa apartment)

"Lisa,may dala akong pasalubong"sambit ni jennie at nilapag sa lamesa yung dala niya.

Nakasunod lang sa likod niya sila chaeng,jisoo,seulgi,irene at nayeon

"Lisa!"tawag ulit ni jennie

"Jen wal--"mag sasalita na sana si Nayeon

"Ah baka nasa kwarto niya"sambit ni jennie at dumiretso sa kwarto ni lisa

"Hays..ano na ang gagawin naten?"tanong ni seulgi

"Sabihin nalang natin ang totoo na wala na talaga si lisa"sabi ni irene

Lumabas si jennie ng kwarto at pumunta kila nayeon

"Ahm guys,bat wala si lisa dito? Nakita niyo ba siya?"tanong ni jennie

Hindi sila umimik

"Ahh hindi niyo nakita"sambit ni jennie at hinanap muli si lisa

"Jen,wag mo nang hanapin si lisa.diba patay na siya"sabi ni chaeng

"Ano bang pinagsasabe mo chaeng? Ginawa mong patay si lisa"sabi ni jennie at pumunta ulit sa kwarto ni lisa

"Lisa!,hon! Tatlong araw na kitang hindi nakikita! Nasan kana ba?! "

hindi na kinaya ni jisoo na makita si jennie na nagkakaganyan

Lumapit siya kay jennie at hinawakan ang dalawang balikat nito

"ANO BA JENNIE! TANGGAPIN MO NA ANG KATOTOHANAN NA WALA NA SI LISA!"galit na sigaw ni jisoo

Tinanggal naman ni jennie yung kamay ni jisoo sa balikat niya

"Anong katotohanan ang pinagsasabe mo?! Buhay si lisa at yun ang totoo!"inis na sabi ni jennie at akmang aalis na sana ng humarang si chaeng

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon