Continuation

1.2K 33 13
                                    


"Hindi mo ba siya pipigilan?"tanong ni somi kay lisa

Nanatiling nakatingin si lisa kay jennie na di parin tumitigil,napatingin siya sa mga istudyante na iniisprayan ni jennie ng
fire extinguisher.

"Tama na ms.kim!"sigaw ng mga istudyante

"Hindi na po mauulit!"

"Jennie tama nayan!"sigaw naman ni eunwoo at hinawakan ang dalawang kamay ni jennie

"Manahimik ka! Wag kang makisali dito eunwoo.."sabi ni jennie at siniko patalikod si eunwoo. Pagkatapos pinagpatuloy niya ang ginagawa niya

"Jen! Satingin mo matutuwa si lalice pag nakita niya to?"sabi ni eunwoo.

Napahinto naman si jennie at tumingin kay eunwoo

Si lisa naman ay nag lakad na papalapit sa mga istudyante na inisprayan ni jennie at sinenyasan niya ito na umalis na. Agad namang nagsi takbuhan ang mga istudyante

Habang nakatalikod si jennie at nakatingin kay eunwoo hindi niya alam na si lisa na ang nasa likuran niya

"Wala akong pake! Dun na siya sa somi niya!"galit na sabi ni jennie at biglang inisprayan ang nasa likudan niya.

"Jen wag"sabi ni eunwoo

"Lalice!"gulat na sigaw ni somi

"HALA!!"gulat na sabi ng mga natirang istudyante sa canteen

Jennie pov

nabitawan ko ang fire extinguisher at di sinasadyang..

"ARAY!"

Nabagsakan ko si lalice sa paa

Double kill potcha! Lagot.. 

"Lalice!sorry!"sambit ko at inalalayan siya

"Bitawan moko!"sigaw ni lalice at tinulak ako. Pero diko parin siya tinigilan..

Tinulak naman ako ni somi kaya napaupo ako sa sahig.

"Nako!okay kalang ba lalice"sabi ni somi at pinupunas punasan pa si lalice gamit ang panyo. Nagulat ako ng biglang tinulak ni lalice si somi at agad lumapit saakin at inalalayan akong tumayo.

"Bitawan mo ang fiancé ko"singit naman ni eunwoo at tinulak si lalice  ng mahina

"Oh sorry,inalalayan ko lang siyang tumayo"sabi ni lalice at tumingin sakin. Kita ko sa mga mata niya ang pagaalala saakin.

"Problemahin mo yung fiancé mo wag fiancé ko. Halikana jennie"sabi ni eunwoo at hinila nako paalis.

Habang hila hila ako ni eunwoo palabas ng canteen ako naman ay natingin parin kay lalice habang papalayo.

Ng makalabas na kami ay bigla kong tinanggal ang kamay ni eunwoo.

"Yah bat mo tinulak si lalice? Sinabi ko bang tulakin mo siya?"tanong ko sabay taray

"Hay nako...bahala kana jen una nako"sabi ni eunwoo at agad umalis

"Aba..hoy iiwan mo ko dito basta basta bat mo pako nilabas!"sigaw ko

"Edi pumasok ka ulit!"sigaw niya pabalik

"YAHH!! chacha!"inis na sabi ko at sumunod sa kanya

Lalice/lisa Pov

Andito ako ngayon sa bahay naliligo
Dumumi na damit ko ng sprayan ako ni jennie ng fire extinguisher.

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na agad ako at ginamot ang daliri ko sa paa

"Ah"inda ko at dahan dahang nilalagyan ng betadayn(basta yan na yon)  ang sugat ko.

Habang ginagamot ko ang daliri ko sa paa pumasok naman si papa at umupo sa tabi ko

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon