Still lisa Pov
Time Skip...
Andito ako ngayon sa altar kasama si eunwoo.
Nakaupo na sa right side ang Chaesoo,Seulrene,NaJeong. Si mama Gina(mama ni jennie)
Sa Left side naman si lola na nakaupo sa wheelchair si papa,mama,si jimin,bambam,nikki,chanyeol at ang taekook.
Si papa joshue naman ay sinundo si jennie. Kwento sakin ni mama gina pina una naraw siya ni papa joshue dito.
Natatawa ako kanina kase nagulat silang lahat except kay lola,papa,mama,nikki at bambam na nakakalakad nako.
"Pst"
Napalingon ako sa tumawag saakin at si eunwoo naman ito
"Bat?"tanong ko
Bigla naman siyang nanginig.. siguro ninenerbyos nato o nawiwi
"Kinakabahan lang"sabi ni eunwoo at huminga pa ng malalim..
"Kahit naman ako eh"sabi ko.
Dumating na ang pari na mag ba-basbas saamin..
(Sa totoo lang guys wala akong alam tungkol sa kasal kasal nayan.. bata pako eh HAHAHA pagpasensyahan niyo na kung may mga mali)
"Magsisimula naba ang kasal?"tanong ng pari
"Ahh..eh uy eunwoo. Asan ba yung pianist?"tanong ko
"Ay teka.."sabi ni eunwoo at tinawag si chaeng
"Baket?!"tanong ni chaeng
"Ikaw ang mag papiano! Diba!"sabi ni eunwoo
"Ay oo nga pala"sabi niya at humiwalay sa yakap ni jisoo at lumapit sa may piano (wews..)
"Okay na! Sila somi at jennie nalang wala"sabi ni chaeng
"Eun,asan nga pala mama at papa mo? Pati yung mama at papa ni somi?"tanong ko
"Nasa buisness trip di sila makaka attend like somi's parents dahil busy ito sa company.. pero may basbas na nila kame"sabi ni eunwoo.
Nagulat ako ng biglang nag piano na si chaeng ng pangkasal ibigsabihin papalapit na si jennie dito..
"Eunwoo,harangan mo muna ako dali"sabi ko at nag tago sa likod ni eunwoo.
Jennie Pov
"Tara na anak"sabi ni papa at inabot na niya saakin ang bulaklak.
Agad ko yun kinuha at humawak na sa braso ni papa.
Diko alam kung baket ako naiiyak ngayon.. dahil ba sa ikakasal nako sa diko namang mahal o dahil maihahatid ako ni papa sa harap ng altar(basta yon)
Hindi naman masyadong bongga itong kasal namin. Ayoko rin ng ganon noh.. gusto ko simple lang..
[Beautiful in white piano version]
Napatingin ako sa nag papiano at napagtanto kong si Chaeng ito. Hanggang ngayon marunong pa pala siyang mag piano.
Andito na kami sa harap at kita ko na ang pari,si eunwoo at ang chaesoo,seulrene,Najeong,si mama,bamnikki,taekook,jimin,chanyeol,Mino oppa na nakatingin na saakin tsaka meron pa pala
Teka? Bakit nandito ang papa ni Lisa? Teka sino yung isa? Tsaka yung matandang nasa wheelchair? Ahh baka naki attend lang..
Huminto na kami sa harapan ni eunwoo,bumitaw na ako kay papa.
At nginitian siya ng pilit
"Ito na.." nakangiting sambit ni papa
Umupo si papa sa tabi ni mama.
BINABASA MO ANG
My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]
FanfictionLisa is a poor person who supports herself alone. Because of her kindness, an old woman grants her three wishes. What could her three wishes be? Started:july 20 2020