Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 33

1.4K 36 6
                                        

Jennie Pov

Andito na ako ngayon sa kwarto ko at kakatapos ko lang maligo ngayon naka pangtulog nako.

Bigla naman pumasok sa isip ko yung eksena kanina. 

Galit nako kay mino,dahil sa ginawa niya parang wala nakong balak na sagutin siya. Sinaktan niya si lisa!

Si lisa? ay lalice pala,kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya?. Naalala ko naman yung mga pinag sasabe ni lalice kanina

Flashback

"Pwede ba umalis kana dito,pumunta kana sa boyfriend mong duwag"

"WALA KANANG PAKE! KASALANAN NYONG DALAWA NG BOYFRIEND MO KUNG BAT PINAGTATAWANAN AKO NGAYON! GINUSTO NIYO RIN NAMAN TO DIBA!"

"Mukha ba akong okay?,umalis ka nga sa harapan ko! Sundan mona yung boyfriend mong baliw"

End of flashback

Boyfriend?

Iniisip niya bang boyfriend ko si mino?

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pintuan ko at bumungad saakin si jisoo unnie

"Jennie"tawag niya sakin at unti-unting lumapit saakin

"Bakit unnie? May problema ba?"tanong ko,napatingin naman siya sa pintuan kaya tumingin din ako duon. At nakita ko ang lalaking kinagagalitan ko.

Mino Pov

"Maiwan ko muna kayo"sabi ni jisoo at lumabas na ng pinto.

Pagkalabas niya ay sinara niya rin ito
Tumingin ako kay jennie,nakatingin lang naman siya ng seryoso sakin. 

"Anong ginagawa mo dito?"seryoso nyang pagkasabi

"Jen,patawarin moko. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko kanina"sabi ko at yumuko ako

"Bat sakin ka humihingi ng tawad?,ako ba yung sinaktan mo?."tanong niya saakin ako naman nanatili lang naka yuko

"Kay lalice ka humingi ng tawad,hindi kaba nahihiya sa pinag gagawa mo?. Yung sa clinic sinapak mo na siya diba kahit alam mong babae siya! Pero pinatulan mo paren"

"Sorry jen,nagselos lang ako"sabi ko habang nakayuko

"Ahaha,nag seselos ka?.bakit? May tayo ba?. Wala kang karapatan mag selos mino kase walang tayo"

"Pero kahit na jen,kahit walang tayo may karapatan akong masaktan"sabi ko pero naka yuko parin

"Alam mo,nawalan na ako ng ganang sagutin ka"sambit niya na ikinatingin ko sa kanya

"Jen wag ka namang gan--"

"Tumigil kana sa pangliligaw sakin mino,dahil ayoko nang ligawan moko"seryosong sabi niya

"Jen,hindi!. Bakit mo ba sinasabi yan? Okay naman tayo diba? Bat biglang ganyan may iba kabang gusto?"sunod sunod kong tanong sa kanya at lalapit na sana ako sa kanya ng mag salita siya

"OO,may iba akong gusto"sambit niya

Pagkasabi niya nun biglang kumirot yung puso ko ngayon.

Nakaramdam naman ako ng galit

"Sabihin mo sakin kung sino sya"kalmado kong sabi habang nakatikom na yung kamay ko.

Hindi naman siya nag salita

"SABIHIN MO SAKIN KUNG SINO SYA!"sigaw ko

"Si LISA!"sigaw niya rin pabalik sakin.

Napahinto naman ako,lisa? Sinong lisa? Yung ex girlfriend niya ba?

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon