Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 4

2.3K 59 5
                                        

Lisa Pov

Dumating ang araw ng pinaka hinihintay ko. Ang Unang araw ko sa pasukan.

Nag resign muna ako sa coffee shop dahil priority ko ngayon ang pag aaral.

So ngayon kakatapos ko lang mag almusal, at naligo na ako at nag tooth brush at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos kong maligo. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at sinuklayan.

Nang matuyo na ang buhok ko agad ko nang pinusod,diko sinama yung bangs ko hehe.

Sinuot ko na ang favorite yellow jacket ko at kinuha ang salamin ko at sinuot ko ulit.

"Perfect!"sambit ko kinuha ko na yung bag ko at pinatay ang mga ilaw at lumabas na ng apartment.

Pagdating ko sa labas. Kinuha ko yung susi ng bike ko sa bag ko at tinanggal sa kadena ang bike ko.

At sumakay ako at pinidal na papalayo. San kaya nag aaral si jisoo?. Bahala na..

Fast forward

Nang makarating na ako sa Kim high school. Andaming nakatingin saakin pero diko nalang yun pinansin, agad kong pinarada yung bike ko sa parking lot ng mga bike at pinadlock iyon.

Pumunta ako sa locker ko at nilagay ang bag ko. Kumuha lang ako ng isang note book at ballpen at umalis na.

Habang hinahanap ko yung class 1-1 room biglang may bumangga saakin. Kaya napaupo ako sa sahig

"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo,tsk nerd"sambit ng lalake at umalis kasama ang isa niya kaibigan na lalake.

Napatingin ako sa harapan ko ng may naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at inalalayan niya akong tumayo,tumingin ako sa kanya.

"Salamat"sambit ko

"Wala yun,pagpasensyahan mo na yung kupal na asong yun"sabi niya

"Bye"pamamaalam niya sakin at umalis. Kaya pinagpatuloy kong hanapin yung class 1-1 room.

Nang makita ko na ang class 1-1 room ay agad akong pumasok at umupo sa dulo.

Napansin ko naman ang mga mata nila na nakatingin sa akin anong problema ng mga to?

"Nako,may nerd nanaman. Sigurado akong siya ang tatargitin ng mga bully dito"rinig kong sabi ng mga classmate ko rito.

Nakaramdam ako ng takot pero binalewala ko nalang.

May umupo naman sa tabi ko kaya napatingin ako. Lumaki ang mata ko dahil yung katabi ko,yun yung lalakeng nasa bar na nakatitig saakin.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Dito ka pala nag aaral"sambit niya kaya tumingin ako sa kanya na nakatingin rin siya sakin.

"A-ako b-ba?"tanong ko

"Sayo ako naka tingin diba?"sabi niya

Yumuko ako.

"Ah eh..alam mo,mabubuly ka dito"sabi niya

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon