Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Continuation

2K 52 6
                                        

Lisa Pov

Andito ako ngayon sa room at kakatapos lang mag turo ni prof. Nagsilabasan na ang iba

Recess na..nagrereklamo na yung tsan ko. Kaso wala akong pera pambili ng pagkain hays.

"Hindi ka kakain?"tanong ni jeon sakin

"Ahh hindi na, busog pa naman ako ei"ngumiti ako ng peke

"Hmm..okay mauna nako"sambit ni jeon kaya tumango ako at umalis na siya.

Nagulat ako ng biglang may notebook na bumagsak sa lamesa ko.

Napatingin ako sa katabe ko na nakatayo

"Gawin mo yang assignment ko" seryosong sabe niya

"Hindi ka kakain ha,kapag nalaman kong kumain ka malilintikan ka saken"panakot niya saakin kaya tumango nalang ako.

"Mauna nako"sabi niya at umalis.

Nang ako nalang mag isa sa room napasandal nalang ako sa upuan ko at bumuntong hininga nalang.

Tsaka ko na ginawa yung assignment ni ms.kim tsaka yung assignment ko.

Gusto ko na kumain!....

Other side

Nasa canteen si chaeng,jisoo at chaeyoung kumakain.

"Bat kayo nag away?"tanong ni jisoo

"Eh yang babaeng yan! Nilalait ako!"turo ni chaeyoung kay chaeng

"Tsk. Nilalait? Nag sasabe lang ako ng totoo. Jis,ampangit ng boses niya" sabi naman ni chaeng

"Bat ikaw? Kala mo ang ganda ng boses mo!"sabi naman ni chaeyoung

"Pst tumigil kayo!"sigaw ni jisoo kaya tumigil ang dalawa.

"Chaeyoung"tawag ni jisoo

"Bat?/yes?"sabay na sambit ni chaeng at chaeyoung kaya nag katinginan sila

"Yah! Impostora ka!"sigaw ni chaeyoung

"Ano?,wow! Ako yung totoong chaeyoung! Ikaw yung impostora!"sigaw naman ni chaeng

"Ako si CHAEYOUNG!"sabi ni chaeyoung

"Ako si chaeyoung!"sabi naman ni chaeng

Napa palm face nalang si jisoo

"Ako nga si chaeyoung!!"sigaw ulit ni chaeyoung

"Hinde!,ako yon!" Sabi ni chaeng

Hinampas ni jisoo yung table at tumayo tsaka...

"Ikaw si CHAENG! At siya si CHAEYOUNG!" Sigaw niya kay chaeng at tinuro si chaeyoung

Natahimik naman si chaeng,ito naman si chaeyoung tumingin ng mapang asar kay chaeng at umakbay siya kay jisoo..

Lahat ng istudyante sa canteen ay nakatingin na sa kanila

"Nagtatalo kayo dahil lang jan sa Panglan niyong dalawa!"sermon ni jisoo

"Wala namang away na magaganap kung hindi tumigil yang katabi mo!"sigaw ni chaeng

"Pano titigil eh hindi karin tumitigil!"sigaw ni jisoo..

Natahimik ng ilang segundo si chaeng at tinignan ng masama si jisoo pati narin si chaeyoung.

Agad niya hinagis yung tray niya sa lapag,dahilan kaya nagulat ang mga istudyante sa canteen

Tinarayan niya si jisoo at chaeyoung at umalis

"MAGSITABE KAYO!"galit na sigaq ni chaeng kaya nag si tabi ang mga istudyante sa dadanan niya.

My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon