Chapter 8: Liberosis

468 39 3
                                    

"Pasensya na talaga sa napakalaking abala na nagagawa namin sa inyo."

"Hindi... Hindi. Ayos lang... Yun ang gusto ng anak niyo kaya pagbigyan niyo na lang. Hindi siya magiging abala o pabigat sa amin."

Yan ang naririnig ko habang bumababa para magtungo sa kusina. Kagigising ko lang.

"Mas maganda nga rin para magkaroon siya ng kasama o kaibigang babae kasi panay lalaki ang kaibigan ng dalaga namin."

"Ugh...she never had any friends but Trent." Dinig kong komento ng taong nasa likuran ko. Si Keil, na pabalibag pang isinara ang refrigerator.

Sinamaan niya 'ko ng tingin nang makita ako. As usual. Di ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa banyo para makapagmumog at maghilamos.

"Sino ba yun?" Tanong ko kay Keil nang maabutan pa rin siya pagbalik ko sa kusina.

Wala akong napalang sagot. Ipinagsawalang bahala ko na lang din. Most of the time, wala naman akong pakialam.

Binuksan ko ang refrigerator para maglabas ng makakain. Wala namang laman maliban sa stock goods at tubig. Badtrip.

May nakita akong Toblerone kaya kinuha ko. Napansin kong may nakalagay na sticky note at ang nakasulat ay: DON'T DARE TO EAT. POISONOUS. Pero binuksan ko pa rin ang at pumutol ng dalawang triangle rito.

"Seriously?! Do you know how to read?" Ini-expect ko ng ikaiinis niya kapag nakita akong may pinapapak na Toblerone na walang dudang kanya.

"Shit! Anong nangyayari sa'kin?" Kunwaring naalarmang akto ko habang lumalapit kay Kiel, yung tipong papunta na sa pagpa-panic. Exaggerated akong umaktong para bang nabibilaukan na pilit inialabas ang kinain. Kinabig ko siya sa damit para mas lalong mainis. "Help! I'm choking." Kunwaring nahihirapan at nauubusan ng hiningang sabi ko.

"Fuck you. Get off me!" Iritableng pagtataboy niya sa'kin na para bang pinandidirihan pa ako. Grabe yung concern niya, di ko mahagilap.

Bilang kapatid niya na kunwaring mamamatay na dahil sa pagkain ng tsokolateng poisonous daw, hindi ko pa rin maramdaman yung pag-aalala niya pero wala naman akong paki do'n. Enjoyable lang talaga para sa'kin na sirain ang araw niya dahil sa presensya ko.

Patuloy ako sa kunwaring pagka-choke at pilit na idinuduwal hindi lang ang kinain kundi pati ang esophagus kung maari, para lang inisin siyang lalo.

"Anong ginawa mo sa kapatid mo?"

Natigilan ako at napatingin sa nagsalita. Wala sa loob na umayos ako ng tayo para titigan siyang mabuti kung siya nga ito o hallucination lang. Sana mas totoo yung huli.

"Kara?" Di makapaniwalang tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Walang imik itong lumapit nang di pinuputol ang tingin sa'kin. Huminto ito sa harapan ko, kinuha sa aking kamay ang piraso ng nalulusaw ng tsokolate saka iyon kinain. Dinilaan pa ang dalawang daliri niyang nabahiran ng tsokolate.

"Honey, I'm home." Tila nanloloko niyang sambit.

Nagising lang ako sa pagkatulala nang marinig ang reklamo ni Keil.

"Ugh! I'm surrounded by two Luna Lovegoods."

-;-

Wala pang beinte-quatro oras simula nang pumarito si Kara pero yung stress level ko parang nasa panahon na ng paggawa ng thesis sa koliheyo.

Sa kamalas-malasan kasi dito ipinagkatiwala ni Mr. Adriatico ang unica ija niya. Yun daw kasi ang gusto ni Kara nang tanungin niya ito kung saan siya tutuloy dahil aminado siyang wala rin siyang magiging oras para sa anak.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon