Chapter 2: Semaphorism

685 49 7
                                    

"Pagkatapos mong maglaba, pwede na ba tayong lumabas?" Tanong ni Leigh mula sa kabilang linya.

"Sabado ngayon―"

"Walang pasok."

"Pero marami akong gagawin. Naglalaba ako at may pupuntahan pa mamaya pagkatapos dito." Sagot ko habang pinagmamasdan ang pag-ikot ng tubig at bula sa loob ng washing machine.

"Ba't kasi kelangan pang maglaba?" Reklamo niya.

"Para may maisuot." Pakli ko. "Hindi ako kagaya mo Leigh na kahit hindi maglaba ng ilang buwan, may isusuot pa rin. At isa pa, wala kaming tiga-laba, 'di gaya mo, sixteen ka na, ibang tao pa rin naglalaba ng undies mo. Di ka ba nahihiya Leigh? Kung wala kang magawa, edi maglaba ka rin."

Bigla kong naalala na malapit na pala siyang mag-seventeen.

"Bwisit ka. Sungit!"

"Sige, 'maya na lang."

"Eh, mamaya may pupuntahan ka diba?"

"Edi sama ka sa'kin." Alam ko namang hindi siya papayag dahil 'di kami pareho ng trip.

"Mn. Text mo na lang ako pag tapos ka na. Ihahatid kita do'n."

"Wala akong cellphone." Tanga lang. Kaya nga itong wireless telephone lang ang paraan para ma-contact niya 'ko rito sa bahay.

"Lahat na ng tao may phone, ikaw na lang ata wala." Reklamo niya.

Pinatayan ko na lang siya ng tawag para magtigil na.

Hindi ko mai-label ang estado ng pamumuhay namin pero si Leigh ay walang dudang napapabilang sa itaas ng tatsulok. Isang Woman Entrepreneur at Philantropist ang mommy niya. Ang ama naman niya ay galing sa kilalang pamilya rito sa lalawigan namin. May pagmamay-ari silang universidad dito. Kaya asahang hindi kilala ng kamay ni Leigh ang mga sabong panlaba.

Pumasok ako sa bahay para ibalik ang telepono sa dati nitong kinalalagyan at saka na ipinagpatuloy ang ginagawa habang pinag-iisipan kung ano talaga ang kukuning kurso.

Nang matapos sa labahin ay sarili naman ang nilinis. Pagkatapos magbihis ay deretso na agad sa baba nang di man lang nananalamin. Wala ng ayos-ayos. Gano'n pa rin naman mukha ko kahit anong gawin ko.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko si Leigh na naka-upo sa sofa habang nanonood ng palabas sa TV. Feel at home si ateng.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko matapos sumalampak sa tabi niya.

"Di naman." Nahiga sa sofa at iniunan ang ulo sa hita ko.

Bigla naman akong tumayo para lubayan siya. Nauntog tulog siya sa ginawa kong 'yon, mabuti na lang at kutson ang laman ng leather na sofa.

"Abala ka sa buhay ko."

"Nandito nga ako para ihatid ka." Tumayo na rin siya habang hinihimas ang sentido. Wala naman siyang naging reklamo sa ginawa ko. "Tara na nga." Nanguna na siyang maglakad palabas. Di na 'ko nagsalita pa at sumunod na lang din.

"Bye tita. Bye kuya Keil." Paalam niya nang madaanan si mama na busy sa pag-aayos ng inventory files sa botika at sa kuya kong si Keil naroom din sa sala at abala sa pag-scroll ng phone.

"Sige. Mag-ingat. Wag magpagabi." Bilin ni mama nang hindi man lang kami nililingon.

"Bye." Walang tinging sabi naman ni Keil. Alam ko, para kay Leigh lang ang responds na yun. 'Enjoy your accident' or 'Ingat sila sayo' ang madalas niyang sabihin sa'kin tuwing magpapaalam akong aalis kaya hindi na 'ko nagpapaalam tuwing andiyan siya.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon