Chapter 10: Café Noir

504 37 1
                                    

Tanghali na 'ko nagising. Ayos lang. Ala-una naman ang simula ng klase ko ngayong araw at isang subject lang: Physical Education.

Lekat. Hectic yung class schedule ko ng lunes hanggang miyerkules pero pagdating ng huwebes isang subject lang. Bakit di na lang nilagay yung ibang subjects para sa araw na 'to? Bangag yata yung gumawa ng timetable namin.

"What's the matter?" Tanong ng isang boses na alam kong pagmamay-ari ni Kara. Nagtataka siguro kung bakit di pa rin ako bumabangon samantalang kanina pa 'ko gising.

"Matter is anything that occupies space and has mass." Walang tinging sagot ko sa kanya, sa kisame ako nakatitig habang nananatiling nakahiga. Bigla akong napabangon nang mapagtanto ang oras. Natagpuan ko siya sa usual niyang inuupuan, nakadamit pambahay. "Bakit ka pa nandito?" Exaggerated kong tanong.

"Kasi wala ako do'n?" Kibit-balikat niya.

"Hindi ka ba pumasok? Ba't nandito ka?" Tanong ko ulit.

"Nag-halfday. Masama pakiramdam ko e." Sagot niya pero habang tinitingnan ko siya ngayon mukhang okay naman siya.

"Kelan ka ba aalis dito?" Tanong ko. Pagka-graduate kaya niya nandito pa rin siya?

"Kapag magkapares na ang medyas ko."

Napatingin ako sa paanan niya. Sa kanang paa ay nakasuot siya ng blue and white striped na medyas, sa kabila naman ay Spongebob printed ang design.

Ngayon ko lang na-realized na never ko pa siyang nakitang nagsuot ng magkapares na medyas. Pati kapag naka-school uniform siya, black and white ang suot.

"Nagkakape ka ba?" Wala sa paksang tanong niya. "Gusto mo igawa kita?"

"Hindi."

"Saan mo sagot 'yon? Sa question number one or question number two?"

Napabuntong hininga na lang ako. Pa'no ko kaya siya natagalan gayong napaka-weirdo at unpredictable niya?

"Lumabas ka pag magbibihis ako." Bilin ko bago lisanin ang kwarto upang magtungo sa ibaba.

-;-

Hindi maiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing mga ganitong scenario; Ang makakita ng nagliliparang bola sa ere. Kinakabahan talaga ako tuwing P.E. Hindi dahil sa terror ang instructor, kundi dahil sa pagiging praning na baka matamaan ako ng bola.

Nakaupo lang ako sa bleachers at pinapanood ang mga kaklase kong naglalaro ng volleyball. Bigla namang may umupo sa tabi ko. Classmate ko siya pero di ko kabisado ang pangalan.

"Nikayela!" Bulalas niya habang nagpupunas ng pawis gamit ang facetowel. Tiningnan ko lang siya at nginitian saka muling ibinalik ang paningin sa mga naglalaro ng volleyball.

"Hindi ka maglalaro?"

"Ayoko."

"Eh pa'no yung grade mo rito? Dapat maglaro ka at matuto kahit mag-serve man lang."

"Mabait si Ma'am. Ipapasa ako niyan." Sagot ko habang sinusubaybayan sa paglalaro ang bakla naming kaklase na sa pagkakaalala ko ay Ren ang pangalan. Animality. Ba't mas magaling maglaro 'yong baklang 'yon kaisa sa'kin? Sana tuwing huwebes, ako na lang siya.

"Pero sayang pa rin yung grade mo. Malaki ang points sa practicum."

"Ravena. Nasa'n si Ravena?" Tanong ng aming P.E. instuctor sa mga ka-klase ko habang iniikot ang paningin sa buong school gym.

"Ma'am!" Sigaw ng katabi ko na itinaas pa ang isang kamay, animo'y magre-recite at saka ako itinuro. "Heto po siya."

Humarap sa'min ang instructor. "Hindi ka pa naglalaro Ravena."

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon