Chapter 3: Samaritan

600 47 2
                                    

"Yay! Teacher Keyla"  Masayang sigaw ng isang batang may down syndrome habang itinuturo ako na kasalukuyan ngayong naglalakad patungo sa playground na kanilang kinaroroonan.

"Hello. Na-miss ko kayo. Ako ba, na-miss niyo?" Nakangiting tanong ko. May lumapit sa'king isang batang babae, mga nasa edad siyam o sampu at may down-syndrome. Hindi ko inaasahan ang pag-akap niya sa'kin.

"a mishu cher Keyla. Sana everyday ikaw dito." Nabubulol na sabi niya habang naka-angat ang ulo para tingnan ako.

Hindi nila maibigkas ng maayos ang 'Nikayela' kaya nakakatuwang 'Keyla' ang tawag sa akin karamihan ng mga bata rito. At may 'cher' dahil sa pinaikling 'Teacher', kasi ang akala nila gaya ako ng mga SPED teachers na nagtuturo sa kanila, pero volunteer lang ako rito. Tumutulong ako sa pagtuturo sa kanila ng lesson nila at minsan pagtuturo ng mga simpleng gawaing bahay gaya ng pagwawalis, paghuhugas ng pinagkainan at pagtupi ng sariling damit --sa madaling salita, mga gawain ng normal.

"Playtime nila kaya andito sila ngayon."  Nakangiting sabi ni Ma'am Rina sa'kin habang binabantayan ang pag-si-seesaw ng dalawang bata.

"Ah." Sagot ko na lang.

Lumapit ako sa isang bata na  nagngangalang Justin. Isa siyang Autistic. Mag-isa lang siyang nakaupo sa isang pinasadyang log-bench at nakatakip ang dalawang palad nito sa kanyang magkabilang tainga habang pailing-iling ng ulo.

"Hello Justin." Malumanay na bati ko sa bata habang tinatabihan siya sa kinauupuan.

"Hello." Bati rin niya nang hindi inaalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang tainga.

"Are you just gonna sit there?" Tanong ko sa kanya. Englisero kasi 'tong batang 'to. Hindi siya nagsalita. Tiningnan lang ako at umiling.
"Don't you like to play with them?"

Tumingin ulit siya sa'kin. "Noisy."

Tumango na lang ako at saka siya nginitian.

Inalis niya ang kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang mga tainga at saka tumayo sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang pinipilit din akong tumayo kaya tumayo na rin ako. Hinila niya 'ko papasok sa backdoor ng building ng Livinglights. Habang hila-hila niya 'ko ay napalingon ako sa veranda ng estraktura at nakita roon ang mommy at daddy ni Jackson at pati mismo siya. Anong ginagawa nila rito?  Kung ang parents lang ni Jackson ang nandito, maiintindihan ko pa. Marahil ay nag-donate sila kaya sila andito. Pero si Jackson? Ba't naman sasama pa siya sa mga parents niya para lang bumisita sa isang  school-homecare para sa mga batang special? At ba't naman isasama pa siya ng parents niya rito? Kung may lakad naman sila at nagawi lang sila rito saglit, pwede namang maiwan na lang siya sa sasakyan at hintayin na lang sila.

Medyo nakapagtataka.

Ibinalik ko ang atensyon sa batang humihila sa'kin. Sa backdoor ng building ako dinala ni Justin. Dito ay may daan papuntang classroom ng mga bata kung saan sila tinuturuan sa kanilang lesson at hagdan naman sa kanan papuntang second floor kung saan matatagpuan ang parang sala ng pangalawang palapag. Nagtungo kami sa second floor at itinuro niya ang piano na nasa sulok.

Lumapit siya roon at tinap ang takip. "Open." Demand niya sa'kin.

Lumapit ako at iniangat ang fallboard ng piano. Umupo naman siya sa upuan at humarap sa'kin. Kinuha ang dalawang kamay ko at itinakip niya ito sa kanyang magkabilang tainga saka muling ibinalik ang atensyon sa piano. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang.

Nagsimula na siyang tumugtog. Claire de Lune. Nakakabilib ang ginagawa niyang pagtugtog. Para talaga siyang isang professional na pianist. Nakakabilib. Ngayon ko napag-alaman na ito ang kagalingan niya. Bigla kong naalala si Trent. Marunong din yun sa pagpiano. Tinuturuan nga niya 'ko noon.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon