"Oh. My. God. Say something please."
Sa paraan ng pagkakasabing iyon ni Erin, hindi ko alam kung nanggigigil, naiiyak o hiyang-hiya siya dahil sa nagawa.
Hawak ko pa rin ang phone niya at poker faced na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa hawak.
Sa itsura, mukhang ito na ang end of the world para sa kanya.
"Bakit mo ba pinabasa sa'kin 'to? Iniinggit mo ba 'ko?"
Napabuga siya ng hangin, napasabunot sa buhok at inirapan ako bago talikuran.
Ilang sandali lang ay muli din naman siyang humarap sa'kin. "Because I thought you're gonna help me." Pasigaw niyang bulong.
Ganito ba talaga 'to mag-panic? Ingrata pa rin.
Muli akong napatingin sa phone niya upang basahin ulit ang nai-sent niyang message sa lalaking hindi ko kilala.
"I want you to put your mouth on my..." Napailing na lang ako at iniwasang sabihin ang kasunod na salita. "I want to feel you ins--"
"Ghad! Stop reading it out loud!" Pasigaw ulit niyang bulong at mukhang nangigigil na talaga.
Poker-face ulit akong napatingin sa kanya. "Kung hindi ka rin naman tanga na magko-compose ng ganitong klaseng message at walang guts na i-send sa pontio pilatong kinababaliwan mo. Tapos kapag nai-send mo accidentally, sa'kin ka lalapit? Close ba tayo? At kung sakali man, pa'no kita matutulungan?"
"I thought you're smart. Ikaw bahalang mag-isip."
"Problema mo 'to Erin." Sapilitan kong ibinalik sa kanya ang phone na tila ayaw na niyang mahawakan.
Bumalik ako sa pag-aabang ng masasakyang bus pauwi. Biyernes na naman at araw ng pag-uwi. Isang linggo na lang talaga at graduation na. Hindi na 'ko makapaghintay na wag makita mga ganitong klase ng tao.
Hindi raw ako masusundo ni papa ngayon kaya makisakay na lang daw ako kay Leigh. Nasanay na yatang lagi akong isinasabay ng FC kong kaklase kaya umasa na. Kaso buong linggong wala si Leigh kaya wala akong maasahan ngayon. Kailangan ko talagang mag-commute.
"Help me please." Muli akong napalingon sa nagmamakaawang si Erin.
Pukang ama talaga. Bakit ba ako lapitin ng problema ng ibang tao? Problemang napakadali namang i-handle.
"Kilala ka ba no'ng lalaki?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang pontio pilatong pinadalhan niya ng...invitation message na sa tingin ko nama'y na-appreciate no'ng lalaki.
"No."
"Yun naman pala e. Anong pinoproblema mo?"
"Duh. Do you even know Instagram? Kahit hindi niya 'ko kilala personally, malalaman din niya kung sino ako. Because I DMed him using my personal Insta account. Everyone knows I'm the daughter of Celine Rey."
Yung screen name ng mommy niyang artista, tunog 'Celery' pa rin sa pandinig ko.
"Okay. Tapos?" Tugon ko na lang na kunwaring may pake.
"He might use that message against me or my mom for the sake of his popularity."
Gusto kong huminga ng malalim, mag-concentrate sandali at saka sapakin 'tong feelingerang ingratang nasa harap ko.