Chapter 4: Rückkehrunruhe

595 46 2
                                    

"You're a candidate for being an Outstanding Student." Paliwanag ng school director na si Mr. Adriatico. "Pero halos lahat ng faculty, nag-object ..."

Blah...blah...blah...

Narito ako ngayon sa opisina niya. Sa lahat ng kanyang sinasabi ay walang rumirehistro sa utak ko dahil sa isiping biyernes ngayon. Atat na 'kong makauwi.

Sa isang boarding high school kasi ako nag-aaral. Kada weekend lang kami pwedeng umuwi. Kaya naman kada biyernes, di magkandaugaga ang mga estudyante. Parang mga presong alam nang lalaya na.

Kahapon pa lang, naka-impake na 'ko (asahang panay mga maruming damit na kailangang iuwi para labhan.) Pero yung excitement kong makauwi ngayon, unti-unting nagsa-subside dahil sa pagtambay ko rito sa opisina ni Mr. Adriatico. Ewan ko ba kung bakit ako in-excuse kanina sa klase dahil ipinatawag dito. Dalawang linggo na nga lang ang natitira, mukhang ayaw pa rin akong tantanan ng school director na 'to.

Naalala ko noong unang pumasok ako rito sa opisina niya kasama ang dalawang kapwa ko trasferees din mula sa ibang eskwelahan. Hindi maalis ang tingin sa'kin ng school director no'n at tinanong kung anak daw ba ako ng nakalakihan kong magulang dahil kamukhang-kamukha ko daw ang nawawala niyang kapatid.

Inakala niyang anak ako ng kapatid niyang matagal ng hindi nagpapakita sa kanila. Inakala ko ring baka may sakit siya sa mga oras na yun at denideliryo o kaya'y nalipasan ng gutom at nakunsumisyon sa trabaho.

Tatlong taon na pala ang nakararaan. Hindi ko akalaing makakatagal ako rito. For the record, dito sa eskwelahang ito lang ako pumirmi ng ilang taon.

Kasinggulo ng records ko bilang estudyante ang utak ko. Nasubukan ko na ang private, public, montessory, integrated at catholic school. Hindi ko naman yun naging problema pero problema ng magulang ko.

Dito sa eskwelahang kinalalagyan ko ngayon; ang EliteWay School ay isang boarding school para sa mga batang gifted daw. Dito ay hinahasa ang bawat kakayahan ng mga estudyante at tinututukang mabuti sa pag-aaral. Pagkatapos gumugol ng oras sa paaralan ay diretso sa kanya-kanyang dormitoryo. Kada weekend lang pwedeng umuwi, pwede rin naman kung may valid reason gaya ng  pagkakaroon ng nakakahawang sakit o family matters.

Sa tatlong taon kong pamamalagi rito, hindi ko masasabing para nga sa mga batang talanted at matataas ang IQ ang eskwelahang 'to.

Kaklase ko ang may blower sa utak na anak ng mayor, mean girl na anak ng sikat na aktres, anak ng Raja na nasa loob pala ang kulo at kung sino-sino pang mga batang kailangang itago muna rito bago magkaroon ng ambag sa lipunan. May mga kaklase rin naman kaming sakto lang ang pamumuhay pero may ibubuga naman ang utak. Naging kaklase rin namin ang anak ni Mr. Adriatico pero wala na siya ngayon dito.

Bukod sa para ngang kulungan ang siste e nakakabaliw ding makitungo sa kanila.

Mas matanda ang mga kaklase ko sa'kin ng isa o higit dalawang taon pero kung umasta parang mga batang nasa isa o higit dalawang taon pa lang. At sila ang tipo ng mga taong hindi yata naging problema ang pera pero samu't-sari ang issue sa buhay.

"...Hindi ka raw right model. Ikaw daw ang promotor ng vandalism dito. Minsan ka daw nahuliang may kodigo sa Geometry. Kinukwestyon mo daw madalas lahat ng tinuturo sa inyo ..." Sa dami ng pinagsasabi ni Mr. Adriatico ay wala na 'kong matandaan maliban sa mga salitang daw at raw.

"...Ikaw daw ang may pinakamaraming nilabag sa rules and regulations dito."

Napatango na lang ako nang sa wakas ay hindi na nasundan pa ang sinasabi niya. Hindi ko na matandaan kung bakit niya inisa-isa ang mga maling nagawa ko rito pero sa tingin ko ay may kailangan akong sabihin kaya magsasalita akong hindi nag-iisip.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon