Chapter 13: Bedazzled

454 33 1
                                    

Sembreak.

Hindi kailangang gumising ng maaga para sa schedule na hindi naman nasusunod talaga. Hindi ako mapipilitang kumain ng mga sunog na agahang luto ni papa. May panahon ako para sa mga hobby kong walang kwenta.

"Anong kaso mo?" Dinig kong tanong sa'kin ni Kara na hindi ko naman binigyang pansin. "Ba't ka nagkukulong dito sa kwarto mo?"

"Anong sabi sayo ng tatay mo?" Hindi dahil sa may pakialam ako kun'di dahil sa hindi ko alam ang paliwanag para sa sinabi niya kaya ako na lang ang nagtanong para sa kanya mapunta ang usapan.

Kababalik lang niya ng bahay galing sa pagbisita sa ama niyang nasa trabaho pa rin bilang school director kahit sembreak na.

"Hindi daw ako makakauwi ngayon ng Argentina kasi one week lang naman daw yung bakasyon. Sayang lang daw ang ticket."

Sa pagkakasabi niyang 'yon ay di man lang siya mababakasan ng disappointment. Hindi siya pinayagang makauwi sa homeland nila pero di man lang binigyan ng ganansyang makapagbakasyon sa ibang lugar 'tong nag-iisang anak ni Mr. 'Nalipasan Ng Gutom'.

"It's a tie." Wala sa loob kong biro. "Staycation din ako ngayon."

Bagamat si Keil ay lumipad na ng Australia para makapagbakasyon sa mga lolo't lola naming parents ni mama. Hanep din naman 'yong maternal grandparents namin, parang si Keil lang talaga 'yong kinikilalang apo at siya lang itong in-sporsor-an ng two-way ticket. Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Lumaki ito sa kanila kaya hindi nakapagtataka kung bakit siya ang naging paboritong apo - kasi naalagaan nila noon. At pasalamat talaga si Keil kasi in good terms na sila lola at mama kaya napapayagan na siya ngayon.

Ano bang special kay Keil maliban sa pagiging basic bitch?

"Nagbigay pala ulit si papa para sa pag-stay ko rito," Wika ni Kara matapos maupo sa sahig at sumandal sa gilid ng kamang kinahihigaan ko ngayon. "binibigay ko sa parents mo kanina pero ayaw naman tanggapin. Pinapasabi na lang kay papa na salamat na lang daw."

Napaka-ipokrito at impraktikal naman ng magulang ko. Patayuan ko sila ng tig-isang rebulto eh. Wala namang mali sa pagtanggap nila ng pera. Dito nakikitira si Kara at nangongonsume ng pagkain, tubig, kuryente pati ng peace of mind ko kaya dapat lang na magbigay sila ng kapalit na bayad. Wala ng libre ngayon. Hindi naman charitable institution 'tong bahay namin-- nila Keight pala.

"Ako na lang tatanggap kung ayaw nila."

"Igro-grocery ko na lang para dito sa bahay." Tumayo na ulit siya. "Siguro naman hindi na nila 'yon matatanggihan."

"Bakit ba napakabubuti niyong nilalang?" Sambit ko sa hangin. Idinantay ko ang kanang braso sa ibabaw ng noo at pumikit para magpahinga.

"Hindi ka ba sasama sa'kin?"

"Bakit?" Hindi naman siya disabled para mangailangan ng kasama.

"Hindi ka ba nabo-boring dito?"

"Marami akong gagawin."

"Sabi ng mama mo, hindi ka daw mahilig makihalubilo sa tao no'ng bata ka. Ayaw mo daw lumabas. Ayaw mo daw makipaglaro sa ibang mga bata kaya wala kang kaibigan."

"At least hindi ako umuuwing amoy araw, nanlalagkit o kaya may sugat."

"Until now, parang gano'n ka pa rin." Akala ko umalis na siya pero di nagtagal ay may narinig na naman akong salita. "No'ng bata ka raw, meron kang OCD at mild Attention Deficit disorder. Wala ka daw natatapos basahing libro kasi hirap ka daw mag-concentrate sa isang bagay. Ayaw mo daw mag-painting hanggat di ka pa nakapaglalaro ng Lego. Tatlong beses mo daw tinatali ang bawat shoelace mo, limang beses kang maligo sa isang araw at lagi ka raw naghuhugas ng kamay ..."

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon