Chapter 5: Ellipsism

767 49 11
                                    

Napatingala ako sa arc na nasa bungad ng compound na kinaroroonan ngayon.

CLEAR MEADOWS RECOVERY HOME

Hanep ang pangalan ng lugar. Parang sa isang botanical garden lang ako papasok. Hindi halatang rehabilitation para sa mga kabataang kailangan ng tulong kuno.

Matapos intirugahin ng security personnel ay pinayagan na rin akong makapasok sa loob. Hindi na masyadong nagtagal pa ang pagsisiyasat dahil sa ilang beses nang pagdalaw dito kaya kabisado na ni manong guard at ni ate sa front desk.

Napakalawak na luntiang kapaligiran ang sumalubong sa paningin ko. Parang parke dahil sa nagkalat na puno at bench sa buong paligid. Sa isang banda ay may mga sementadong mesa at upuan na sinadyang palaruan ng kung ano-anong board games. Sa pinakadulo ng compound matatagpuan ang rehabilitation facility na aakalaing mansyon dahil sa laki at istraktura.

Sa di kalayuan ay natanaw ko agad ang pakay. Dahil sa ayos niya ngayon, hindi ko alam kung tumitino ba siya o baka dahil sa sobrang bored ay trip subukan ang lahat ng fashion get-up.

Noong nakaraan, grunge style ang outfit niya. No'ng huling dalaw ko naman, naka-hippie style siya. Ngayon naman, hindi ko alam pero para siyang birheng iaalay sa bulkan para hindi pumutok.

Naka-gladiator sandal na kulay brown, white summer style sundress, one-sided messy braids ang ayos ng buhok at pinatungan pa ang ulo ng parang koronang gawa sa mga bulaklak. Kung titingnan ang aura niya ngayon, parang napaka-inosente niyang dalaga. Malayong-malayo sa wicked Kara na kilala ko.

Nang makalapit ako sa kinauupuan niyang bench ay huminto ako sa tapat niya.

"Do you wanna stroke my pussy?"

Hindi pa 'ko nakakapagsalita ay umurong na agad ang dila ko dahil sa ibinungad niyang tanong. Ngunit agad din namang nalinawan nang alisin niya ang fedora hat na nakapatong sa hita at ini-reveal nito ang itinatagong kuting. Literal.

"This is my new pet. I call her Pussy."

Alanganin akong napangiti at hindi alam ang sasabihin. Mukha lang siyang inosente ngayon sa ayos pero lokaret pa rin.

"Sa'n mo naman nakuha?" Unang katanungang pumasok sa isip ko.

"Ano, may dala ka?" Tanong din niya na parang hindi narinig ang sinabi ko upang di mabigyan ng pansin.

"Anong dala?" Sa kabila ng hesitasyon ay mas pinili kong umupo sa kinauupuan niya pero hindi sa kanyang tabi.

Kahit nasa iisang bench ay sa magkabilang dulo ang pwesto ng upo namin na para bang hindi magkakilala.

"Yung alam mo na." Sagot niya.

"Ano nga yun?" Pagtataka ko. Wala naman akong natatandaang ibinilin niyang dalhin ko.

"Yung ticket papuntang langit?" Patanong niyang sagot.

Napakunot noo ako. Dapat na ba 'kong kabahan? Mukha kasing mas natutuluyan na siyang mawalan ng katinuan dito kesa no'ng kaklase pa namin siya.

"Yung isa sa mga dahilan kung bakit nandito ako." Wika ulit niya.

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Mukhang hindi siya nagbibiro nang tingnan ko siya.

"Ano ba naman yan Nikayela," Tila nagrereklamong saad niya. "Don't tell me, iniisip mong nami-miss kita kaya kita pinapunta rito?"

"Ha?" Naguguluhang response ko habang pinoproseso pa rin ng isip ko ang lahat ng pinagsasabi niya.

"Pinapapunta kita rito kasi gusto kong dalhan mo 'ko no'n. Ano? Nakapuslit ka ba?"

"Gago." Singhal ko nang mapagtanto kung ano ang kanyang tinutukoy. "Sa'n naman ako kukuha no'n e hindi naman ako adik."

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon