Chapter 9: Pontificate

630 41 6
                                    

Napilitan akong bumangon sa kama matapos patayin ang maingay na alarm clock na nasa bedside table.

5:03 am

Mamayang alas siete pa ang simula ng klase ko pero nakakainis na kailangan kong bumangon ng dalawang oras bago ang klase pero kahit anong gawin ko, late pa rin.

Lekat!

Mag-iilang buwan na si Kara rito pero pakiramdam ko pa rin ay aatakihin ako sa puso sa tuwing nakikita siyang prenteng nakaupo sa upuang narito at walang emosyong nakatitig sa'kin.

"Yang tingin mo sa'kin parang may plano kang patayin ako." Ani ko matapos bumangon.

Sobrang aga niyang magising kaya lagi siyang nauuna sa'kin. Basta pagbangon ko ay nakaligpit na ang higaan niya at nakikita ko na lang siyang nasa upuan, tahimik, walang ginagawa, naka-cross arms at para bang inaabangan akong magising kaya naman nakakagulat talaga dahil parating gano'n ang bumubungad ngayon sa bawat umaga ko.

Hindi kami magkatabing natutulog. Sa sahig ko siya pinapahiga. Hindi naman sa kinakawawa ko siya pero hindi kami pwedeng dalawa sa kama ko kasi single-sized lang ang higaan ko. Dibale, ang sabi naman niya nag-eenjoy siya sa higaan niya dahil feeling niya daw parang nasa camping. Sa sleeping bag kasi siya natutulog, dala niya yun no'ng umuwi siya rito.

"Hindi ko nga kayang pumatay ng langgam." Walang emosyon niyang sabi sa garalgal na boses.

Hindi ko na lang siya pinansin. Lumabas na 'ko matapos ayusin ang higaan. Two step at a time ang pagbaba ko sa hagdanan saka tatalon pagdating sa huling baitang -- Noon, ganyan ang ginagawa ko para magising ang dugo sa umaga. Ngayon, pagkagulat na kay Kara ang parating simula ng araw ko.

May nakahanda ng agahan sa lamesa, alam kong niluto ito ni papa bago umalis. Medyo kakaiba kasi rito sa bahay kasi ang madalas maghanda ng almusal ay ang aming padre de pamilya na trying hard pagdating sa gawaing kusina. Ang paghahanda ng agahan ay nakaugaliang gawain ng ilaw ng tahanan, pero dahil insomniac si mama at madalas sa umaga na niya nakukuha ang tulog kaya di siya pwedeng gisingin ng ganitong oras. At kahit pa di na kami mga bata para kailanganin pang paghandaan ng almusal ay ginagawa pa rin ito ni papa. Ang kuya ko naman, sa tanghali pa ang simula ng klase. Hanep, parang schedule ng may hang-over.

Cereals na lang sana ang kakainin ko kaso mapipilitan na naman akong kainin ang sunny side up na sunog ang gilid, sunog ding hotdog at sinangag na para ng pinipig.

Hindi ba alam ng mga kasama ko rito na malapit ng mag-expire yung dalawang box ng cereals na narito? Bakit hindi na lang ako hayaan ni papa na yun ang almusal? Bakit kailangan kong mag-suffer every morning para kumain ng sunog?

Masyadong concern si papa pagdating sa pagkain ko, kailangan daw magkanin ako tuwing umaga kasi seven to seven ang klase ko (ng lunes hanggang miyerkules.) Hindi ba niya naisip na effortless kung yung cereals at fresh milk na lang ang i-ready niya para sa almusal? At hindi rin ba niya alam na nakaka-cancer ang sobrang pagkain ng carbon? Sunog parati ang luto niya at nagiging carbon ang mga sunog na parte niyon. Animality. Mas papatayin niya 'ko sa ginagawa niya e.

"Your father is so thoughtful." Wika ni Kara na patungo ngayon sa banyo. "He always prepares breakfast for us."

"My father is a killer." Pakli ko habang ipinipilit sa sistema ang niluto niya. Kailangan kasi may laman ang tiyan ko kasi magti-take ako ng Mefenamic Acid dahil sa lintik na dysmenorrhea.

Si Kara ang unang gumagamit ng banyo para maligo habang nag-aagahan ako. Pagkatapos niya ay ako naman ang susunod sa banyo saka naman siya kakain pagkatapos magbihis.

Nang makaligo ay nagsuot na lang ako ng itim na skinny-jeans at tee shirt na may naka-imprintang drawing na mukha ni John Lennon at nakalagay din dito ang lyrics na 'You may say I'm a dreamer but I'm not the only one' at yung classic Converse na lang din ang gagamitin ko. Hindi ako mag-uuniform kasi nga rumaragasa ako ngayon, baka makagawa ako ng Japanese flag kasi puti ang overall uniform ko bilang Biology student.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon