32 [Kelsey]

320K 11.6K 639
                                    

/KELSEY/

***

Bumangon na ako sa kama ko bago pa ako mabalot ng yelo. Nasanay na siguro 'yung katawan ko na gumising kapag nakakaramdam ng lamig. Pero nagising 'yung diwa ko nung narinig ko ang sigaw nung dalawang Tanda sa kwarto nila.

"Ano 'yun?"

Nagising rin si Miles dahil doon at sabay kaming lumabas ng kwarto. Nung nasa hallway na kami ay nakatulala lang 'yung dalawang Tanda at muntik na rin akong mapasigaw sa nakita ko.

The color of their eyes...is slowly changing.

Kahit na black or dark brown pa rin mostly ay may nakikita akong parang violet tint na kumakalat sa mata nila. Kahit na nakita ko na 'yung purple eyes ni Leader ay naaamaze and natatakot pa rin ako. Tapos ngayon, 'yung dalawang Tanda ay nagiging ganun na rin ang mga mata.

"God! Kinikilabutan ako!" sigaw ni Ash Tanda habang nakahawak 'yung kaliwang kamay niya sa railings at 'yung kanan ay sa ulo niya.

"Ang creepy! Ugh! Nakakahilo..."

Nagkatinginan kami ni Miles at pareho lang kaming napanganga. That eye-color-change is really awesome, yet creepy at the same time.

Lumabas din si Leader at una kong chineck ang mata niya. Medyo nagiging dark purple na 'yung kulay ng mata niya, habang 'yung sa dalawang Tanda ay light...parang lavender.

'Bumaba na kayo rito.'

Narinig ko 'yung boses ni Gramps sa isip ko at agad-agad naman kaming bumaba sa basement. Pagdating namin doon, halos mapatakbo ako nung nakita ko kung ano ang nasa paanan ni Gramps.

'Yung weapons namin!

"Maaari niyo nang kunin ang mga 'to."

Pagkarinig ko nun ay talagang nakipag-unahan ako sa kanila. Nung nahawakan ko 'yung chain whip ko ay feeling ko maiiyak ako. Isang linggo ko na 'tong hindi nahahawakan o nasisilayan man lang. Grabe. Namiss kita, buddy!

"Mukhang nasa unang stage na kayo," narinig kong sabi ni Gramps doon sa dalawang Tanda, then lumingon siya sa amin ni Miles. "At malapit na kayo."

Nung narinig ko 'yun kay Gramps, natulala lang ako. Ibig sabihin, magbabago rin ang kulay ng mga mata namin? Iniisip ko pa lang 'yun, nahihilo na ako.

Napatingin naman ulit ako sa chain whip ko at feeling ko ay may kakaiba. Parang lalong naging pamilyar sa mga kamay ko 'yun at gustung-gusto ko na siyang gamitin.

"Oy, Dumbsey!"

Nagulat ako nung biglang umatake si Miles at pinaputukan niya ako. Gumalaw ng kusa 'yung katawan ko at iniwasan ko 'yun, pero at the same time, inislash ko 'yung whip ko at nahuli ng chains 'yung ice bullets niya...pero this time, hindi agad na-enclose ng chains. Kapag tuluyang lumusot 'yung ice bullets, tatamaan ako.

Within a splitsecond ay nagawa kong iwasiwas 'yung whip ko at nagkaroon ng second layer of chain. Saktong paglusot ng ice bullets sa first layer ng chains ay agad silang naenclose sa pangalawa. After that ay tinignan ko nang masama si Miles.

"What the heck?! Muntik na ako dun ha!"

"Sorry!" tapos parang gulat din siya sa nangyari at napatingin lang siya sa twin guns niya.

"Miles, mukhang mas bumilis 'yung speed ng bullets mo ngayon," sabi ni Gemma Tanda kaya napatingin kami sa side nila.

"At 'yung pag-enclose ng bullets ng whip, mukhang bumilis din," dagdag ni Ash Tanda.

Bigla akong nakaramdam ng matinding pressure at nagulat ako nung biglang nagsuguran 'yung dalawang Tanda.

"Ohh. Your ice blade is sharper," sabay smirk ni Ash Tanda.

"And your knives look weird," sabi naman ni Gemma Tanda.

Feeling ko talaga bipolar 'tong dalawang 'to. Madalas, carefree lang sila at walang pakialam sa paligid pero minsan nagiging over competitive rin. Pero kahit na ganun, hindi ko pa rin matanggal 'yung tingin sa kanila, lalo na at tuluyan nang naging purple o lavender 'yung kulay ng mga mata nila.

Gaya nung sinabi nila kanina, mas naging sharp 'yung ice blade ni Gemma Tanda at mas lumawak. Dati kasi 'yung bandang tip lang ang may ganun pero ngayon, hanggang sa kalahati ay nagkaroon na rin ng ice blade. 'Yung kay Ash Tanda naman, hindi ko alam kung may problema sa mata ko pero parag humaba at numipis 'yung pair of knives niya...more like minodify niya para masangga 'yung wooden sword ni Gemma Tanda.

"Hindi ba't parang kakaiba ang mga armas ninyo?"

Napatigil naman sa paglalaban 'yung dalawang Tanda at napatingin kami kay Gramps, tapos tumango kami.

"Ang mga veinas ay bahagi ng inyong attribute. Nakadepende ang lakas at gamit nila sa lakas ng gumagamit sa kanila."

"Teka po, anong tinawag niyo sa special weapons? Veinas?" tanong ni Ash Tanda.

"Oo. Iyon ang tawag sa kanila. Mga armas na nilikha para sa mga katulad natin."

Napatingin ako agad sa chain whip ko. Ngayon ko narealize na kaya parang nag-iba ang pakiramdam ko kanina ay dahil...lumakas ako. At 'yung proof ay 'yung pagbabago ng whip ko.

"At kapag nakarating kayo sa huling yugto, maaari niyo nang gamitin ang buong lakas ang mga armas ninyo."

Pagkasabi nun ni Gramps ay kinuha niya 'yung tubong nakalapag sa harapan niya. Pagkahawak niya ay nagfreeze 'yung buong tubo at nagkaroon pa ng pointed-tip sa dulo. Napanganga na lang ako sa nakita ko. Parang everytime na may gagawing ganito si Gramps, nakaka-amaze pa rin.

"Ngayon naman, magsasanay kayo kasama ang mga armas ninyo."

"Yes—!"

Hindi ko na naituloy ang pagpaparty ko dahil bigla akong sinugod ni Gramps. What's with them?! Bakit ba masyado silang excited sa pagsugod?! Nakakainis na ha!

Susugod na rin sana ako pero nagstomp si Gramps at may naform na parang ice shield sa harapan niya. Pero dahil hindi ko na mahinto ang momentum ko ay hinagis ko 'yung whip ko sa jagged ice doon sa taas ng layer. Madali akong nakaakyat sa yelo at naglanding ako sa harapan ni Gramps pero hindi ko napansin na kumakapal pala 'yung yelo sa likuran ko at naabot 'yung paa ko. My feet instantly froze and I can't move them.

Nung nakita 'yun ni Gramps ay agad siyang lumipat ng target—this time, si Ash Tanda naman. Nakakainis lang na ako ang naunang inatake. Mas naging alert tuloy sila, samantalang ako, na-caught off guard.

Hindi ko na sila pinansin dahil sa bilis ng atake nila. Nagfocus ako sa binti ko at nag-aalangan akong i-force na hatakin ang paa ko. Nakita ko na dati ang kayang gawin ng attribute ni Gramps. Nung finfreeze niya 'yung isang sword nung nakaraan, tinry gamitin 'yun ni Gemma Tanda at isang swing niya lang, nagkabasag-basag 'yung sword into tiny fragments. Hindi ko alam kung applicable din ba 'yun sa mga tao pero ayoko nang i-prove. Baka bigla na lang akong mawalan ng paa. And I don't want that to happen.

After kong sabihin 'yun sa utak ko ay bigla na lang gumalaw nang kusa 'yung whip ko. As in. Ni hindi ko ginagalaw ang kamay ko pero bigla na lang pumulupot 'yun sa mga paa ko.

"D-dumbsey..."

Nagkatinginan kami ni Miles at nakita niyang hindi ko rin alam ang nangyayari. Parang may sariling isip 'yung whip ko at piinulupot niya ang paa ko, doon sa part na nafroze. Then the next thing that happened, I gasped. Gusto ko kong sumigaw pero parang nawalan ako ng boses.

My whip...it's slowly absorbing the ice that froze my feet.

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon