33 [Ashley]

346K 11.8K 1.3K
                                    

/ASHLEY/

***

I am really impressed with our improvement. Hindi ko akalain na dahil kay Gramps (really Miles? Bakit Gramps?), marami kaming nalaman at lumakas pa kami.

"So tomorrow is the day," sabi ni Gemma habang nandito kami sa kwarto at nagbibihis para bumaba sa basement.

Oo nga pala, nagbibihis kami habang nagyeyelo ang kwarto namin. Yeah. Nasanay na kami sa lamig. Sa araw-araw ba naman na paggising namin ay nagffreeze 'yung buong kwarto na para kaming natutulog sa loob ng freezer tapos kapag nasa basement naman kami ay aatakihin kami ni Gramps ng ice, sinong hindi masasanay 'di ba? Though, nangangatog pa rin 'yung kalamnan ko everytime kaya nasanay na rin kaming kumilos nang mabilis, or else, magiging frozen meat din kami.

Sabay kaming lumabas ng kwarto kasama ang icy fog at nakita namin na pababa na sina Kelsey at Miles sa basement. Sakto namang kalalabas lang din ni Krystal sa kwarto niya wearing her perfect expressionless face. Seriously? Ayaw niya bang magamit ang cheek muscles niya?

'Shut up, Ash.'

'Oh. Sorry.'

I immediately closed my mind. Damn. Hindi pa rin ako sanay na nakakarinig at nakakapag-usap sa isip. What's worse ay naka-open by default ang isip namin at lagi ko 'yung nakakalimutan...and that's why I always end up with trouble. How I wish na sarado by default ang isip ko. Sabi ni Gramps, rare lang daw 'yun. Sinu-sino kaya ang mga may ganun? Must've been cool. Nakakainggit tuloy.

Magkasabay kaming tatlo na pumunta sa basement at napatingin na naman ako sa mga mata ni Krystal. After almost three weeks of hellish training, unti-unting nagiging crystal blue 'yung eye color niya. It's like a mixture of the shades of blue—sky, ocean and ice. Lalo rin siyang naging intimidating at kahit nakatayo lang siya sa tabi ko ay ramdam na ramdam ko ang presence niya and it sends chill down to my spine, like literally. Pakiramdam ko nasa loob ako ng frozen room namin kapag katabi ko siya.

Pero mas intense siya ngayon. Mas lalo akong naiintimidate sa kanya at idagdag pa 'yung expressionless face niya. Siguro dahil bukas na 'yung War of Best. Yes. Bukas na.

Pagdating namin sa basement, nakatayo na naman sa gitna si Gramps as usual. Feeling ko favorite place na niya 'yun.

"Mukhang handa na kayo para bukas. Sana ay magtagal kayo sa laban. At huwag na kayong masyadong mag-ensayo ngayon. Kailangan ninyong ipunin ang lakas niyo at ihanda ang isipan niyo para bukas."

Nung sinabi 'yun ni Gramps ay lalo lang kaming natense.

"Masaya akong makita ang paglakas ninyo. Lagi niyong tatandaan ang mga sinabi ko dahil magagamit niyo ang mga 'yun sa labanan. Salamat at pinagkatiwalaan ninyo ako para sanayin kayo," and then for the first time ay ngumiti si Gramps sa amin na parang proud na proud.

Suddenly, bumigat 'yung pakiramdam ko. Naalala ko bigla si Lolo. Ganyan din ang ngiti niya kapag proud siya sa mga naayos o nagawa kong weapons. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa kanila dahil una, hindi na ako nakabalik ulit sa North, at pangalawa, nasa wanted list ako kaya mahirap nang bumalik. Sana lang ay ayos lang sila. I promise, kapag natapos na 'to at nalaman ko ang dahilan kung bakit sinugod kami ay babalikan ko sila.

"Wait lang, Gramps. Bakit parang aalis ka na?" tanong bigla ni Kelsey.

"Dahil aalis talaga ako."

"Huh? Bakit, Gramps?" tanong naman ni Miles.

"Dahil may kailangan akong...ayusin."

Natahimik kami bigla. Alam namin ang ibig niyang sabihin sa salitang 'yun. Alam naming maraming Huntres divisions ang naghihintay sa outskirts para pabagsakin ang gobyerno na pinamamahalaan ng Flame Spectre. And one of the rebellion's leader is Gramps.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon