/KELSEY/
***
"Aalis na ba tayo?" pabulong kong tanong sa kanilang dalawa pero naka-glue yung mga mata nila doon sa dalawang gangs na magkaharap.
Sabi ko nga gusto nilang manood. Pero baka kung mapaano kami rito! Malakas pa naman yung dalawang gang na yan samantalang kami ay tatlo lang.
"Yung may mahabang peklat sa braso, may mga tauhan rin siya sa paligid natin. Pero mukhang di pa nila tayo napapansin. Damn. We need to get out of here," bulong ni Leader sa amin.
"What? Paano mo naman yun nalaman?" tanong ni Tanda sa kanya. Oo nga. Paano nalaman yun ni Leader? May nakita ba siyang nakapaligid sa amin? Napatingin tuloy ako bigla sa paligid at kinabahan ako sa pwedeng mangyari.
"Just a hunch," sabay tayo ni Leader at maingat siyang tumakbo papunta doon sa kalapit na puno. Then tinuro niya yung taas ng puno.
"Wag mong sabihing...aakyat tayo sa puno?" bulong ulit ni Tanda. Tumango naman si Leader tapos bigla niyang hinawakan yung trunk ng puno na pinagtataguan niya. Nagfreeze yung area na yun at parang naging mga foothold yung mga yelong namuo. Tinapakan niya yung pinakaibaba tapos dahan-dahan siyang umakyat.
Whoa. Hanggang ngayon natutulala pa rin ako kapag nakikita kong may lumalabas na yelo sa kamay niya.
"Huy Nene! Akyat na!"
"Teka lang!"
Epal. Ang atat ng Tandang 'to eh. Dahil hindi niya naman magagamit yung sword niya sa pag-akyat, kailangan niya ng tulong ko. Nilabas ko yung chain whip ko at sinigurado kong nakaposisyon kami sa blindspot nung mga gang members sa harapan namin. Then, hinagis ko pataas yung whip at kumawit yun sa isang tagong sanga. Tapos naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi sa kanila yung isa pang weird na characteristic ng whip ko.
"You can use the chains as foothold," sabi ko kay Tanda at nauna na akong pumosisyon sa kanya.
"Huh?"
Nilagay ko yung paa ko sa isang chain at lumaki yung perimeter nun na sakto lang sa size ng paa ko. Narinig ko pang nag-gasp si Tanda sa nakita niya. Tinaas ko ulit yung isang paa ko at pumasok yun sa enlarged chain nung dumikit doon yung paa ko. Yeah, my chain whip can manipulate it's chain size. Kaya nga nagagawa kong makuha yung kutsilyo ng mga sumusugod sa akin dahil nasstock sila sa manipulated size ng chains. Sumunod na rin sa akin si Tanda kaya nakaakyat na rin kaagad kami sa itaas ng puno at tago kami sa paningin ng gang members na nasa baba namin. Si Leader naman, nakatingin lang rin doon sa dalawang gang habang nakatago sa katabi naming puno.
Mas kita naman mula rito yung insignias nila na nasa bandang likuran nila at halos lahat ng members ay nakapalibot doon. Yung isa ay ang Hawk Eye tapos yung isa...
Wait. Feeling ko nakita ko na rin yung sign na yun dati. Nasa insignia nila ay isang tigre na may kagat-kagat na bungo. Ugh. Ang creepy.
"Familiar yung may mahabang peklat," sabi bigla ni Tanda. So familiar rin sa kanya? Sino kaya yun?
"Familiar rin sa akin yung insignia eh pero di ko maalala kung saan ko nakita," sabi ko naman. Ang alam ko lang ay isa sila sa prominent gangs dito dahil sa mga naririnig ko tungkol doon sa may mahabang peklat.
"Ha! Kamusta ang pagiging nomad? Can't stay in one place, eh?" sabi nung leader ng Hawk Eye.
"Parehas lang tayo ng sitwasyon kaya wag kang magmayabang," sagot naman nung may mahabang peklat.
"Ah! Siya yung napalabas sa TV dati. Yung pumatay ng limang officials. Siya yung nasa Wanted List," biglang sabi ni Tanda. Napatingin ako doon sa lalaki at bigla akong natakot. Pumatay siya ng mga officials? Grabe.
BINABASA MO ANG
Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop Fiction
Action𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Krystal was out for revenge. She had been alone since the tragedy that stole everything from her and she spent her whole life trying to get back at the people who did it-Flame Spectre. And...