50 [Ashley]

290K 11.4K 1.9K
                                    

/ASHLEY/


***

Halos ngayon lang nagsink-in sa akin lahat ng sinabi ni Winter. Nagkatinginan kaming apat at para bang hindi kami makapaniwala sa lahat ng narinig namin.


'Wait. I heard Rage and Pierre using their inner voice. Paano nangyari 'yun kung Ice attribute users lang ang may kayang gumawa nun?' tanong ni Gemma. Right. Narinig ko rin 'yun. How come they can also use their inner voice?


I heard Winter's snort of disgust after Gemma's question.


'That's why you heard them. They can't even close their minds. I don't know how they managed to use their inner voice but I'm pretty sure they can't use it properly. Right, Pierre?'


Halos kilabutan ako doon sa sinabi niya. Does that mean pinarinig niya kay Pierre 'yun? At mukhang tama ang hinala ko dahil lalong kumunot ang noo ni Pierre. God, this woman is beyond belief!


Biglang may sumabog doon sa likuran ni Pierre at kumalat ang apoy sa paligid niya. Nagkaroon tuloy ng barrier between him and the government mansion. Then napatingin siya kay Krystal.


"I see. You're the younger sister. Hindi ko akalaing mabubuhay kayong dalawa," sabi ni Pierre habang nakatingin kay Krystal.


Naguluhan naman ako bigla sa sinabi niya. Akala niya patay na si Krystal? Tapos ang akala ni Krystal nung nakita niya naman si Winter ay patay na rin ang kapatid niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong nacucurious sa pagkatao nilang dalawa.


Nakarinig naman kami bigla ng pagsabog sa likuran at sabay-sabay kaming napalingon nina Gemma, Kelsey at Miles. At hindi ko inaasahan ang nakita kong view.


Magkakasama sina Papa, Lolo, Dad ni Gemma at Gramps. Sa gilid nila ay magkatabi si Galeen at Rivo, pati na rin sina Geo at Hilda. All big names were gathered on that spot.


"Maybe we should help them," sabi ko sa kanila at tumango silang tatlo.


Wala naman kasi kaming maitutulong dito kina Krystal at Winter pati na rin sa laban ni Hale at Rage. We're out of their league. Magiging pabigat lang kami kapag nakialam kami sa mga laban nila. We should just do what we can do.


Lumayo kami sa laban nina Krystal at tumakbo kami sa likuran kung saan pinipigilan ng rebellion army ang allies ng Flame Spectre sa pagpasok dito. Automatic na napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang katawan nina Bolt at Rogue. Napalunok ako nung nakita kong hindi na gumagalaw si Rogue.


Huh. So much for being the worst criminal in the West. Kung magkakaroon siguro ng bounty sina Papa at Lolo, mabibilang din sila sa worst criminals dahil sa kabrutalan nilang dalawa. Bigla tuloy akong napaisip sa kung ano ang role nila sa rebellion at sa nangyaring division war dati. At bakit ba sila hinahabol ng government officials?


Nakarating kami doon sa pwesto nila at lumapit agad ako kina Lolo at Papa, samantalang si Gemma ay dumiretso sa Dad niya. 'Yung dalawang nene naman ay kay Gramps pumunta.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon