19 [Ashley]

361K 11.8K 1.5K
                                    

Note lang po: 'Yung timeline nito is before pa maging allies 'yung Senshins at Huntres. Mga 2-3 years ago kung 'yung timeline ng Tantei High ang pagbabasehan. Ayun lang.

***

/ASHLEY/

***

Kakaiba talaga sila. I mean, these two—Gemma and Miles. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko may kakaiba sa kanila. 

Nagtingin-tingin naman ako sa weapons na nakadisplay sa dingding. Sobrang dami pero may ilang spaces na wala nang laman. Oh. Kaya pala sila nandito. Mukhang kinukuha na nila 'yung weapons. Naalala ko tuloy 'yung weapon collections namin sa bahay.

I came from the North Black Division at galing ako sa pamilya ng mechanics. Lahat ng bagay kaya nilang ayusin, pati na ang weapons. Kuntento naman ako sa pagtulong kina Lolo at Papa na nagmamanage ng shop namin at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko pero dahil sa isang encounter ay may kung ano akong gustong malaman.

Last year, may lalaking nagbenta sa amin ng baril. Bumibili rin kasi kami ng mga sirang weapons o 'yung mga ayaw nang gamitin ng users dahil gusto pa rin silang icollect ni Lolo. Ako 'yung tumanggap ng baril dahil ako ang nagbabantay ng shop noong araw na 'yun. Syempre, ininspect ko muna at mukhang sira na nga. Ayaw kasi gumana ng gatilyo. Pero dahil gusto ko talagang ayusin 'yung baril ay nagfocus ako sa pagiinspect. Then bigla na lang akong nagulat nung napihit ko 'yung gatilyo nang wala namang ginagawa at buti na lang ay sa labas nakatutok 'yung baril at walang tao kaya wala namang natamaan. After that, sinubukan ko ulit pero ayaw na namang gumana.

Sinabi ko kina Lolo at Papa 'yung nangyari at binigay ko sa kanila 'yung baril. Ang alam ko lang ay nagtinginan silang dalawa na para bang nagkakaintindihan sila. After that, sinabi nila sa akin na sira lang talaga 'yung baril at natyempuhan ko lang na mapagana for the last time. Kukunin ko na ulit sana sa kanila 'yung baril pero hindi na nila ibinigay sa akin. Kahit labag sa loob ko, wala naman na akong nagawa.

After ng incident na 'yun ay may kung anong tanong sa isip ko. Hindi talaga mawala sa isip ko 'yung nangyari. Talaga bang sira 'yung baril? Natyempuhan ko lang ba talagang mapagana 'yun? Ewan ko pero kakaiba talaga 'yung pakiramdam ko eh. Nung napaputok ko kasi 'yung baril ay parang may something sa akin na...kakaiba. Hindi ko rin maintindihan eh. Basta ang alam ko, gusto ko ulit maramdaman 'yun. Hindi ko 'yun nararamdaman kapag nag-aayos ako ng ibang weapons. Sa baril na 'yun lang.

Ilang months ang nagdaan pero hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yung nangyari. Parang nakatatak na 'yun sa isip ko at gusto kong mangyari ulit. Kaya naman pinuntahan ko si Lolo at nagtanong ako sa kanya.

"Lolo, pwede ko ba ulit makita 'yung baril?" Napatigil siya sa paggawa doon sa machine gun na nasa harapan niya at punung-puno na ng grasa 'yung damit niya.

"Bakit ba interesado ka sa baril na iyon?"

"H-Hindi ko rin po alam. Pero sige na, Lolo. Gusto ko lang ulit makita. Please?"

"Apo, may mga armas na hindi pwedeng mapasakamay ng mga ordinaryong tao."

"Po?"

"Wala. Wala. Hala sige at magtrabaho ka na. May tao sa labas oh."

Dahil tinaboy na ako ni Lolo papunta sa customer ay wala akong nagawa. Pero mas lalong dumami 'yung tanong sa isip ko dahil sa binitawan niyang mga salita. Weapons na hindi pwedeng mapasakamay ng mga ordinaryong tao? Anong ibig sabihin nun? Kasama ba doon 'yung baril na 'yun?

Ilang months pa ulit ang lumipas at mas lalo akong naging interesado sa sinabi ni Lolo. Lagi ko na siyang kinukulit na ipakita ulit sa akin 'yung baril na 'yun dahil wala doon sa collection room. Pati si Papa kinukulit ko rin pero ayaw niya ring sabihin dahil magkakampi sila ni Lolo. Tss.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon