/GEMMA/
***
"Ack! Ugh!" Napalayo agad ako sa nililinis kong mga aparador. Pagtanggal ko ng mga tela na nakabalot sa kanila ay gabundok na alikabok ang nasinghot ko.
Grabe! Ilang taon bang hindi nagamit ang bahay na 'to? Sobrang dami talagang alikabok! Feeling ko magkakasakit ako sa baga dito.
Nakarinig naman ako ng ingay sa bandang sala kaya sinilip ko kung anong nangyayari doon. Pagtingin ko, inalis ni Krystal yung telang nakatakip doon sa may lamesa kaya lumipad yung mga dumi at alikabok sa hangin. Pero bago pa yun kumalat sa buong sala ay hinawi niya yun at bigla na lang silang nagbagsakan sa sahig as tiny fragments of ice.
Whoa! Awesome! She froze the dust! Cool! Err, well, it's literally cool. But yeah, astig!
Bigla naman siyang napatingin sa akin at kumunot yung noo niya.
"What?" Napaatras naman ako dahil para siyang galit na ewan, though para sa akin ay mukha lang siyang nahihiya dahil nakita ko yung ginawa niya.
"Nothing!" tapos bumalik na ulit ako doon sa nililinis ko. Pero dumaan muna ako doon sa sofa kung saan ko nilagay yung mga gamit ko at kinuha ko yung bokken ko.
Might as well use it.
Gaya ng ginawa niya, hinatak ko ng mabilis yung tela na nakabalot sa isang cabinet kaya kumalat yung alikabok sa buong paligid. I immediately slashed my wooden sword into the dust and they fell off as fragments of ice. Now that was awesome! At least, mas madaling linisin kapag ganito at hindi masakit sa lungs.
Kahit mukha akong ewan sa pagslash sa bokken ko sa hangin, wala na akong pakialam. Wala namang nakakakita bukod kay Krystal. And she's doing the same thing, too. Napansin ko rin na medyo lumamig dito sa buong bahay. Siguro ginawa niya yun para hindi agad matunaw yung mga yelo na nasa sahig.
Kinolekta ko naman kaagad yung mga fragments of ice at nilagay ko sa isang timba. Para silang maliliit na diamonds. Buti nga at nagcucluster sila bago maging ice kaya mas madali silang i-collect dahil kung hindi, sobrang liliit nila na tipong parang frozen dust talaga.
Palubog na rin yung araw nung matapos kami sa first floor. Yeah. First floor pa lang. Malaki-laki rin kasi itong bahay niya kaya ang hirap linisin. Pero at least, natanggal na namin lahat ng covers at wala na ring mga alikabok.
"Hay sa wakas! Natapos din!" Napaupo agad ako sa sofa. Sobrang sakit ng likod ko! Ngayon na lang ulit ako nakapaglinis ng sobrang tagal. Naglilinis rin naman ako sa bahay namin dati dahil lagi akong inuutusan nung walanghiyang stepmother at stepsister ko, pero hindi naman ganito kadumi. Napagod talaga ako!
Napatingin naman ako kay Krystal at naupo siya sa sofa sa tapat ko. Nag-exhale lang siya tapos expressionless na naman. Ni hindi man lang niya pinapakita sa mukha niya na napagod siya. Grabe. Is she a monster?
Bigla namang kumulo yung tiyan ko kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti na lang ako dahil nakakahiya yung tunog. Crap. Ni hindi ko napansin yung sikmura ko! Kaninang tanghali pa pala ako hindi kumakain!
"Uhm, excuse me, pero saan pala tayo kakain? Marunong ka bang magluto?" tanong ko sa kanya. Ako kasi hindi talaga. Yung stepmom ko ang assigned sa kusina at hindi naman niya ako tinuturuan kaya wala akong alam sa kitchen.
"Hindi," sabay tingin niya sa right side. Okay. Patay.
Paano kami kakain?!
"Sa labas na lang tayo kumain. Err, pero hindi ko alam ang lugar na 'to. May kainan ba rito?" Mukha kasing walang masyadong establishments dito sa part na 'to ng East Black Division. Hindi tulad sa White Division na kahit saang banda ka tumingin, may malalaking buildings. Dito, halos magkakahiwalay yung mga bahay at yung iba ay parang wala pang nakatira. Para ngang ghost town, kung tutuusin. Feeling ko puro delinquents at gangs lang ang nakatira dito.
Bigla naman siyang tumayo kaya napatayo rin ako.
"Let's check the vicinity," sabay lakad niya. Kaso bigla ring tumunog yung tiyan niya kaya napahinto siya at hindi ko napigilang hindi tumawa. Akala ko hindi na siya tatablan ng gutom eh! Wala kasi talagang expression yung mukha niya.
"Yeah. I-check natin kung may carenderia or bilihan ba ng pagkain dito," tapos sumunod ako sa kanya at pinipigilan ko yung tawa ko.
"One more laugh and I'll freeze you to death," saka siya nagmartsa palabas ng bahay.
"Yeah, yeah. Freeze me to death," sabay tawa ko ng mahina. Mukhang favorite phrase niya yun. Ang cute niya kapag naasar! Haha!
Bago ako lumabas ay dinala ko na rin yung bokken ko kung sakali man na may mangyaring kung ano. Sinarado rin namin yung bahay.
Madilim na sa labas nung lumabas kami sa bahay. May ilang taong naglalakad pero mabibilang lang sa kamay. Tapos parang takot pa silang makakita ng tao dahil lahat sila ay nakayuko. Ano kayang problema nila?
Binilisan ko yung lakad ko para magkasabay kami ni Krystal.
"Hey, 'di ba sabi mo galing kang White Division? Bakit ka nandito sa Black Division?" Tumingin naman siya sa akin habang patuloy pa rin kaming naglalakad.
"Dito talaga ako nakatira nung bata pa ako. Lumipat lang kami sa White Division." Oh, so originally dito talaga siya nakatira? Sabagay, kaya nga siya may bahay dito eh. Stupid me.
"Then bakit ka bumalik dito?"
"To collect the insignias. All gangs have their bases here at the Black Division." Oo nga pala. Flame Spectre lang ang gang sa White Division, so basically, yung gang insignias na kinocollect niya ay nandito sa Black Division.
"Hmm. Para nga pala sa War of Best."
Napaisip naman ako doon. Ngayon ko lang narinig yung War of Best, though alam ko naman yung existence ng Flame Spectre. May ganun pa lang nagaganap sa White Division.
"Stop." Napahinto naman ako dahil huminto rin siya.
"Bakit?"
"Someone's here—"
"Ha! Nakuha ko!"
The next thing I knew, wala na sa kamay ko yung bokken ko. Tapos may batang tumakbo palayo sa amin habang bitbit niya yung bokken ko. Para akong nag-lag sa nangyari at nakatayo lang ako doon. Pero bigla akong nakaramdam ng sobrang panlalamig. Pagtingin ko, nakahawak na pala si Krystal sa braso ko at nagyeyelo na yun.
"Hoy! Hoy! T-Teka! Anong ginagawa mo?!"
"Natauhan ka na ba?! Let's chase her!" tapos bigla siyang tumakbo para habulin yung batang kumuha ng bokken ko kaya tumakbo na rin ako.
"Wait! Hindi mo ba 'to aalisin?!" sabi ko habang tumatakbo tapos tinuro ko yung braso ko na bigla niya na lang ginawang yelo!
"Matutunaw rin yan!" saka siya tumakbo ng mas mabilis.
Napabuntung-hininga na lang ako. Ugh! Matutunaw nga pero sobrang bigat naman sa pakiramdam! Feeling ko anytime ay mababasag yung braso ko!
"Ah! Ayun siya!" turo ko doon sa kabilang eskinita dahil nakita ko yung bwisit na batang nagnakaw ng bokken ko! Humanda ka sa akin!
Tumakbo ako papunta doon sa eskinitang yun at sinundan ako ni Krystal.
"The hell with that kid?! She's so fast!" narinig kong sabi ni Krystal sa may gilid ko habang tumatakbo kami. At oo. Sobrang bilis tumakbo nung bata!
"Hoy bata! Akin yan! Ibalik mo yan!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang humarap sa amin at tumakbo patalikod.
"A-YO-KO. Bleeeeh!" tapos umalikod na ulit siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Pero ang nakakainis ay minock niya pa kami dahil pinalu-palo niya pa yung pwet niya na parang nang-aasar.
ABA TALAGA NAMAN!
"YOU BRAT! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAHULI KITA! I'LL FREEZE YOU TO DEATH!"
Narinig ko naman na biglang nag-grunt si Krystal sa tabi ko kaya napatikom agad ako ng bibig. Oops. Mukhang inagawan ko siya ng line.
"You—"
"I know, I know. That's your favorite line. Sorry! Trip ko lang isigaw sa kanya."
Mas lalo pa naming binilisan yung pagtakbo papunta doon sa batang kumuha ng bokken ko. Nakakainis talaga! Imbes na kakain na kami, nangyari pa 'to!
Lagot talaga siya sa akin kapag nahuli ko siya!
***
BINABASA MO ANG
Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop Fiction
Action𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Krystal was out for revenge. She had been alone since the tragedy that stole everything from her and she spent her whole life trying to get back at the people who did it-Flame Spectre. And...