12 [Miles]

397K 13.7K 2.1K
                                    

/MILES/

***

Promise, hindi ko na aasarin si Tanda—I mean si Gemma. Tsk. Nahawa na ako sa Kelsey na yun! Tanda kasi siya nang Tanda eh! Muntik na tuloy akong sumakabilang-buhay kanina. Grabe ha, dalawang beses na akong muntik mamatay. Katakot!

Nandito ako ngayon sa isang kwarto sa may second floor.

"Ano ba yan, bakit tayo magkasama dito?!" I mean, KAMI pala. As if namang gusto ko rin siyang makasama sa kwarto na 'to? Dapat Dumbsey pangalan nito eh.

"Ginusto ko? Ginusto ko?"

"Whatever," sabay tayo niya at saka siya lumabas sa kwarto.

Problema nun? Bahala siya sa buhay niya.

Bigla naman akong napahiga sa kama ko. Grabe. Anong nangyari sa buhay ko? Parang kanina balak ko lang hulihin yung nasa wanted posters para magkaroon ng pera, tapos ngayon naging member na ako ng gang daw na 'to? Hindi ko maimagine! Pero wala naman na akong choice eh. Panigurado, nasa wanted list na rin ako ngayon dahil sa ginawa ko doon sa dalawang officer. Kasalanan rin naman nila yun! Sinugod nila ako kaya dinepensahan ko lang ang sarili ko. Buti na lang sumigaw si...

Naman! Of all people, bakit kay Dumbsey pa ako magkakautang na loob?!

Pero nung nakita ko siyang lumaban kanina, masasabi ko na may potential siya. Sa katunayan, mas natakot pa nga ako doon sa dalawa niyang kasama—si Scarystal at Gemmatanda, kaysa sa dalawang leaders na target ko kanina. Ni hindi man lang sila pinagpawisan sa pagpapatumba nung members. Sa nakita ko kanina, yung weapon na ginamit ni Dumbsey ay parang chain at napigilan nun yung bullets galing sa baril nung target ko, though hindi ko alam kung paano nangyari yun. Yung kay Gemmatanda naman ay yung wooden sword na muntik na akong matamaan nung hinagis niya! Then kay Scarystal, parang wala akong nakitang weapon na ginamit niya.

And somehow, parang may kakaiba akong nafifeel sa kanila.

Katulad ko rin kaya sila?

No. Imposible. Ano yun, parang destiny na makakahanap ako ng katulad ko? I don't think so. Siguro magaling lang talaga sila makipaglaban. At siguro...kakaiba lang talaga ako.

"Mama Lena, nakakatakot siya."

"Di po siya tao!"

"Paalisin niyo po siya dito!"

"Mama Fe, she's a freak!"

Iniling-iling ko kaagad yung ulo ko para makalimutan ko yun. Bakit ko ba inaalala yung mga panahong nasa ampunan pa ako? Those were my worst moments. Kaya nga kahit 8 years old pa lang ako nun ay nagawa kong lumayas doon at magpagala-gala na lang dito sa Black Division. And then nakita ako ng isang merchant sa Black Market at kinupkop niya ako. Maliit lang yung bahay niya pero sobrang saya ko nung nakapasok ako doon. Halos four months rin akong naging palaboy kaya sobrang thankful ako sa kanya.

He trades different kinds of weapons for guns. Sobrang hilig niya sa baril. Marami siyang iba't ibang uri ng armas like swords, blunt weapons, spears, bows, grenades, axes, whips, daggers and even shields. Tinetrade niya ang mga yun para sa iba't ibang type ng baril. Kaya nga ang dami niyang collection ng weapons sa bahay niya.

Para hindi ako maging pabigat sa kanya, pumupunta ako sa mga lugar kung saan nakakarinig ako ng away ng iba't ibang gangs at yung mga nakakalat na weapons ay kinukuha ko at ibinibigay ko kay Leo, yung kumupkop sa akin. Siya na rin ang tumayong tatay ko kaya napamahal na ako sa kanya. Pero two years ago, nung magt-thirteen pa lang ako, nagkaroon ng malaking gulo sa Black Market at isa siya sa mga nadamay. Maraming namatay na merchants doon dahil sa pagwawala ng isang gang. Dahil sa kanila, namatay si Leo kahit wala naman siyang ginagawang masama. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na maghihiganti ako sa kanila. That's why I became a bounty hunter—to hunt those murderers.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon