39 [Ashley]

310K 11.4K 1.7K
                                    

Note lang po. Hindi ito 'yung mission nina Reina sa TH. Ang timeline po ng OMIG ay 2 years ago pa bago magsimula ang timeline ng TH. Para malinaw lang :)

---

/ASHLEY/

***

After a few minutes ay tumabi ako kina Gemma at Krystal na parehong nakatingin doon sa kabila kung nasaan 'yung si Pierre. Nung umupo ako sa tabi nila ay nalipat ang atensyon nila sa akin.

"Wag na tayong mag-usap sa isip. Halos lahat dito ay nakakabasa rin ng isip and for sure, meron ding mga kayang maka-invade ng isip natin kahit nakasarado, gaya ng sinabi ni Gramps."

Tumango naman silang dalawa at sinabi ko sa kanila 'yung mga narinig ko kanina. Nawala na kasi 'yung weird trio at mukhang pumunta sila doon sa hallway kung nasaan 'yung mga kwarto.

"You mean...green ang mata nila? Wait. Sa pagkakatanda ko, ang meron lang na green-colored eyes ay Senshins at Shinigamis," bulong ni Gemma.

"Yeah. Pero narinig kong Senshins sila."

"But why are they here?" tanong naman ni Krystal.

"I don't know the whole story pero sa pagkakarinig ko ay pinag-uusapan nila ang alliance."

"Alliance between what? Huntres at Senshins? Pero 'di ba simula nung nabuo ang four tribes ay halos hindi na nagkaroon ng contact 'yung apat dahil sa magkakaibang ideologies and beliefs nila? How come na gusto nila ngayong magkaroon ng alliance?" dagdag ni Gemma.

"Because the balance is starting to crumble," sagot ni Krystal at natahimik kami.

Alam ba ng Senshin tribe na nagkakagulo ngayon ang Huntres kaya sila pumunta rito? O baka naman kailangan nila ng tulong? Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay nila pero hindi namin sila pwedeng pagkatiwalaan agad. After all, they are from a different tribe.

"Nasaan nga pala 'yung dalawang bata?" tanong ko dahil hindi ko makita sina Kelsey at Miles sa paligid.

"Sinama sila ni Rae doon sa loob," sabay turo ni Gemma doon sa hallway.

Sabagay, halos magkaka-edad naman sila kaya siguro close na agad 'yung tatlo. 'Yung limang lalaki naman sa Phantom Breeze ay nasa harapan namin at parang alert din sila sa pwedeng mangyari. Actually, napansin ko kanina na may tension pa rin sa paligid kahit na tapos na ang first part ng match.

Naghintay lang kami doon at nagpalipas ng oras habang nag-oobserve sa paligid. Unti-unti na ring dumarami 'yung nasa bleachers dahil nagsisibalikan na 'yung iba galing sa rooms. Bumalik na rin 'yung tatlong bubwit at seryosong-seryoso 'yung mga mukha nila. Tumabi sa amin sina Miles at Kelsey at nakita naming maputla sila.

"What happened?" tanong ni Krystal sa kanila.

"N-nakita namin 'y-yung mga injured..." sabi ni Kelsey habang mahigpit niyang hawak ang whip niya.

"Bakit? Anong nangyari sa kanila?" this time ay si Gemma naman ang nagtanong.

"H-hindi sila ginagamot...at...at...nilagyan sila ng mga posas tapos sinakay sila sa mga sasakyan," dagdag ni Miles.

"That's cruel," sabi ko naman and for the nth time ay kinilabutan na naman ako.

Pagtingin namin sa inuupuan namin, frozen na 'yun. Napatingin din sa amin sina Gust at 'yung mga kasama niya, at seryoso ang expressions nila. Probably ay sinabi rin ni Rae sa kanila 'yung nakita nila.

"That's how Flame Spectre works. They are brutal and merciless," seryosong sabi ni Krystal at mas lalong lumamig 'yung temperature sa paligid.

Bigla namang huminto 'yung paglamig at bumalik sa normal 'yung temperature. Nagulat nga ako dahil ang alam ko ay hindi naman kayang tunawin ni Krystal 'yung ice niya at si Kelsey naman ay kaya lang iabsorb 'yung ice pero nandoon pa rin 'yung chill. Then why...

"Brutal and merciless?" Bigla kaming naging alert at naunahan ako ng instinct ko nung narinig ko 'yung boses sa likuran namin. Agad-agad kaming pumwesto ni Gemma sa harapan at nilabas namin ang weapons namin.

Pagtingin ko doon sa may hagdanan ay may isang lalaki na nakasandal sa pader. Natatakpan ng anino 'yung mukha niya kaya 'yung lower half ng katawan niya lang ang nakikita namin. Pero nung umalis siya doon ay naramdaman ko kaagad 'yung init. Nagdidistort 'yung paligid niya...parang 'yung nakikita ko kapag mainit 'yung panahon.

"Sino ka para sabihin 'yun?"

Huminto siya sa paglalakad at pagtingin ko doon sa tinapakan niya ay may burn marks at hindi ko alam kung naghahallucinate lang ba ako o talagang may kaunti akong usok na nakita?

"Just a nobody," sabi ni Krystal at napatingin kaming apat sa kanya. Naalala ko 'yung kwento ni Gemma sa akin nung unang beses nilang nakita si Hale at 'yun ang sinabi niya sa kanila. Naimpluwensyahan na ba siya?

"A nobody, huh? Tignan natin kung makikilala ka pa kapag nasunog ka nang buhay," sabay smirk nung lalaki at saka ko lang napansin 'yung blue eyes niya.

I know for sure na isa siya sa Flame Spectre. Ang weird tuloy dahil Flame ang attribute nila pero blue ang kulay ng mga mata nila.

Pero nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sino rin siya para sabihin 'yun? Gustung-gusto ko na siyang sugurin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong wala akong laban. Unang tingin pa lang, alam kong magkalayo na ang lakas namin.

"And let's see if you can still utter a word if I froze you to your death."

Lalo lang tumaas 'yung tension sa pagitan nila at lumapit na rin sa amin 'yung Phantom Breeze. Maging sila ay nagiging agitated na rin dahil nararamdaman ko na lumalakas ang hangin sa paligid.

Fire, Ice and Wind...

Halos hindi na stable ang temperature dito sa area namin dahil sa three attributes na nagpapakiramdaman. At kahit hindi ko nakikita ay alam kong maraming nakatingin sa amin ngayon.

Then all of a sudden ay bigla akong nakaramdam ng chill...colder than what I've felt earlier from Krystal. Napatingin agad ako sa likuran ko at nakita kong nakatingin rin sina Krystal pati 'yung iba sa kabilang side ng bleachers. Then we saw the leader of Flame Spectre, Pierre, looking at this side. Sa kanya ba galing 'yun?

"Tsk. Damn geezer," rinig naming sabi nung lalaki.

Tinignan niya ulit kami nang masama at after that ay tumalikod siya at bumaba na ulit sa hagdan. Saka ko narealize na kanina ko pa pinipigil 'yung hininga ko.

"Nahirapan akong huminga," biglang sabi ni Gemma kaya napatingin ako sa kanya.

"Of course. Fire uses the oxygen around," sabi naman ni Gust. "Kaya kami ang worst match-up sa kanila. Wind helps the fire to burn more."

"And we are the nemesis of each other," dagdag ni Krystal. "Together with the water attribute."

Bigla namang nagsalita 'yung speaker at napatingin kami sa arena sa baba.

"What the hell?"

Natulala na lang ako nung nakita kong nagbago 'yung arena. Biglang nawala 'yung outer part nun and it looks like an abyss. Ni hindi ko makita 'yung lalim nung outer hole kaya parang nakalutang na lang 'yung inner part ng arena. Then all of a sudden ay may mga fumes at usok na lumabas doon sa chasm.

"Oh. Exciting!"

Napalingon kami ulit sa may hagdan and this time ay 'yung weird trio naman ang lumabas at nakatingin din sila sa amin. Ngumiti sa amin 'yung babae at umupo sila sa left side namin kung saan sila nakapwesto kanina.

Pagtingin naman namin sa kabilang side ay si Pierre na ulit ang may hawak ng mic at tumayo siya.

"Now this is the real carnage," then he smiled like he was waiting for this moment to happen.

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon