22 [Ashley]

381K 12.1K 1.4K
                                    

/ASHLEY/

***

"Kumain muna tayo! Dinala ko na dito 'yung mga pagkain." 

Napatingin naman agad ako kay Kelsey na binaba nga rito sa basement 'yung mga pagkain. 'Di ko akalain na marunong palang magluto ang isang 'to.

Hindi kasi namin namalayan na gabi na pala dahil tuluy-tuloy lang kami sa pagdedecode ng symbols sa libro na 'to. Pero kahit na ilang oras na kami rito ay two pages pa lang 'yung nadedecode namin. Ang hirap naman kasing tandaan ng corresponding letters at symbols. Bilib na ako kung sino man ang nagsulat nito.

"So, what are your plans?" Napatingin naman ako kay Krystal.

"Plans? For what?"

"Saan ka tutuloy?"

Bigla ko namang narealize na wala pala akong tutuluyan. Hindi naman ako pwedeng bumalik sa North dahil for sure ay may officers pa doon. Doon na lang kaya sa abandonadong bahay na tinuluyan ko kagabi? Hindi naman 'yun malayo rito.

"You can stay here," biglang sabi ni Krystal kaya nagulat ako.

"Huh? Wait. Talaga?"

"Yeah."

"Bakit?" Why would she want me to stay? Hindi kaya kakampi rin sila ng White government? O baka naman may kailangan sila sa akin. Napansin ko naman na kumunot 'yung noo niya.

"Just stay and don't ask stupid questions anymore," saka siya pumunta doon sa side nina Kelsey at Miles para kumain.

"That means she likes you," sabi naman ni Gemma sabay tawa niya.

"Hindi ko nafeel," sabi ko tapos tumawa lang ulit siya.

Medyo gumaan naman 'yung pakiramdam ko sa kanila. Kahit na ngayon ko lang sila nakilala ay parang comfortable na agad ako.

Pinagpatuloy naman namin ni Gemma 'yung pagdedecode dahil sumuko na 'yung tatlo at 'yung mga pagkain naman ang pinagdiskitahan nila. Pero in fairness, ang talino nitong si Gemma. Ang first impression ko sa kanya ay easy-going lang siya pero kapag seryosong usapan na ay nakakatakot siya.

"Hmm, so ang book na 'to ay about sa history ng tribes of Erityians? Though ano ba 'tong tribes na 'to?" sabi ni Gemma habang binabasa niya 'yung libro. Siya kasi 'yung nagdecode ng title page tsaka ng table of contents.

Tinignan ko naman 'yung sumunod na page at dinescribe doon kung paano na-form 'yung Erityians pati na rin 'yung leaders nila. 'Yung part naman na nadecode ko sa sariling libro ko ay tungkol lang sa Huntres, though hindi ko na tinuloy 'yung pagdedecode doon dahil ito muna 'yung inuuna namin.

"The establishment of Erityian race started when Shinji, Veronika, Ivankov, Yllka, Edda and Ryou met each other and they became the pillars of it. However, due to opposing opinions and beliefs, they decided to group the Erityians according to their powers and ablities. Four tribes emerged from Erityians and they were called Senshin, Shinigami, Huntres and Custos. Shinji and Veronika led the Senshin tribe and they travelled across the world, while Shinji's brother, Ryou, led the Shinigami tribe and he concentrated their force in Japan. The Huntres tribe was led by Ivankov and Yllka while Edda led the Custos tribe."

Nakinig lang ako kay Gemma habang binabasa niya 'yun at mas lalong dumami 'yung tanong sa utak ko. What the heck is Erityian race? Tao ba sila? At nabanggit na naman 'yung four tribes na 'yun tapos kasama 'yung Huntres. Does that mean na 'yung Huntres na kasama sa White government ngayon ay kabilang sa Erityian race?

Bigla naman akong nagkainteres doon sa sarili kong libro kaya sinimulan ko ulit 'yung i-decode dahil about sa Huntres ang laman nito.

"Hoy mga tanda! Kumain muna kayo!" sigaw ni Kelsey. Wait. What? Tanda? Tinawag niya ba akong tanda?!

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon