1 [Gemma]

1M 23K 3.3K
                                    

/GEMMA/

***

"Nasaan na ba ako?" Hindi ko na talaga alam kung saan ako napadpad. Pagod na rin ako at uhaw na uhaw. Plus may dalawang maleta pa akong dala. Great. Just great.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Tsk. Bakit ba kasi ako naglayas? Buti sana kung may alam akong lugar na matutuluyan eh. Pero ayoko na talaga sa bahay na yun. They are nothing but hypocrites and idiots. Hindi ko na kayang makitira sa kanila.

Pero masakit na rin talaga yung paa ko. Tapos mahigit 2 hours na rin akong naglalakad. Ni hindi ko man lang alam kung saan ba talaga ako pupunta. Basta ang alam ko lang ay wala na ako sa White Division. Ayoko na rin namang bumalik doon. Kahit puro mayayaman at elites ang nakatira roon, pakiramdam ko hindi naman ako kasama dun. Isa pa, nandoon ang stepmother at step-sister ko. Ayoko na silang makita pa. Pero nag-aalala ako kay Daddy dahil iniwan ko siyang kasama ang mga yun. Siguro naman maiintindihan niya ako. Hindi ko na talaga kayang mag-stay ng kahit isa pang araw kasama ang dalawang babaeng yun.

Tumakas ako sa bahay kanina. Balak ko nga sanang sumakay ng transit pero kailangan pa doon ng permit bago makapunta sa ibang division. Tanging mga officers lang ang freely na nakakasakay doon. Kaya no choice ako kundi maglakad. Doon ako dumaan sa may border line ng White Division at East Black Division. Ang Black Division ang nag-susurround sa White Division at nahahati siya sa four quadrants – North, South, East and West. Nandito ako ngayon sa East side ng Black Division. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako pumunta, pero wala, nandito na ako eh. At mas madaling makalusot sa border line ng White Division at East Black Division dahil kaunti lang ang guards na nakabantay.

Pero ang masama ngayon, naliligaw ako. First time ko lang kasing makalabas sa White Division. All my life, nandoon lang ako sa place na yun.

"Miss, naliligaw ka ba?" Nagulat ako nung may biglang humarang sa aking limang lalaki.

I knew it.

Balita na ito lagi sa White Division. Ang Black Division daw ay ang hometown ng delinquents, hoodlums, at ng iba pang mga walang kwentang tao. And here I am, facing a group of them.

A gang.

Napabuntung-hininga nalang ako. Okay, Gemma, ilang kamalasan ba ang sinalo mo mula sa langit? Great. Naligaw na nga ako't lahat-lahat, may makakasalubong pa akong gang members? What a bad luck.

"No thanks," ngumiti ako sa kanila at nagsimula nang maglakad ulit. Kaso bigla na lang nila akong pinalibutan.

"Ang suplada mo naman miss beautiful. Ayaw mo bang sumama sa amin?" sabi ng lalaking kulay brown ang buhok at gold yung dalawang ngipin sa harap. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

Unti-unti na akong nababadtrip dahil sa kamalasang natatanggap ko ngayon. Una, napilitan akong maglayas dahil sa dalawang babaeng hindi ko na kayang tagalan. Pangalawa, naliligaw ako. At ngayon naman, mukhang mapapalaban pa ako. Punung-puno na ako sa nangyayari ngayon.

"Tatabi kayo o hindi?" binitawan ko yung dalawa kong maleta at hinawakan ko yung bagay na nakasuksok sa likod ng isa kong maleta. Hindi ko alam na magagamit ko agad 'to.

"Aba, lalaban ka miss? Hindi mo ba alam na isa kami sa mga kilalang gangs di—"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at hinampas ko sa kanya yung hawak ko. Then I jumped and inangkla ko yung hawak ko sa may leeg niya at agad siyang natumba.

"BOSS!" sigaw nung apat habang nakadagan ako sa boss daw nila.

"Now, papadaanin mo na ba ako?" then I smirked at him.

"What the hell is that? A-a sword?" gusto ko sanang tumawa sa reaction niya dahil para siyang nakakita ng multo pero tumayo nalang ako at tinutok ko yung bokken ko sa leeg niya. Nakita kong nagdugo yung gilid ng leeg niya na inangklahan ko kanina ng bokken ko, pero hindi naman umaagos yung dugo.

"It's a wooden sword. Wanna try it again?"

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, bigla niyang hinawakan sa gitna yung bokken ko at pati yung right foot ko. Bigla kaming bumaliktad kaya ako ngayon ang nasa ibaba at nakadagan siya sa akin. But what's worse is I landed on my butt. Shit! That hurts!

"Heh. Don't underestimate me, miss. After all, I'm the gang leader," saka siya naglabas ng kutsilyo. Uh oh. Shit. Eto na ba ang climax ng kamalasan ko ngayong araw?

Pinilit kong kumawala sa kanya pero nakaupo siya ngayon sa tiyan ko at hindi na ako makagalaw. Idagdag pa na nakaapak rin siya sa bokken ko kaya hindi ko rin magalaw yun. Damn!

Nagsimula na akong magdasal ng mga dasal na alam ko dahil alam kong anytime ay babaon na sa katawan ko yung kutsilyong hawak niya. Pero napadilat ako nung makarinig ako ng sigawan sa bandang likod namin.

"B-boss! Tulong! Tulong! Aaaaagghhh!" Kahit hindi ko makita kung anong nangyayari, buong puso akong nagpasalamat sa pagkakataong yun dahil napatingin rin yung boss na 'to sa likod kaya nawala yung focus niya sa akin. During that splitsecond, binuhos ko lahat ng lakas ko para umikot at gumulong, at makawala sa kanya.

And I succeeded!

Agad-agad akong tumayo habang siya ay nakasubsob pa rin dahil sa ginawa kong paggulong. Then nakita ko kung anong nangyayari sa may likuran namin.

It's a girl.

She's fighting against those four hooligans. Namangha ako sa kanya. She can fight evenly even if she's just alone... and bare-handed. Pero halos lumuwa yung mata ko nung makita kong naglabas rin ng kutsilyo yung isa sa likod niya. I don't even know when pero ang alam ko, napatakbo ako ng mabilis sa side niya, pero at the same time, tumakbo rin siya sa direksyon ko at hindi ko alam kung bakit. But nagfocus ulit ako sa lalaking may hawak ng kutsilyo. I targeted his hand with my bokken at nabitawan niya yung kutsilyo. I kicked his face hard and smacked his back with my bokken. After that, bigla nalang siyang natumba and the next thing I knew, wala na siyang malay.

Napatingin naman agad ako dun sa babae kanina and nagulat ako nung nakita kong nakaapak na yung paa niya sa mukha ng walang malay na boss nila.

Then she looked at me. The skin on the back of my neck tingled. Parang na-freeze ako sa tingin niyang yun.

"You should always.." ang ikinagulat ko pa ay bigla na naman siyang tumakbo sa direksyon ko pero nilagpasan nya lang ako. "...watch your back." tapos bigla niyang hinawakan yung mukha nung dalawa pang asungot na sumusugod pala sa likuran ko and she smashed it on the road.

Ouch. I'm sure masakit yun.

Tumingin ulit siya sa akin. And this time, ngumiti ako sa kanya.

"Tell that to yourself, too," sabi ko sa kanya tapos binato ko yung kutsilyong hawak-hawak ng lalaki kanina, at nasalo naman niya agad. Then saka ako naglakad papunta ulit sa mga maleta kong nadumihan na ng putik.

"I'm Gemma nga pala. Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina. Akala ko tuluy-tuloy na ang kamalasan ko kanina to the point na bye bye Earth na rin ako," tapos tumawa ako. Akalain mong may darating pa palang swerte sa akin?

Pagkakuha ko ng gamit ko, lumapit ako sa kanya. Pero wala pa rin siyang imik at parang wala siyang balak makipag-usap.

"Hindi kita tinulungan. It's just that.. they are my targets," sabay pakita niya sa akin nung parang maliit na flag na may symbol.

"Target? Sila?" saka ko tinuro yung mga lalaking nakahalik ngayon sa lupa.

"Yeah. Their gang." After niyang sabihin yun ay tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad. Oh well. I guess ayaw niya talagang makipag-usap masyado sa akin. Pero wala naman akong masabi dahil in the first place, siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. At sabagay, hindi naman kami magkakilala. Tumalikod na rin ako sa kanya at naglakad papunta sa... err... sa kung saan man. Nakakalimang-hakbang palang ako nung...

"My name's Krystal."

Napalingon agad ako and nakita kong tuluy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. I don't know why pero napangiti ako bigla. And the next thing I knew, tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya hanggang sa kasabay ko na siya maglakad.

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon