/MILES/
***
Nilelead namin ni Dumbsey 'yung tatlong tanda sa paglalakad pero napatigil kami nung biglang may nagpakitang matandang lalaki. Puti na 'yung mga buhok niya at hukot na rin siya pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko kahit matanda na siya ay hindi namin dapat siya i-underestimate. And his bluish eyes are the proof.
"Stay alert." Pagkasabi nun ni Gemmatanda ay naging alert agad ako doon sa matanda.
Tumingin-tingin naman sa paligid 'yung matanda tapos umiling siya. Tumingin ulit siya sa amin at ngumiti kaya mas lalo akong kinabahan. Kahit na isa lang siya, feeling ko hindi namin siya kaya. Idagdag pa na nanghihina ngayon si Scarystal dahil doon sa poison gas na pinakawalan ng duwag na leader ng gang na 'yun.
"Hmm, mukhang isa pa lang sa inyo ang nasa kalagitnaan ng proseso."
Bigla siyang naglakad papunta sa direksyon namin kaya nagsimula nang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Isang hakbang pa lang ang nalalakad niya pero ang bigat na ng pressure. Tapos nakasmirk lang siya kaya lalong nakakakaba.
"Ugh...s-shit."
Umuubo si Scarystal at nakita kong may dugo na lumalabas sa bibig niya. My God! Sobrang lakas ba ng epekto ng lason na 'yun at nakikita ko sa ganitong sitwasyon si Scarystal? Gusto ko tuloy sugurin 'yung bwisit na boss na 'yun kahit na nagyeyelo na 'yung organs niya doon!
Binitawan naman ni Gemmatanda si Scarystal at si Tandash ang sumalo ng lahat ng weight niya. Pumunta sa harapan namin ni Dumbsey si Gemmatanda habang hawak-hawak niya 'yung metal at wooden sword niya.
Ewan ko pero habang tinitignan ko 'yung likod niya, naamaze ako sa kanya. Like Scarystal, may sense of responsibility din siya at mas gusto niyang nasa front line siya. At kahit hindi nila sabihin, alam naman naming dahil gusto nilang protektahan kami. Silang tatlong matatanda, para talaga silang mga ate kahit na hindi nila pinapakita at madalas ay nagsasagutan kami.
"Sino ka?" tanong ni Gemmatanda pero patuloy lang sa paglalakad 'yung matanda.
Parang gusto ko na siyang hatakin papunta rito para mapabilis dahil habang nakikita ko 'yung at ease na paglalakad niya ay lalo lang akong kinakabahan sa pwedeng mangyari.
Pero nagulat ako nung bigla siyang nawala sa line of vision ko.
"W-what the?!"
"Nasaan siya?!"
Nagpanic kami ni Dumbsey dahil hindi namin siya makita samantalang sina Gemmatanda at Tandash ay hindi gumagalaw sa pwesto nila.
"Hmm, kumakalat na ang lason sa katawan niya."
Nagulat ako nung nasa likuran na namin siya at kaharap niya sina Scarystal at Tandash. Biglang nilabas ni Tandash 'yung mga kutsilyo niya pero nung tinignan siya nung matanda ay nakita kong biglang nagyelo 'yung kamay niya.
Oh my God. Totoo ba 'tong nakikita ko?
Biglang hinawakan nung matanda 'yung leeg ni Scarystal kaya sinugod ko siya pero hindi ako makagalaw. What the hell? Siya ba ang may kagagawan nito? Paano niya 'to nagagawa kahit nasa likuran niya kami?! Pati sina Dumbsey at Gemmatanda ay nastuck rin sa pwesto nila habang hawak-hawak nung matanda si Scarystal sa leeg.
"Sino ka ba?! Anong kailangan mo sa amin?!" sigaw ni Kelsey pero hindi siya sinagot nung matanda.
Umuubo na si Scarystal at ragged na rin 'yung paghinga niya. Biglang bumigat 'yung loob ko dahil ayokong nakikita siya ng ganito. Ito na ba talaga ang katapusan namin?
"Hmm...aayos na ang pakiramdam mo."
Nagulat naman ako nung biglang nagsalita 'yung matanda tapos may niluwa si Scarystal na something after that. Pagtingin ko, parang bato na kulay violet. Tapos, humarap sa amin 'yung matanda.
"Wag kayong mag-alala, hindi ako kalaban," saka siya ngumiti.
"Anong ginawa mo kay Leader?!"
"Hmm...tinanggal ko ang lason sa katawan niya."
Pagkasabi niya nun ay napanganga talaga ako. Ibig sabihin...'yun 'yung poison gas na nainhale niya? Wait, then...he solidified that gas para maging crystal? Whoa. As in whoa! Paano niya 'yun nagawa?!
Bigla namang nawalan ng malay si Scarystal kaya inalalayan siya ni Tandash habang nakatayo pa rin sa gitna naming lima 'yung matanda.
"A-anong kailangan niyo sa amin?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya bigla sa langit at parang may iniisip siyang kung ano.
"Ito na ang simula ng bagong pamamahala. Ito na ang takdang panahon para kumilos."
"Po?" Bigla naman siyang tumingin sa amin.
"Gaya ninyo, mayroon din akong Ice attribute. Pero masyado pa kayong mahina at hindi niyo kayang kalabanin ang iba sa estado ninyo ngayon."
Hindi ko alam pero bigla akong nainsulto. Mahina? Eh natalo nga namin 'tong halos 100 members ng dalawang gang, tapos mahina? Oo, mukhang malakas siya pero hindi naman 'yun basehan para sabihing mahina kami!
"What do you mean?" sabi naman ni Gemmatanda na naging seryoso bigla.
"Hindi ba't sasali kayo sa labanang iyon dahil sa pangongolekta niyo ng insignia? Pero kilala niyo ba ang mga makakalaban ninyo? Alam niyo ba kung gaano sila kalakas? Ngayon pa lang ay sinasabi ko nang wala kayong laban."
Pagkasabi niya nun ay sabay siyang sinugod ni Gemmatanda at Tandash habang sinalo naman namin ni Dumbsey si Scarystal. Pero nagulat ako sa nakita ko at hindi talaga ako makapaniwala.
Hawak-hawak nung matanda sa kamay niya 'yung sword ni Gemmatanda at kutsilyo ni Tandash pero hindi man lang siya nasasaktan o nasusugatan man lang habang hindi naman makagalaw 'yung dalawa.
"Masyado kayong mabagal at walang pwersa ang mga atake ninyo. Ni hindi niyo magawang atakihin ang isang matandang tulad ko. Paano pa kaya ang mga malalakas na kasali sa labanang iyon?"
Ngayon ko lang nakitang nasa ganitong state si Scarystal, Gemmatanda at Tandash. Sa paningin ko kasi, sobrang lakas nila at walang makakapagpatumba sa kanila. Pero mali ako. Laban sa isang matanda, hindi sila makagalaw na dalawa at nablock pa ang attacks nila.
"Ngayon naniniwala na ba kayo sa akin?" tapos binitawan niya 'yung weapons nila at hindi sila nakasagot.
Tumingin siya sa direksyon namin at nagfocus siya kay Scarystal kaya naging alert din ako at gusto ko siyang protektahan.
"Sa inyong lima, siya lang ang may posibilidad na lumaban. Pero mahina pa rin siya kumpara sa mga makakalaban ninyo at paniguradong matatalo siya."
"Malakas si Leader!"
"At hindi siya matatalo!" sigaw namin ni Dumbsey sa kanya.
"Nagbago na ba ang kulay ng mga mata niya? Unang beses pa lang ba?"
Nagulat naman kami nung sinabi niya 'yun. Paano niya nalaman 'yun?
"Kung gusto niyong lumakas, pwede ko kayong tulungan."
This time, natahimik kami. Sino ba 'tong matandang 'to? Bakit parang ang dami niyang alam sa amin? At bakit alam niya rin 'yung pagbabago ng kulay ng mata?
"Bakit mo kami tutulungan?" tanong bigla ni Gemmatanda.
"Dahil gaya ninyo ako. At kailangan ninyong lumakas para sa labanan na 'yun."
"B-bakit?"
"Dahil ito na ang takdang panahon, para pabagsakin ang gobyerno."
***
BINABASA MO ANG
Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop Fiction
Action𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟯 || Krystal was out for revenge. She had been alone since the tragedy that stole everything from her and she spent her whole life trying to get back at the people who did it-Flame Spectre. And...