10

202 9 0
                                    

CHERVEL

"Goodbye class"

Lahat kami napatayo at saka inayos ang mga gamit namin. Pinasulat kase kami ng essay kung bakit namin kinuha ang nursing na course. Buong morning class nag papakilala lang kami. Sabay naman kaming tatlo nina Jess at Leigh nag recess, di na kami lumabas kase may dala namang snacks si Leigh.

Speaking of Leigh, mas gusto daw niya ang tawag namin sa kanya Leigh keysa sa  Keefe o di kaya Leighton. Okay lang din sa amin kase siya ang first friend namin dalawa ni Jess dito sa University.

"Uhm...mauna na muna ako sa inyo"
sabay kaming dalawa ni Jess napatingin sa gilid ko at nakita si Leigh na may kasamang dalawang lalake "Sasabay na ako sa kanila. Okay lang ba sa inyo?"

Napatingin naman ako kay Jess at ngumiti naman siya. Tiningnan ko si Leigh at ngumiti habang tumango tango. "Sure! Kita kits nalang mamaya ah? Wag mag cutting class!"

Medyo tumawa naman siya at saka bahagyang ginulo ang buhok ko. "Sige una na kami"

Nag paalam na siya sa amin at kami nalang ni Jess ang naiwan. Hayst kala ko pa man magkasama kaming tatlo kakain ng lunch ngayon.

"Che si Aeon sasabay ba sa atin?"
Napalaki naman ang mga mata ko at dali daling kinuha ang Phone ko sa bag. Pag tingin ko naman may message na siya sa akin kaya dali dali ko itong tiningnan.

2 minutes ago

From: Aeon Uwat!

I'm here at the cafeteria babe. I'll wait for you to come here. Isabay mo nalang din si Jess if you want:)

Napatingin naman ako kay Jess nga ngayoy suot-suot na ang bag niya. Sinabihan ko na siya na nag aantay na si Aeon sa amin sa cafeteria kaya naman agad ko na siyang hinila dala din ang bag ko.

"A-Ang dami naman..."

Napahinto nalang kami ni Jess na mapagtanto ang daming estudyanteng nandito sa cafeteria. May mga kumakain na, may ilan namang bumibili pa ng pagkain, may nag uusapan at nag tatakbuhan. Akala ko ba payapa dito? Mali pala, akala ko lang.

"Wala ng bakanteng upuan" sabi ni Jess habang nililibot ang paningin sa buong cafeteria "San tayo kakain niyan?"

Napabuntong hininga nalang ako at saka kinuha ang phone ko. Di-nial ko ang number ni Aeon para tawagan siya. Naka ilang ring pa bago niya ito na sagot. Baka busy?

"Hello babe?"
Sabi niya sa kabilang linya.

"Saan ka? Nandito na kami ni Jess. Ang daming tao, dika namin makita"
Sagot ko habang palinga linga sa paligid. Ang lawak dito, pano namin siya makikita?

"Nasa harapan lang ako. If you want susunduin kita sa pwesto niyo? I'll take you and your friend here in the table"
Halatang nag alala ang boses niya. Baka luminga linga din siya para mahanap kami.

"N-No need. Hahanapin ka nalang namin babe. Nasa harap kalang naman diba?" tanong ko habang tinaas ang kilay kahit di niya nakikita.

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon